Posts

Showing posts with the label Marian Titles

Marian Titles: The Virgin of Antipolo: Our Lady of Peace and Good Voyage

Image
Our Lady of Peace and Good Voyage (Spanish: Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje ,  Tagalog:  Mahal na Ina ng Kapayaapaan at Mabuting Paglalakbay ) or more popularly known as Birhen ng Antipolo is an image of the Blessed Virgin Mary venerated in the city of Antipolo, Rizal in the Philippines.  The brown image of the Blessed Virgin of the Immaculate Conception is enshrined in the International Shrine dedicated to her, also known as the Cathedral of the Immaculate Conception, at the foot of the Sierra Madre mountains, east of Manila. The revered image travelled across the Pacific Ocean from Mexico to the Philippines aboard the galleon El Almirante , arriving in the Philippines in 1626 through the generosity of Governor General Juan Nino de Tabora. The peaceful and safe voyage of the El Almirante was attributed to the image of the Blessed Mother, named Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje.  The powerful intercession of the Blessed Virgin was further proven by th...

Marian Titles 5: Mahal na Birhen ng Manaoag: Ang Inang Tumatawag

Image
Ang ika-17 siglong imahen ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario ng Manaoag na mas kilala bilang Nuestra Senora de Manaoag na gawa sa garing (ivory) at pilak ay isang representasyon ng Mahal na Birhen kasama ang Nino Hesus. Ang imahen na tinatawag ding “Apo Baket” ng mga taga-Pangasinan, ay nakadambana sa basilikang itinalaga sa kanyang karangalan sa Manaoag, Pangasinan. Ayon sa tradisyon, ang pangalan ng bayan ng Manaoag ay nanggaling sa salitang Pangasinense na “mantaoag” na ang ibig sabihin ay “tawagin” , mula sa salitang ugat na “taoag” (tagalog: tawag).  Dinala ang imahen sa Pilipinas buhat sa Espanya sa pamamagitan ng kalakalang Galyon na tumatahak sa rutang Maynila – Acapulco, Mexico noong unang bahagi ng ika-17 siglo ng Dominikong si Padre Juan de San Jacinto.  Ayon sa tradisyon at sa mga dokumento na nasulat mula pa noong 1610, ang Mahal na Birhen ay nagpakita sa isang magsasakang nasa katanghaliang-gulang. Naglalakad siya pauwi sa kanyang bahay mula sa pagtatra...

Marian Titles 4: Ang Mapaghimalang Birhen ng Caysasay ng Taal, Batangas

Image
Ang Mahal na Birhen ng Caysasay (Spanish: Nuestra Senora de Caysasay, English: Our Lady of Caysasay) ay isang imahen ng Mahal na Birheng Maria na pinararangalan sa Pang-arkidyosesis na Dambana ng Mahal na Birhen ng Caysasay sa Taal, lalawigan ng Batangas, Pilipinas. Ang imahen na isang representasyon ng Immaculada Concepcion, na nalambat ng isang mangingisda sa ilog ng Pansipit noong taong 1603, ay pinaniniwalaang isa sa pinaka-matandang imahen ng Mahal na Birhen sa bansa. Ang mga sumunod na aparisyon ng Mahal na Birhen na naitala ng mga lider eklesiastiko ng panahong iyon ay masasabing pinakauna sa bansa. Sa kasalukuyan, patuloy na pinupuntahan ng mga deboto ang dambana ng Caysasay dahil sa mga himala na ipinatutungkol sa Mahal na Birhen.  Ang imahen ng Caysasay ay pinagkalooban ng koronasyong kanonikal noong 1954 at binigyan ng titulo na Reyna ng Arkidyosesis ng Lipa . Ang kanyang kapistahan ay ginugunita tuwing ika-8 at ika-9 ng Disyembre.  Ang imahen na gawa sa kaho...

Marian Titles 3: Nuestra Senora del Santisimo Rosario: Mahal na Birhen ng La Naval

Image
Ang Mahal na Birhen ng Santo Rosario ng La Naval de Manila (Spanish: Nuestra Senora del Santisimo Rosario de La Naval de Manila, English: Our Lady of the Most Holy Rosary of La Naval de Manila) ay isa sa pinakapopular na imahen ng Mahal na Birhen sa Pilipinas na nakadambana sa Simbahan ng Sto. Domingo, Lungsod ng Quezon na pinamamahalaan ng mga Dominiko.  Pinaniniwalaan na sa pamamagitan ng Mahal na Ina ng Sto. Rosario ay naitaboy ang higit na mas malakas na hukbo ng mga Protestanteng Olandes sa Digmaan ng La Naval de Manila , na may pagkakahawig sa tagumpay na nakamit ng pinagsanib na mga pwersang Kristiyano na inorganisa ni Papa Pio V laban sa imperyong Ottoman sa Digmaan sa Lepanto noong Oktubre 7, 1571 kung saan, nailigtas ang buong Europa sa pagbagsak sa kamay ng mga Muslim sa tulong ng Mahal na Birhen at sa pamamagitan ng pagdadasal ng santo rosaryo. Dahil sa nakamit na tagumpay laban sa mga Olandes, ikinabit ang “La Naval de Manila” sa titulo ng Mahal na Birhen ng Santi...

Marian Titles 2. Maikling Kasaysayan ng Mapaghimalang Larawan ng Ina ng Laging Saklolo

Image
Ang Mapaghimalang Larawan ng  Mahal na Ina ng Laging Saklolo Ang Pambansang Dambana ng Ina ng Laging Saklolo (English: National Shrine of Our Mother of Perpetual Help ) kilala rin bilang Simbahan ng Redemptorist at sa mas tanyag na Simbahan ng Baclaran ay isa sa mga pangunahing dambana na itinalaga sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria. Ito ay matatagpuan sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Baclaran, Paranaque, isang lungsod sa katimugang bahagi ng Kamaynilaan, ang kabisera ng Pilipinas.  Matatagpuan sa simbahan ang popular na larawan ng Ina ng Laging Saklolo na nanggaling pa sa bansang Alemanya pagkapos ay dumaan sa Ireland at Australia bago pa ito tuluyang nakarating sa Pilipinas dala ng mga misyonerong Redemptorista noong taong 1906. Taglay ng larawan ang escudo ng Santo Papa sa likod na bahagi nito.  Ang debosyon sa Ina ng Laging Saklolo ay laganap na laganap sa mga Pilipinong Katoliko at humahatak ng libo-libong mga deboto patungo sa Baclaran at sa iba't iba pang m...