St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devo...

Filipino Saints 10: Blessed Eugenio del Saz - Orosco

Blessed Eugenio del Saz - Orozco, OFM Cap. (1880 -1936)

Capuchinong Pari, Martir ng Digmaang Sibil sa Espanya

Source: Wanted Filipino Saints FB Page
Si Jose Maria de Manila (Eugenio del Saz-Orozco Mortera) ay ipinanganak noong Setyembre 5, 1880 sa Maynila, Pilipinas.  Ang kanyang mga magulang ay sina Don Eugenio del Saz-Orozco de la Oz, ang   kahuli-hulihang Espanyol na Punong Lungsod ng Maynila at Dona Felisa Mortera y Camacho. Si Padre Jose ay hinubog sa mga pangunahing Katolikong paaralan noong panahong iyon; Sa Pamantasang Ateneo, Colegio de San Juan de Letran at sa Pamantasan ng Santo Tomas.

Lumaki at nanatili siya sa Pilipinas hanggang sa siya ay labing-anim na taong gulang bago siya nagpatuloy ng mas mataas na pag-aaral sa Espanya. Taliwas sa pagnanais ng kanyang ama na siya ay kumuha ng Abugasya, ninanais ng batang si Eugenio ang maging isang paring Capuchino. Ngunit gaya ng isang masunuring anak, sinunod pa rin niya ang kagustuhan ng kanyang ama at tinapos ang kursong abugasya at naging isang abugado ng ilang buwan lamang upang pumasok sa mga paring Capuchino. 

Batid ang buhay-kabanalan at ang mahirap na pamumuhay ng mga relihiyosong Capuchino, nabagabag ang mga magulang ni Jose Maria ngunit sa ipinakitang determinasyon ni Jose Maria na paglingkuran ang Diyos at yakapin ang buhay relihiyoso, ibinigay rin nila ang kanilang pag-sangayon sa bokasyon ng kanilang anak.

Pumasok si Jose Maria sa Orden ng mga Pransiskanong Capuchino noong Oktubre 2, 1904. Makalipas ang isang taon, noong Oktubre 4, 1905, isinagawa ni Jose Maria ang kanyang profession of simple vows at ang kanyang solemn vows, noong Oktubre 18, 1908, matapos ang tatlong taon.  Nobyembre 30, 1910, kapistahan ni Apostol Andres, nang siya ay inordinahan sa pagkapari.

Dahil sa kanyang husay sa pangangaral, nakatanggap siya ng maraming paanyaya upang mangaral sa iba't ibang lugar sa Espanya.  At sa kanyang mga paglalakbay, nasaksihan niya ang paghihirap ng mga tao bunsod ng Unang Digmaang Pandaigdig.  Pinilit niyang ibsan ang kanilang ispiritwal at pisikal na paghihirap sa pamamagitan ng pagtulong sa mga may sakit, pagbibigay ng limos sa mga mahihirap hanggang may maibibigay siya.

Nanatiling Pilipino-pilipino pa rin si Padre Jose Maria sa kanyang puso at sa kanyang mga taon ng pananatili sa Espanya, nangarap pa rin siya na makabalik sa Pilipinas upang maglingkod sa lokal na Simbahan doon. Ngunit ang mga sitwasyon ay hindi naging mainam para maisagawa niya ang kanyang nais, kung kaya't ipinagkaloob niya ang kanyang sarili sa paglilingkod sa Simbahan sa Espanya kung saan may kasalukuyang nagaganap na digmaang sibil.

Dahil sa laganap na kahirapan ng buhay, sinamantala ng mga kumunistang Marxista na gatungan ang mga manggagawa at magtanin ng mga sentimyento ng pagkagalit sa mga institusyon lalo na sa Simbahan at sa mga pari. Inakusahan ng mga kritiko na nakikipagsabwatan ang Simbahan sa gobyerno upang panatilihing mahirap ang mga mamamayan. Nang mag-aklas ang militar noong Hulyo 1936, naging hudyat na ito ng pagsisimula ng digmaang sibil sa Espanya na naging sanhi ng pagdanak ng dugo at pagkitil sa maraming inosenteng buhay.

Kinumpiska o sinira ang mga pag-aari ng Simbahan at ikinulong ang mga pari at relihiyoso. Libo-libo ang pinatay ng rehimen dahil sa pananampalataya.  At lalong tumindi ang galit at pag-uusig sa Simbahan.  Tinugis ng rehimen ang mga lider ng Simbahan at napilitang umalis sa Espanya ang maraming mga pari at relihiyoso.  Ngunit nagdesisyon si Padre Jose Maria na manatili.  Nagtago siya sa bahay ng isang kamag-anak ngunit isa ring kamag-anak ang nagsuplong sa mga rebolusyonaryo ng kanyang kinaroroonan kung kaya't siya'y dinakip ng mga rebolusyonaryo buwan ng Agosto 1936.  At noong Agosto 17, si Padre Jose Maria ay binitay sa hardin ng Cuartel de Montana, isang pasilidad militar sa Madrid.  "Mabuhay si Kristong Hari!" ang mga huling salitang namutawi sa kanyang bibig.

Mula sa Kapatiran ng mga Capuchino, 32 ang nagbuwis ng buhay sa pananampalataya sa panahon ng digmaang sibil.  20 ay mga pari at ang 12 naman ay relihiyosong layko.  

Noong Marso 27, 2013, pinagtibay ni Papa Francisco ang panukala ng Congregation for the Causes of Saints na si Padre Jose Maria kasama ang 521 pang iba ay tunay na pinatay dahil sa kanilang Pananampalatayang Romano Katoliko, na naging daan para sa kanilang beatification. Si Padre Jose Maria sampu ng kanyang mga kasamang mga martir ng pag-uusig sa Simbahan noong panahon ng digmaang sibil sa Espanya ay kinilalang mga Blessed ng Simbahan noong Oktubre 13, 2013 sa Taragona, Espanya.


Pinagsanggunian:

"Blessed Jose Maria: The Third Filipino Beatus." Retrieved from https://pintakasi1521.blogspot.com/2017/07/blessed-jose-maria-de-manila-third.html. January 14, 2019.

"Catholic Heroes.... Blessed Jose Maria de Manila" by Carole Breslin.  Retrieved from https://thewandererpress.com/saints/catholic-heroes-blessed-jose-maria-de-manila/ on Apirl 25, 2020.

PCNE Calendar 2019.

Comments

Popular posts from this blog

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas