Posts

Showing posts with the label society of jesus

Filipino Saints 12: Servant of God Fr. George Willmann, SJ

Image
Servant of God Fr. George Willmann, SJ (1887 - 1977):  Fr. McGivney ng Pilipinas Hunyo 29, 1897, kapistahan ng mga Apostol San Pedro at San Pablo, nang ang pagtataling puso nina William G. Willman at Julia Corcoran Willmann ay magbigay buhay sa isang sanggol na lalaki sa Brooklyn, New York. Bininyagan ang bata sa pangalang “George”. Mayroong siyang isang kapatid na lalaki, si William, Jr. at apat na kapatid na babae na sina Miriam, Dorothy, Sr. Ruth at Sr. Agnes ng  Franciscan Missionaries of Mary. Taong 1902 nang simulan niya ang pag-aaral sa  Our Lady of Good Counsel Grammar School  at nagpatuloy ng  High School  sa  Brooklyn Preparatory High School.  Pagkatapos, pumasok sa Seminaryo ng Kapisanan ni Hesus sa  Andrew-on-Hudson, Poughkeepsie, New York  kung saan niya natapos ang kanyang  Novitiate  at  Juniorate  noong 1922.  Sa taon ding iyon, una siyang dumating sa Pilipinas habang seminarista pa lamang at nagt...

Bro. Richard "Richie" Fernando, SJ: Martir ng Pag-ibig

Image
Bro. Richard "Richie" Fernando, SJ (1970 - 1996):  Jesuit Scholastic, Martir ng Pag-ibig Si Bro. Richard "Richie" Fernando ay isang Jesuit Scholastic na nag-alay ng sariling buhay upang iligtas ang mga estudyante sa nakaakmang pagsabog ng isang granada habang siya'y nakadestino sa bansang Cambodia noong taong 1996. Kamakailan, pinasimulan na ng Kapisanan ni Hesus ang pag-aaral at pangangalap ng mga kailangang dokumento at testimonya para sa pagbubukas ng Cause of Beatification ni Bro. Richie Fernando. Sa isang sulat na ipinadala sa lahat ng mga kasapi ng Jesuit Philippine Province noong Hulyo 31, 2017, kapistahan ni Si San Ignacio ng Loyola, na siyang tagapagtatag ng Kapisanan, ibinahagi ni Padre Antonio Moreno, SJ, Provincial Superior ng mga Heswita sa Pilipinas, na inaprubahan na ng Superior General ng Kapisanan ang kanyang petisyon upang pormal na simulan ang Cause for Beatification ni Bro. Richie Fernando. Ang pagkilos na ito ay bunsod ng pagbabago na ...