Posts

Showing posts with the label Don Bosco

Filipino Saints 15: Servant of God Fr. Carlo Braga, SDB

Image
Servant of God Fr. Carlo Braga, SDB (1889 - 1971) Misyonerong Salesian Si Fr. Carlo Braga ay isinilang sa Tirano, Italya noong Marso 23, 1889 kung saan siya lumaki at nagkaisip. Napakabata pa niya nang mawalay siya sa kanyang mga magulang. Ang kanyang amang si Domenico ay nakipagsapalaran sa Argentina noong siya ay edad dalawang taon pa lamang ngunit hindi na muling nagbalik. Ang kanyang ina namang si Maddalena Mazza ay yumao matapos ng mahabang pagkakasakit habang si Carlo ay anim na taon pa lamang. Sa harap ng ganitong pagsubok, Si Carlo ay nakahanap ng kalinga sa mga Salesians na siyang kumupkop sa kanya. Una sa Tirano, ng mga  Daughters of Mary Help of Christians  na siyang gumabay sa kaniya mula kindergarten hanggang sa makatapos siya ng elementarya. Dito niya nakilala si Sr. Giuditta Torelli na itinuring niyang "pangalawang ina." Hindi naglaon at ang mga Salesians of Don Bosco naman ang kumupkop sa kanya sa kanilang paaralan sa San Rocco, Sondrio.  Habang siya ay ...