Marian Titles 2. Maikling Kasaysayan ng Mapaghimalang Larawan ng Ina ng Laging Saklolo
Ang Mapaghimalang Larawan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo Ang Pambansang Dambana ng Ina ng Laging Saklolo (English: National Shrine of Our Mother of Perpetual Help ) kilala rin bilang Simbahan ng Redemptorist at sa mas tanyag na Simbahan ng Baclaran ay isa sa mga pangunahing dambana na itinalaga sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria. Ito ay matatagpuan sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Baclaran, Paranaque, isang lungsod sa katimugang bahagi ng Kamaynilaan, ang kabisera ng Pilipinas. Matatagpuan sa simbahan ang popular na larawan ng Ina ng Laging Saklolo na nanggaling pa sa bansang Alemanya pagkapos ay dumaan sa Ireland at Australia bago pa ito tuluyang nakarating sa Pilipinas dala ng mga misyonerong Redemptorista noong taong 1906. Taglay ng larawan ang escudo ng Santo Papa sa likod na bahagi nito. Ang debosyon sa Ina ng Laging Saklolo ay laganap na laganap sa mga Pilipinong Katoliko at humahatak ng libo-libong mga deboto patungo sa Baclaran at sa iba't iba pang m...