Posts

Showing posts with the label Birhen ng Santo Rosario

Marian Titles 5: Mahal na Birhen ng Manaoag: Ang Inang Tumatawag

Image
Ang ika-17 siglong imahen ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario ng Manaoag na mas kilala bilang Nuestra Senora de Manaoag na gawa sa garing (ivory) at pilak ay isang representasyon ng Mahal na Birhen kasama ang Nino Hesus. Ang imahen na tinatawag ding “Apo Baket” ng mga taga-Pangasinan, ay nakadambana sa basilikang itinalaga sa kanyang karangalan sa Manaoag, Pangasinan. Ayon sa tradisyon, ang pangalan ng bayan ng Manaoag ay nanggaling sa salitang Pangasinense na “mantaoag” na ang ibig sabihin ay “tawagin” , mula sa salitang ugat na “taoag” (tagalog: tawag).  Dinala ang imahen sa Pilipinas buhat sa Espanya sa pamamagitan ng kalakalang Galyon na tumatahak sa rutang Maynila – Acapulco, Mexico noong unang bahagi ng ika-17 siglo ng Dominikong si Padre Juan de San Jacinto.  Ayon sa tradisyon at sa mga dokumento na nasulat mula pa noong 1610, ang Mahal na Birhen ay nagpakita sa isang magsasakang nasa katanghaliang-gulang. Naglalakad siya pauwi sa kanyang bahay mula sa pagtatra...