Sr. Christine Tan: Mother Teresa ng Maynila
Si Sr. Mary Christine Tan ay kabilang sa kongregasyon ng Religious of the Good Shepherd , isang pandaigdigang kongregasyon ng mga madre na matatagpuan sa 74 na bansa na itinatag ni Sta. Maria Euphrasia sa bansang France noong taong 1835. Sa Pilipinas, dumating ang unang grupo ng mga Irish na madreng Good Shepherd mula sa kanilang misyon sa Burma sa Batangas City noong 1912 at itinatag ang St. Bridget’s College. Sa kasalukuyan, ang mga Good Shepherd sisters ay matatagpuan sa iba’t ibang kumunidad sa buong Pilipinas upang kagaya ni Kristo, ang mabuting pastol, hanapin at akayin ang mga nawawalang tupa pabalik sa kanyang kawan. Ganyan marahil maaaring maisasalarawan ang naging buhay ni Sr. Christine Tan, RGS. Bagama’t ipanganak sa karangyaan, pinili niyang yakapin sa mas radikal na pamamaraan ang kahirapan at tulad ng mabuting pastol, sumama at nakipamuhay sa kanyang kawan, sa mga barung-barong sa kalungsuran, kung saan siya ay na...