St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devotion to him has developed amo

Marian Titles 2. Maikling Kasaysayan ng Mapaghimalang Larawan ng Ina ng Laging Saklolo

Ang Mapaghimalang Larawan ng 
Mahal na Ina ng Laging Saklolo

Ang Pambansang Dambana ng Ina ng Laging Saklolo (English: National Shrine of Our Mother of Perpetual Help) kilala rin bilang Simbahan ng Redemptorist at sa mas tanyag na Simbahan ng Baclaran ay isa sa mga pangunahing dambana na itinalaga sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria. Ito ay matatagpuan sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Baclaran, Paranaque, isang lungsod sa katimugang bahagi ng Kamaynilaan, ang kabisera ng Pilipinas. 

Matatagpuan sa simbahan ang popular na larawan ng Ina ng Laging Saklolo na nanggaling pa sa bansang Alemanya pagkapos ay dumaan sa Ireland at Australia bago pa ito tuluyang nakarating sa Pilipinas dala ng mga misyonerong Redemptorista noong taong 1906. Taglay ng larawan ang escudo ng Santo Papa sa likod na bahagi nito. 

Ang debosyon sa Ina ng Laging Saklolo ay laganap na laganap sa mga Pilipinong Katoliko at humahatak ng libo-libong mga deboto patungo sa Baclaran at sa iba't iba pang mga Simbahan sa buong bansa tuwing araw ng Miyerkules upang magsimba at makiisa sa palagiang pagnonobena sa Ina ng Laging Saklolo. 

Sa Kamaynilaan, ang Miyerkules ay tinatawag na “Araw ng Baclaran” dahil sa napakakapal na tao na nagtutungo sa Simbahan ng Redemptorist sa araw na ito. 

Dumating ang mga unang pitong misyonerong Redemptorista sa Opon, Cebu noong Hunyo 30, 1906 sa pamumuno ni Fr. Patrick Leo na tumatayong superyor. 

Sa imbitasyon ni Archbishop Harty ng Maynila, naitayo ang Redemptorist sa lugar malapit sa Manila Bay na kung tawagin ay Baclaran - lugar na maraming mga “baclad” na ginagamit na kulungan ng mga isda bago matapos ang taong 1931. 

Ang popular na palagiang pagnonobena sa karangalan ng Ina ng Laging Saklolo tuwing Miyerkules ay pinasimulan sa Redemptoristang monasteryo ng San Clemente sa Iloilo matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. Ang kauna-unahang nobena ay naganap doon noong Mayo 6, 1946 at pagkatapos ay lumaganap sa iba’t ibang komunidad ng mga Redemptorista kasama na ang Baclaran at Lipa at sa halos lahat ng mga parokya sa buong Pilipinas. 

Simula pa noong Dakilang Kapistahan ng Immaculada Concepcion noong taong 1958, ang dambana ay binigyang pahintulot ng Santo Papa na manatiling bukas 24 oras araw-araw sa buong taon. Ang Dambana ay binasbasan ni Pope John Paul II noong siya ay bumisita sa Maynila noong 1981 para sa beatipikasyon ni San Lorenzo Ruiz. Ipinagdiriwang ang kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo tuwing ika 27 ng Hunyo. 

Kasaysayan ng Larawan 

Sa daang taon na ng kanyang kasaysayan, maraming katawagan ang naibigay sa larawan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo. Tinawag itong Birhen ng Pagpapakasakit, Ang Gintong Madonna, Ina ng mga Misyonerong Redemptorista, Birhen ng San Mateo, at Ina ng mga Katolikong Tahanan. 

Ngunit ninais ng mahal na ina na tawagin siyang Ina ng Laging Saklolo. Ito rin ang bilin ni Papa Pio IX sa mga misyonerong Redemptorista kung papaano nila ipapakilala ang larawan sa buong mundo. 

Ang mangangalakal na nagnakaw sa Mahal na Birhen

Ang Pagkuha sa Larawan
Mayroong tradisyon noong ika-16 na siglo na nagsasabi na ninakaw ng isang mangangalakal ang mapaghimalang larawan sa isang simbahan sa Isla ng Crete at ito ay dinala niya sa Roma. 

Nang siya ay magkasakit ng malubha at malapit nang mamatay, ipinagkatiwala niya sa kaibigang nag-alaga sa kanya ang pagsasauli sa ninakaw na larawan. Bagama’t nangakong ibabalik ito, hindi ito natupad dahil sa ayaw pawalan ng kanyang asawa ang napakagandang larawan hanggang sa ito ay kanya na ring nakamatayan. 

Hanggang sa nagpakita ang Mahal na Birhen sa 6 na taong gulang na anak na babae ng namatay at sinabi sa kanya na sabihin sa kanyang ina at lola na ang larawan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo ay kailangang dalhin sa Simbahan ng San Mateong Apostol na matatagpuan sa pagitan ng Basilica ng Mary Major at St. John Lateran. 

Matapos ang ilang pagdududa, sumunod ang babae sa kagustuhan ng Mahal na Birhen at ang larawan ng Mahal na Ina ay napasa Simbahan ng San Mateo noong Marso 27, 1499. 

Doon, ito ay pararangalan hanggang sa susunod na tatlong daang taon. At nagsimula ang ikalawang yugto sa kasaysayan ng larawan at ang debosyon sa Ina ng Laging Saklolo ay lumaganap sa buong Roma. 

Tatlong Daang Taon sa Simbahan ng San Mateo 

Simple lamang ang simbahan ng San Mateo pero ito ay nagtataglay ng isang kayamanan na umaakit sa maraming mga mananampalataya: ang larawan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo. Mula 1739 hanggang 1798, ang simbahan at ang katabing monasteryo ay nasa pangangalaga ng mga Agustino mula sa Ireland na pinatalsik sa kanilang bansa. Ang monasteryo ay nagsisilbing isang sentro ng paghuhubog at ang mga kabataang hinihubog sa pagkapari ay nakadama ng kapayapaan sa ilalim ng presensya ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo. 

Noong 1798, sumiklab ang digmaan sa Roma at ang monasteryo at ang simbahan ay halos lubos na nasira. May ilang mga Agustino na naiwan sa lugar ngunit sila ay umalis na rin makalipas ang ilang taon. Ang iba ay bumalik sa Ireland at ang ilan naman ay nagtayo ng mga bagong pundasyon sa Amerika samantalang ang karamihan ay nagsilipat sa kalapit na monasteryo. Dinala ng grupong ito ang larawan ng Ina ng Laging Saklolo. At nagsimula ang ikatlong yugto sa kanyang kasaysayan, ang “mga natatagong taon.” 

Noong 1819, ang mga Agustinong Irish ay lumipat sa simbahan ng Sta. Maria sa Posterula, malapit sa tulay ng Umberto I na tumatawid sa ilog Tiber. Dala-dala nila ang larawan ng Birhen ng San Mateo. Ngunit dahil ang Nuestra Senora de Gracia ay pinararangalan na sa simbahang iyon, ang larawan ng Birhen ng San Mateo ay inilagak sa isang pribadong kapilya sa loob ng monasteryo kung saan ito nanatili at nakalimutan ng lahat maliban kay Hermano Agustin Orsetti, isa sa mga orihinal na mga batang prayle mula sa monasteryo ng San Mateo. 

Ang Matandang Prayle at ang Batang Sakristan 

Limipas ang panahon at ang larawan na nailigtas sa digmaan na sumira sa simbahan ng San Mateo ay tuluyan nang nakalimutan. Walang debosyon sa kanya, walang dekorasyon o lampara man lang upang tanglawan ang kanyang presensya. Nabalot ang larawan ng alikabok at halos napabayaan na. 

May isang batang sakristan na ang pangalan ay Michael Marchi na madalas bumisita sa simbahan ng Santa Maria sa Posterula at naging kaibigan niya si Hermano Agustin. Nuong lumaon bilang Fr. Michael, kanyang isinulat na palaging sinasabi sa kanya ng hermano na huwag niyang kalilimutan ang larawan ng Mahal na Birhen ng San Mateo sa kapilya sa itaas ng monasteryo sapagkat ito ay isang mapaghimalang larawan. 

Pumanaw si Hermano Agustin noong 1853 sa edad na 86 na hindi natupad ang pagnanais na maparangalan muli ang Birhen ng Laging Saklolo. 

Muling Pagkatuklas sa Larawan

Simbahan ng San Alfonso, Via Mirulana, Roma
Noong Enero ng taong 1855, nabili ng mga misyonerong Redemptorista ang “Villa Caserta” sa Roma na ginawa nilang generalate house

Sa kaparehong lugar sa kahabaan ng Via Merulana, matatagpuan ang mga guho ng noo’y simbahan at monasteryo ng San Mateo. Hindi nila alam na ang nabili nilang lupa, sa pagitan ng St. Mary Major at St. John Lateran ay ang ang lugar na siyang pinili ng Mahal na Birhen bilang kanyang sanktwaryo maraming taon na ang nakalipas. 

Pinasimulan ang pagpapatayo ng simbahan sa karangalan ng Kabanal-banalang Manunubos na itinalaga rin kay San Alfonso Liguorio, tagapagtatag ng kongregasyon. Noong Disyembre 24, 1855, isang grupo ng mga kabataang kalalakihan ang nagsimula ng kanilang novitiate sa bagong kumbento kabilang si Michael Marchi. 

Labis na nagkaintes ang mga Redemptorista sa kasaysayan ng kanilang nabiling lupa. Lalo na nang minsang magmisa doon ang Heswitang si Fr. Francesco Bosi na tinanong sila tungkol sa isang larawan ng Birheng Maria na dating nasa Simbahan ng San Mateo sa Via Merulana na kilala bilang Birhen ng San Mateo o Birhen ng Laging Saklolo. 

Sa isa pang pagkakataon, habang nagbubuklat ng aklat tungkol sa Roman antiquities ang chronicler ng mga Redemptorista, nakakita siya ng mga pagbanggit sa dating Simbahan ng San Mateo na dating nakatayo sa ngayon ay hardin ng kumbento kung saan ay mayroong matandang mapaghimalang larawan ng Ina ng Diyos na may popular na debosyon at katanyagan. 

Nagsimula ang paghahanap sa mapaghimalang larawan at naalala ni Fr. Marchi ang lahat ng nabanggit sa kanya ni Hermano Agustin at sinabi sa kanyang mga kapwa pari na alam niya kung saan ito matatagpuan. 

Ang Pagtanggap sa Mapaghimalang Larawan ng mga Redemptorista

Ipinagkaloob ni Papa Pio IX sa mga
Redemptorista ang Larawan
Lalong nagkaintes ang mga Redemptorista sa larawan ng Mahal na Birhen at maibalik ito para sa kanilang simbahan. Gumawa ng sulat si Fr. Nicholas Mauron, superior general ng mga Redemptorista kay Papa Pio IX upang hilingin na ipagkaloob sa kanila ang larawan ng Ina ng Laging Saklolo na kanilang ilalagay sa bagong tayong simbahan ng Kabanal-banalang Manunubos na nakatayo malapit sa dating kinatatayuan ng simbahan ng San Mateo. Inayuan ng Santo Papa ang petisyon at sinabi sa superior general ng mga Redemptorista: “Ipakilala ninyo siya sa buong mundo.”

Noong Enero1866, nagtungo si Fr. Marchi at Fr. Ernest Besciani sa Sta Maria sa Posterula upang tanggapin ang larawan mula sa mga Agustino. 

Pinasimulan ang proseso ng paglilinis at pagsasaayos sa larawan. Ipinagkatiwala ito sa Polish artist na si Leopold Nowotny. At noong Abril 26, 1866, ang larawan ng Ina ng Laging Saklolo ay muling nasilayan para parangalan sa simbahan ng San Alfonso sa Via Merulana. 

At sa pangyayaring ito, nagsimula ang ika-apat na yugto sa kasaysayan ng mapaghimalang larawan: ang pagpapalaganap ng larawan sa buong mundo. 

Nakarating ang larawan ng Ina ng Laging Saklolo sa Pilipinas noong 1906.

Ang Pambansang Dambana ng Mahal na Ina ng 
Laging Saklolo sa Baclaran


Photos: CTTO

Comments

Popular posts from this blog

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas