Filipino Saints 7: Venerable Aloysius Schwartz
Venerable Aloysius Schwartz (1930 - 1992) Ama ng mga Dukha, Tagapagtatag ng Sisters of Mary Boys and Girls Town Complexes Bagama't hindi Pilipino, ginugol ni Fr. Al ang maraming taon sa kanyang buhay una sa Korea, at pagkatapos sa Pilipinas sa pagpatnubay at pagtulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng mga Boys and Girls Town complexes na itinayo niya sa Sta. Mesa, Maynila, Silang, Cavite at sa Talisay City at Minglanila sa Cebu. Masasabing Pilipinong-pilipino na rin siya sa kanyang pagpapahalaga at pagmamahal sa kapakanan ng mga kabataang Pilipino. Si Fr. Al, ang pangalan kung saan siya ay mas lalong kilala ay isinilang noong Setyembre 18, 1930 sa Washington, D.C., Estados Unidos kina Louis Schwartz at Cedelila Bourasa. Taong 1944 nang siya ay pumasok sa Seminaryo ng San Carlos sa Maryland, nagtapos ng kursong Bachelor of Arts sa Maryknoll College at pagkatapos ay pumasok sa isang samahang pangmisyon at nagpatuloy ng pag-aaral ng Theolohiya sa Catholic University of Louvaine...