Posts

Showing posts with the label Birhen ng Sto. Rosario

Marian Titles 3: Nuestra Senora del Santisimo Rosario: Mahal na Birhen ng La Naval

Image
Ang Mahal na Birhen ng Santo Rosario ng La Naval de Manila (Spanish: Nuestra Senora del Santisimo Rosario de La Naval de Manila, English: Our Lady of the Most Holy Rosary of La Naval de Manila) ay isa sa pinakapopular na imahen ng Mahal na Birhen sa Pilipinas na nakadambana sa Simbahan ng Sto. Domingo, Lungsod ng Quezon na pinamamahalaan ng mga Dominiko.  Pinaniniwalaan na sa pamamagitan ng Mahal na Ina ng Sto. Rosario ay naitaboy ang higit na mas malakas na hukbo ng mga Protestanteng Olandes sa Digmaan ng La Naval de Manila , na may pagkakahawig sa tagumpay na nakamit ng pinagsanib na mga pwersang Kristiyano na inorganisa ni Papa Pio V laban sa imperyong Ottoman sa Digmaan sa Lepanto noong Oktubre 7, 1571 kung saan, nailigtas ang buong Europa sa pagbagsak sa kamay ng mga Muslim sa tulong ng Mahal na Birhen at sa pamamagitan ng pagdadasal ng santo rosaryo. Dahil sa nakamit na tagumpay laban sa mga Olandes, ikinabit ang “La Naval de Manila” sa titulo ng Mahal na Birhen ng Santi...