St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devo...

Marian Titles 3: Nuestra Senora del Santisimo Rosario: Mahal na Birhen ng La Naval

Ang Mahal na Birhen ng Santo Rosario ng La Naval de Manila (Spanish: Nuestra Senora del Santisimo Rosario de La Naval de Manila, English: Our Lady of the Most Holy Rosary of La Naval de Manila) ay isa sa pinakapopular na imahe ng Mahal na Birhen sa Pilipinas na nakadambana sa Simbahan ng Sto. Domingo, Lungsod ng Quezon na pinamamahalaan ng mga Dominiko. 

Pinaniniwalaan na sa pamamagitan ng Mahal na Ina ng Sto. Rosario ay naitaboy ang mas malakas na hukbo ng mga Protestanteng Olandes sa Digmaan ng La Naval de Manila, na may pagkakahawig sa tagumpay na nakamit ng pinagsanib na mga pwersang Kristiyano na inorganisa ni Papa Pio V laban sa imperyong Ottoman sa Digmaan sa Lepanto noong Oktubre 7, 1571 kung saan, nailigtas ang buong Europa sa pagbagsak sa kamay ng mga Muslin sa tulong ng Mahal na Birhen at sa pamamagitan ng pagdadasal ng santo rosaryo. Dahil sa tagumpay laban sa mga Olandes, ikinabit ang “La Naval de Manila” sa titulo ng Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario. 

Ang Tagumpay sa Digmaan sa Lepanto noong 1571 na
nagpanatili sa Kristiyanismo sa buong Europa
Ang Mahal na Birhen ng Sto. Rosario rin ang itinuturing na dahilan ng pamamayani ng pananampalatayang Katoliko sa bansa na tinawag na “El Pueblo Amante de Maria” o Bayang Sumisinta kay Maria. 

Iginawad ni Papa Pio X ang koronang kanonikal sa imahe noong Oktubre 5, 1907 at noong taong 2009 ginawaran din ng pagkilala ang imahe at ang kanyang dambana bilang National Cultural Treasures ng Pilipinas. 

May taas na halos 4 na talampakan at walong pulgada, ang katawan ng imahe ay yari sa kahoy sa istilong bastidor. Ang mukha, mga kamay at ang buong Nino Hesus ay purong garing (ivory). Simula nang ito’y malilok, ang imahe, na itinuturing na pinakamatandang imaheng lilok sa ivory sa Pilipinas, ay nadadamitan na ng mariringal na kasuotan at napapalamutian ng mamahaling mga alahas at korona. 

Higit sa 310,000 na mga tao sa pangunguna ng mga propesor ng Unibersidad ng Santo Tomas ang nag-ambag ng kanilang mga alahas, mamahaling bato, brilyante, ginto at pilak para sa koronasyong kanonikal ng imahe na ginanap noong Oktubre 1907. Kabilang ngayon ang mga ito sa koleksyon ng mariringal na regalla ng Birhen ng La Naval na ang iba ay gawa pa noong ika-18 na siglo. 

Maikling Kasaysayan 

Lumang Simbahan ng Sto. Domingo
sa Intramuros
Taong 1593 nang ipakomisyon ng bagong Gobernador Heneral ng Pilipinas na Si Don Luis Perez Dasmarinas ang imahe ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario bilang alalala ng kanyang yumaong ama.  Sa pamamagitan ni Kapitan Hernando de los Rios Coronel, ang gawain ng paglililok sa imahe ay napunta sa isang hindi kilalang Tsino na nang lumao’y nagpabinyag at yumakap sa pananampalatayang Kristiyano. Ito marahil ang dahilan kung bakit hitsurang Asyano ang imahe. Ang imahe ay ipinagkaloob sa mga prayleng Dominiko na idinambana ito sa simbahan ng Sto. Domingo na noo’y nasa Intramuros. Simula nang malilok ang imahe hanggang sa kasalukuyan, ang Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ay nanatili sa pangangalaga ng mga pari ng Ordeng Dominiko.  

Noong 1646, ang hukbong dagat ng mga Olandes ay makailang ulit na nagtangkang sakupin ang Pilipinas sa pagnanais na makontrol ang kalakalan sa Asya. Ang pinagsamang pwersa ng mga Espanyol at mga Pilipinong sundalo na nakipaglaban ay hiningi ang pamamamagitan ng Mahal na Ina ng Santo Rosario bago sumabak sa pakikidigma. Hinikayat silang ipagkatiwala ang kanilang mga sarili sa proteksyon ng Mahal na Ina ng Santo Rosario at paulit ulit na manalangin ng santo rosaryo. Napigil nila ang sunod-sunod na pag-atake ng mas malakas na hukbong pandagat ng mga Olandes na umabot sa limang beses na sagupaan ng magkabilang pwersa sa Look ng Maynila. Nagapi at umurong ang mga hukbong Olandes samantalang labing limang miyembro lamang ng tropang Espanyol at Pilipino ang nalagas. Bilang pagtupad sa kanilang pangako sa Mahal na Birhen, ang mga nakaligtas ay naglakad ng nakayapak patungo sa dambana ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario sa Intramuros bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen. 

Di naglaon, noong Abril 9 1662, ang cathedral chapter ng Arkidyosesis ng Maynila ay idineklara na ang matagumpay na pagkagapi sa hukbong dagat ng mga Olandes ay isang himala na naganap sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario. 

Ang Digmaan sa Look ng Maynila
Si Papa Pio X ay pinahintulutan ang paggagawad ng koronang kanonikal noong 1906 na ipinutong ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na si Most Rev. Ambrose Agius, OSB. 

Sa pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig, sa pangamba na madamay ang imahe sa mga pambobomba ng mga Hapones noong 1942, itinago ito sa Unibersidad ng Santo Tomas hanggang taong 1946, ang ika-300 taong anibersayo ng tagumpay sa La Naval

Noong Oktubre 1954, inilipat ang imahe sa bagong gawang dambana na matatagpuan sa loob ng simbahan ng Sto. Domingo sa Lungsod ng Quezon – ang ika-6 na simbahan ng Santo Domingo simula nang una itong naitayo noong huling bahagi ng ika-16 na siglo. Iprinusisyon ito lulan ng isang hugis bangkang caroza mula UST patungo sa kanyang bagong tahanan na iprinoklamang Pambansang Dambana sa karangalan ng Birhen ng La Naval ng Kapulungan ng mga Obispo sa Pilipinas. 

Oktubre 1973, nang kilalaning patrona ng Lungsod Quezon na noong panahong iyon ay siyang kabisera ng Pilipinas ang Birhen ng La Naval.  Idineklara rin siyang patrona ng Hukbong Pandagat ng Pilipinas taong 1975 ng noo'y obispo ng Military Ordinariate, Arsobispo Mariano Gaviola. 

Isang maringal na prusisyon ang isinasagawa taon-taon tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre, bilang pag-alaala sa pagsanggalang ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario sa Maynila laban sa mga hukbong Olandes na naganap halos 400 taon na ang nakalilipas at  ng pagpu-prusisyon ng mga Espanyol at Pilipinong kawal sampu ng kanilang mga pamilya ng nakayapak patungo sa simbahan ng Sto. Domingo bilang pasasalamat sa proteksyon at tagumpay na ipinagkaloob ng Mahal na Ina sa kanila.


Ang kasalukuyang simbahan ng Sto. Domingo, Pambansang Dambana
ng Mahal na Birhen ng La Naval de Manila



Photographs: CTTO

Comments

Popular posts from this blog

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas