Proseso ng Beatification at Canonization
Marahil, itatanong mo, paano nga ba ang isang tao, ay kikilanlin at itatalagang kabilang sa opisyal na talaan ng mga banal ng Simbahang Katoliko? Ano kaya ang proseso na pinag-daraanan upang opisyal na kilalanin ang isang banal na tao bilang Santo o Santa ng Simbahan? Ang pagpaparangal at pagkilala sa mga banal ay masasabing isang napakahalagang bahagi ng nakagisnan at nakamihasnan nating tradisyon bilang Simbahan. Ang Simbahan ay hindi lamang Katoliko at Apostoliko, bagkus, ito rin ay Banal. At sa pamamagitan ng mga Santo at Santa ng Simbahan, ipinapakita at ipinapaalala sa atin na ang buhay kabanalan ay maaring makamit at talagang bahagi ng ating oridnaryo at pang araw araw na pag-iral bilang tao. Ang mga santo, tulad rin natin, ay namuhay at umiral sa mga tiyak na panahon, konteksto at lugar sa ating kasaysayan. Hindi nga ba na ang ating unang panawagan o bokasyon bilang mga binyagan ay ang pagpapakabanal. Makatutulong ang illustration na ito para magkar...