Posts

Showing posts with the label Isabel Larranaga Ramirez

Filipino Saints 4. Venerable Isabel Larranaga

Image
Venerable Isabel Larranaga    (1836 - 1899) Tagapagtatag ng Hermanas Corazonistas Si Venerable Isabel Ramirez Larranaga o Madre Isabel ng Puso ni Hesus ang siyang tagapagtatag ng  Congregacion de Hermanas de la Caridad del Sagrado Corazon de Jesus (Congregation of the Sisters of Charity of the Sacred Heart of Jesus)  na ngayon ay matatagpuan sa tatlong kontinente sa daigdig- sa mga bansang Espanya at Portugal sa Europa, sa Puerto Rico, Venezuela, Peru at Chile sa Timog America, at sa Angola at Mozambique sa kontinente ng Africa.  May Sumilay na Liwanag Isinilang si Madre Isabel sa lungsod ng Maynila, Pilipinas na noon ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Korona ng Espanya noong Nobyembre 19, 1836 kina Juan Andres Ma. de Larranaga na tubong Urnieta sa Espanya at Isabel Ramirez Patino na mula naman sa lungsod ng Lima sa Peru bagama't may dugo ring Espanyol.  Sinong makababatid sa kalooban ng Diyos na mula sa Pilipinas, patungong Espanya, ang batang si Isabel ay...