St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devotion to him has developed amo

Proseso ng Beatification at Canonization

Marahil, itatanong mo, paano nga ba ang isang tao, ay kikilanlin at itatalagang kabilang sa opisyal na talaan ng mga banal ng Simbahang Katoliko? Ano kaya ang proseso na pinag-daraanan upang opisyal na kilalanin ang isang banal na tao bilang Santo o Santa ng Simbahan?

Ang pagpaparangal at pagkilala sa mga banal ay masasabing isang napakahalagang bahagi ng nakagisnan at nakamihasnan nating tradisyon bilang Simbahan. Ang Simbahan ay hindi lamang Katoliko at Apostoliko, bagkus, ito rin ay Banal. At sa pamamagitan ng mga Santo at Santa ng Simbahan, ipinapakita at ipinapaalala sa atin na ang buhay kabanalan ay maaring makamit at talagang bahagi ng ating oridnaryo at pang araw araw na pag-iral bilang tao. Ang mga santo, tulad rin natin, ay namuhay at umiral sa mga tiyak na panahon, konteksto at lugar sa ating kasaysayan.  Hindi nga ba na ang ating unang panawagan o bokasyon bilang mga binyagan ay ang pagpapakabanal.  

Makatutulong ang illustration na ito para magkaroon ka ng over view sa proseso:

Ang apostolic constitution na Divinus Perfectionis Magister at mga pamantayan nito ay nagtatakda na ang cause for beatification ay maaring pasimulan at ipakilala ng isang petitioner 5 taon pagkatapos ng kamatayan in fama sanctitatis (may repustayon ng kabanalan) o in odium fide, uti fertur (maaaring pinatay dahil sa pagkasuklam o galit sa pananampalataya) ng isang kaditato bagama't maaaring i-wave ang 5-year waiting period na ito ng Santo Papa kagaya nang nangyari sa causes of sainthood nina Mother Teresa ng Calcutta at ni Pope John Paul II. Ang petitioner o actor ay maaaring indibidwal o grupo (halimbawa ay parokya, religious congregation, o diyosesis) na binigyang pagkilala ng ecclesiastical authorities na may katungkulan na ipakilala, i-promote at tustusan ang pinansyal na pangangailangan ng cause

Ang postulator naman ay pinipili bilang kinatawan ng aktor sa Congregation of the Causes of Saints (CCS), at ang isang pormal na diocesan inquiry tungkol sa buhay ng Servant of God ay hihilingin na pasimulan ng petitioner, sa pamamagitan ng postulator, sa competent bishop.  Kaalinsabay nito ay ang pagbibigay ng CCS ng protocol number upang tukuyin ang nasabing "Cause"

Itinatakda ng Divinus Perfectionis Magister na konsultahin ng competent bishop ang mga obispo ng eklesiastikong teritoryo kung nararapat pasimulan ang isinumiting "cause".  Kinakailangan din niyang isapubliko ang petisyon ng postulator para sa pagbubukas ng "cause" at imbitahan ang mga mananampalataya na magbigay ng kanilang nalalaman tungkol sa katauhan ng Servant of God.

Kung magdesisyon ang competent bishop na i-authorize ang cause, siya ay pipili  ng 2 theologian censors upang suriin ang mga sinulat ng Servant of God. Ang obispo ay magtatalaga rin ng promoter of justice na bubuo ng mga katanungan para sa mga witnesses o testigo base sa lahat ng mga impormasyon at dokumentong nakalap.

Magbibigay ngayon ang CCS ng nihil obstat, na nangangahulugan na walang humahadlang o ano pa mang balakid sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Matapos matanggap ang nihil obstat, ipapatawag ng obispo ang mga testigo at magsasagawa ng pag-eeksamen sa harap ng isang diocesan tribunal. Matapos maisagawa ang diocesan inquiry, ipapadala sa CCS ang 2 kopya ng kanilang acta o transumptum.

Ang CCS naman ay titiyakin ang dekreto ng validity of the diocesan inquiry. Pagkatapos, i-aapoint ang relator to the cause na siyang mangangasiwa sa paghahanda ng positio na may dalawang mahalagang bahagi: (1) ang informatio, ang kritikal na talambuhay ng Servant of God; at (2) ang summarium, ang kabuuan ng mga testimonya ng mga testigo sa isinagawang diocesan inquiry at mga dokumentong kaugnay sa buhay ng Servant of God. Tatlong grupo ng mga eksperto na binubuo ng mga historians, theologians at prelates na nagtatrabaho para sa CCS ang magsasagawa ng pagsusuri sa positio at kung wala itong pagtutol o objection, gagawa ang CCS ng dekreto na kumikilala sa heroic virtues martyrdom ng Servant of God. Simula ngayon ay maari nang tawaging Venerable ang Servant of God.

Sa kaso ng mga martir, ang susunod na hakbang ay ang tiyakin ang petsa ng isasagawang solemn beatification. Para sa mga hindi martir naman, kailangan pa muli ng isang dekreto. Hinihingi ng Vatican ang isang milagro o himala na mapapatunayang naganap dahil sa pamamagitan ng Venerable. Kikilalanin ng Papa ang himala sa pamamagitan muli ng isang dekreto, na siyang hudyat na maaari nang maitakda ang petsa ng beatification. Pagkatapos ng seremonya ng beatification, ang Venerable ay maaari nang tawaging Blessed.

Upang ang Blessed ay ma-canonize, ang petitioner ng cause ay kinakailangang maglahad muli ng isang himala sa CCS na naganap pagkatapos na ng beatification. Kapag naipahayag na ang dekreto tungkol sa himala, ang isang consistory na binubuo ng Santo Papa at mga kardinal ay ipatatawag upang itakda ang araw ng canonization. Matapos ang seremonya ng canonization, ipakikilala ang ngayon ay Santo o Santa na sa buong Simbahang Katolika upang bigyang parangalan at paggalang.

Bagong Landas patungo sa Beatification

Sa pamamagitan ng Motu Proprio na "Maiorem hac dilectionem" (sa pag-aalay ng buhay), nagbukas ng bagong landas tungo sa beatification si Papa Fancisco para doon sa mga mananampalataya na dahil sa pag-ibig, ay buong kabayanihang inialay ang kanilang buhay para sa kanilang kapwa nang may buong kalayaan at pagbibigay ng sarili sa pagtanggap at pagyakap sa tiyak at hindi napapanahong kamatayan sa kanilang determinasyon na sundan at tularan si Hesus na nag-alay ng buhay niya para sa atin. "Dito'y nakikilala natin ang pag-ibig, sapagkat kaniyang ibinigay ang kanyang buhay dahil sa atin; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid." (1 Jn 3:16)

Ang bagong landas na ito, na maaring tawaging "offer of life" (vitae oblatio), ay maraming pagkakatulad sa landas ng "martyrdom" at sa "heroic virtues".  Ito ay isang bagong landas na nagbibigay halaga sa mataas na antas ng Kristiyanong pagsaksi na noong una ay hindi kasali sa mga umiiral na proseso sapagkat hindi nito tinataglay ang lahat ng mga elemento ng cause of martyrdom o ng heroic virtues.  

Ang landas ng "offer of life" ay tunay na may pagkakahawig sa martyrdom sapagkat may mataas na antas na pag-aalay ng sarili, na umabot sa kamatayan, ngunit  may kaibahan sapagkat wala namang umuusig na nagtulak sa mananampalataya na piliin ang kamatayan kaysa itatwa si Kristo.  Gayon din naman, may pagkakatulad din sa "heoric virtues" ang offer of life sapagkat mayroong mataas na pagsasagawa at pagsasabuhay ng pag-ibig base sa halimbawa ni Kristo.  Ngunit naiiba rin sapagkat hindi ito nagpapakita ng pangmatagalang pagsasabuhay ng kabutihan at kabanalan lalo na ang virtue ng pag-ibig. Ngunit, nangagailangan ito ng ordinaryong pagsasakatuparan ng buhay Kristiyano, na nagiging dahilan ng buong kalayaang pagdedisyon na ialay ang sariling buhay, sa isang napakataas na antas na pagpapahayag ng pag-ibig sa kapwa, na lumalampas sa natural na pagnanais na iligtas ang sarili, bilang agtulad kay Kristo, na inialay ang sarili para sa Ama at para sa mundo sa kanyang pagyakap sa krus ng Kalbaryo.  Sa lahat ng mga nabanggit na landas, iisa ang common denominator, ang pagsasabuhay at pagyakap sa pag-big.  (Para sa mas malalim na pagtalakay sa bagong landas na ito sa Beatification, maaring konsultahin ang sinulat ni Archbishop Marcello Bartolucci)


Pinagsanggunian:

A Fourth Path to Sainthood: New Cause in Procedure for Canonization and Beatification by Archbishop Marcello Bartolucci, retrieved from http://newsaints.faithweb.com/bartolucci.htm on May 11, 2020. 

How does the Catholic Church Declare Saints? retrieved from http://newsaints.faithweb.com/process.htm on January 20, 2019.


Comments

Popular posts from this blog

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas