Filipino Saints 5: Madre Jeronima de la Asuncion de la Fuente
Madre Jeronima de la Asuncion de Fuente (1556 - 1630) Tagapagtatag ng Monasteryo ng mga Monghang Clarisas sa Pilipinas Si Jeronima de la Fuente ay isinilang sa Toledo, Espanya noong Mayo 9, 1556. Ang kanyang mga magulang na sina Pedro Garcia Yanez at Catalina de la Fuente, na pawang mga tubong Toledo din, ay mula sa mga kilalang angkan sa kanilang bayan. Noong siya ay edad 14, nakilala niya si Sta. Teresa ng Avila sa Toledo at pagkatapos ng kanilang pagkikita, naramdaman niya ang pagtawag sa kanya sa buhay relihiyoso. Labis din siyang naantig ng talambuhay ni Sta. Clara ng Asisi. Kung kaya’t makalipas ang isang taon, noong Enero 15, 1571, noong siya ay maglalabin-limang taon pa lamang, ay pumasok siya sa monasteryo ng mga monghang Clarisas (Poor Clares) sa Toledo, ang Monasterio de Santa Isabel la Real de Toledo at tinanggap ang pangalang Jeronima de la Asuncion. Sa monasteryong ito nakasama niya ang kanyang dalawang tiyahin na pawang mga mongha rin. Nang malaman ni Madre Jeroni...