St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devotion to him has developed amo

Filipino Saints 20: Servant of God Sr. Dalisay Lazaga, FdCC

Sr. Dalisay Lazaga, FdCC (1940 - 1971)

Madreng Canossian

Sr. Dalisay Lazaga, FdCC
Masasabing natatangi ang kwento ni Sr. Dalisay Lazaga sapagkat di tulad ng ibang mga madreng Pilipina na ngayon ay mga kandidato sa pagiging santa ng Simbahan, tanging si Sr. Dalisay Lazaga lamang ang hindi tagapagtatag ng kongregasyon bagkus, ay isang ordinaryong kasapi lamang. Sa katunayan, siya ay pumanaw sa napakabatang edad na 30.

Masasabing nagsisimula pa lamang siya sa pamumulaklak sa kanyang buhay relihiyosa nang siya ay tawagin ng Panginoon upang doon sa hardin ng langit itanim at magdulot ng ganda at halimuyak magpakailaman. Marahil simple lamang ang kanyang buhay, ngunit ekstraordinaryo naman ang kanyang kakayahan na magbata ng sakit at hirap na sinimulan niyang yakapin sa napakabata niyang gulang.   Kung gaano kasimple  ang kanyang maikling buhay, ganoon naman kalalim ang pag-ibig na pinaghugutan niya ng lakas sa harap ng pagdurusang dala ng inindang karamdaman.    

Si Sr. Dalisay Lazaga ay ipinanganak sa Santa Rosa, Laguna noong Marso 17, 1940. Siya ang panlima at bunsong anak ng kanyang mga magulang na sina Roque Lazaga at Julia Alinsod. Namatay ang kanyang ama noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig samantalang ang kanyang ina naman ay pumanaw nang siya ay walong taong gulang pa lamang. Kung kaya’t naulila siyang lubos sa kanyang kamusmusan. Ang kaniyang panganay na kapatid na babae, si Teofila, ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya. Tunay na masasabi na nakilala niya ang pagdurusa sa napakabatang gulang dahil sa kanyang pagiging ulila sa ina. Napakahirap lumaki sa isang bata na walang magulang, higit sa lahat, ng isang inang gagabay sa kanya sa mga panahon ng kanyang kabataan. Ngunit sa kabila nito, siya ay lumaking isang mabuti at kalugod-lugod na bata at siya ay minahal ng lahat.

Sta. Magdalena ng Canossa
Noong Marso 19, 1960, sa edad na dalawampu, nakatapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo.  Nakapagturo siya sa Canossa College sa San Pablo, Laguna kung saan, siya rin ay isang aspirant ng mga madreng Canossian.  Siya ay nagturo ng may sigasig at pagmamahal. Dahil sa kanyang likas na kagandahan, marami rin ang humanga sa kanya ngunit wala ni isa man sa kanila ang nakabighani sa kanyang puso sapagkat may nagmamay-ari na nito. Kung kaya't itinuon niya ang kanyang sarili sa paghahanap sa tunay niyang minamahal at pinasok ang buhay relihiyoso. Sa kabila ng pagtutol ng kanyang pamilya, pumasok siya sa kongregasyon ng mga Canossian sisters at noong Pebrero 2, 1966, kanyang isinagawa ang kanyang first religious profession sa Novitiate House ng mga Canossian Daughters of Charity sa Australia. Sa kanyang pagbabalik, buong kasigasigan na naman niyang niyakap ang tunay niyang nais gawin - ang pagtuturo sa mga kabataan sa iba't ibang Canossian schools, bagamat hindi rin ito nagtagal.

Noong Nobyembre 1970, nagkasakit si Sr. Dalisay at kinakailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. Malubha ang kanyang karamdaman, nasa advance stage na ang cancer na tumama sa kanya at siya'y tinaningan ng 3 buwan para mabuhay. Hindi niya alam ang buong katotohanan tungkol sa lagay ng kanyang kalusugan at siya'y umasa na siya'y gagaling pa at makababalik muli sa gawain ng pagaakay sa mga kabataan patungo kay Kristo. At nang malaman niya na cancer ang kanyang karamdaman mula sa kanyang confessor, tumulo ang luha sa kanyang mga mata sapagkat nais niya pang maglingkod sa kanyang kongregasyon ngunit tanggap din niya na kung ito ang kalooban ng Diyos, kailangang maihanda niya ang kanyang sarili.  

Sta. Josefina Bakhita, Madreng Canossian
Enero 1, 1971 nang isagawa niya ang kanyang perpetual profession of vows habang nakaratay sa Singian Memorial Hospital sa Maynila.  Ang kanyang huling sampung araw ay nagpapatunay sa himala na ginagawa ng Diyos sa kanyang kaluluwa bago Niya tawagin patungo sa Kanya si Sr. Dalisay.  Ang bawat dumalaw sa kanya ay sinalubong niya ng ngiti at maikling mensahe na tumatagos sa kaibuturan ng puso.  Ilang araw bago ang kanyang pagpanaw, unang na-usal ni Sr. Dalisay ang salitang “cancer” inulit niya ito ng apat na beses kung saan makikita ang kanyang buong tapang na pagsuko sa kalooban ng Diyos.  Sinabi rin niya na masaya niyang tinatanggap at yinayakap ang paghihirap at kamatayan bilang pag-aalay ng kanyang sarili sa Diyos sa kapakanan ng kanilang kongregasyon. Pagkatapos, siya ay nagbigay ng mga salita ng pasasalamat kay Kristo sa regalo ng bokasyon na naging pamamaraan niya ng pagpapakita ng pag-ibig sa Diyos.   

May buong kapayapaan at kabanayadan niyang isinuko ang kanyang sarili sa kalooban ng Diyos, at noon ngang Enero 30, 1971, siya ay pumanaw at sinalubong ng Mahal na Ina na nakadamit reyna, Sabado noon, araw ng Birheng Maria.

Maaring sabihin na ang maikling buhay ni Sr. Dalisay ay isang awit na ang tanging mga titik ay “Si Hesus ang lahat sa akin”  Ito ay nagmumula sa isang taong pinuno ng nag-uumapaw na pag-ibig ng Diyos.  Tunay na ang testimonya ng buhay ni Sr. Dalisay ay masasabing isang regalo sa kanyang kongregasyon at sa buong Simbahan.  Ito ay isang modelo sa mga nagnanais sumunod sa yapak ni Hesus na ang buhay kabanalan ay hindi isang kalabisan o karagdagan bagkus isang tungkulin na dapat tahakin at yakapin ng may sapat na atensyon at kasiyahan.   

Noong Hunyo 28, 2012, Ang Cause for Beatification ni Sr. Dalisay Lazaga ay sinimulan ng Congregation for the Causes of Saints sa petisyon ng Canossian Daughters of Charity, ang kongregasyon na kanyang kinabibilangan. Siya ngayon ay kinikilala bilang Servant of God.


Pinagsanggunian: 

"Sr. Dalisay Lazaga" retrived from Canossaphil.org/dalisay-lazaga/ retrieved on June 29, 2017.

"Sr. Dalisay Lazaga (1940 - 1971) Canossian Sister from Philippines retrieved from http://kanosjanki.org.pl/en/zgromadzenie/swieci-i/s-dalisay-lazaga/ on April 20, 2020.

Photos: CTTO


Comments

Popular posts from this blog

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas