Filipino Saints 17: Servant of God Fr. Joseph Aveni, RCJ
Servant of God Fr. Joseph (Guiseppe) Aveni, RCJ (1918 - 2010) Pari ng Rogationists of the Heart of Jesus Si Padre Joseph Aveni ay isang misyonerong pari na kasapi ng Rogationists of the Sacred Heart , isang kongregasyon ng mga pari at hermano na itinatag ni San Hannibal Maria di Francia sa Italya noong Mayo 16, 1897. Ang salitang rogationist ay nagmula sa salitang Latin na rogate na ang ibig sabihin ay “manalangin”. Inilaan ni Fr. Aveni ang huling 30 taon ng kanyang ministéryo bilang pari sa paghuhubog sa mga Pilipinong Rogationista at sa tahimik na pagtupad ng mga iba pa niyang gawain at tungkulin bilang pari. Si Padre Aveni ay isinilang sa Tripi, Messina noong Disyembre 5, 1918. Masasabing likas na relihiyoso ang mga Aveni. Ang kanilang bahay ay kadikit ng simbahan ng San Blas at dingding lamang ang naghahati sa pagitan ng kanilang tahanan at ng altar ng simbahan. Natutunan niya ang katesismo habang siya ay musmos pa at naging isan...