Posts

Showing posts with the label Blessed

Filipino Saints 10: Blessed Eugenio del Saz - Orosco

Image
Blessed Eugenio del Saz - Orozco, OFM Cap. (1880 -1936) Capuchinong Pari, Martir ng Digmaang Sibil sa Espanya Source: Wanted Filipino Saints FB Page Si Jose Maria de Manila (Eugenio del Saz-Orozco Mortera) ay ipinanganak noong Setyembre 5, 1880 sa Maynila, Pilipinas.  Ang kanyang mga magulang ay sina Don Eugenio del Saz-Orozco de la Oz, ang   kahuli-hulihang Espanyol na Punong Lungsod ng Maynila at Dona Felisa Mortera y Camacho. Si Padre Jose ay hinubog sa mga pangunahing Katolikong paaralan noong panahong iyon; Sa Pamantasang Ateneo, Colegio de San Juan de Letran at sa Pamantasan ng Santo Tomas. Lumaki at nanatili siya sa Pilipinas hanggang sa siya ay labing-anim na taong gulang bago siya nagpatuloy ng mas mataas na pag-aaral sa Espanya. Taliwas sa pagnanais ng kanyang ama na siya ay kumuha ng Abugasya, ninanais ng batang si Eugenio ang maging isang paring Capuchino. Ngunit gaya ng isang masunuring anak, sinunod pa rin niya ang kagustuhan ng kanyang ama at tinapos ang ku...