St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devotion to him has developed amo

Filipino Saints 16; Servant of God Fr. Francesco Palliola, SJ

Servant of God Fr. Francesco Palliola, SJ (1612 - 1648): Martir at Kampeon ng mga Katutubo

Ang Diocesan Inquiry para sa Cause of Martyrdom ni Padre Francesco Palliola ay inilunsad noong Enero 6, 2016 sa Diyosesis ng Dipolog upang simulan ang mahabang proseso ng pangangalap ng mga dokumento tungkol sa buhay at pagkamartir ni Padre Palliola.   At dahil siya ay isang martir ng pananampalataya, medyo iba ang proseso ng kanyang cause of beatification sapagkat ang kinakailangang patunayan ay pinatay siya in odium fide, uti fertur (dahil sa pagkasuklam o galit sa pananampalatayang Kristiyano). (Para sa proseso ng Simbahan basahin sa link na ito: Proseso ng beatification at canonization.)

Si Pdr. Palliola, SJ ay isang Italyanong paring kasapi ng Kapisanan ni Jesus na nagpamalas ng pag-ibig sa Diyos at malaking pagpapahalaga sa kanyang misyon at pangangalaga sa kapakanan ng mga taong kabilang sa tribung Subanen. Dahil sa pagmamalasakit niya sa mga Subanen, inaral niya ang kanilang wika at naging kauna-unahang Europeo at Heswita na natuto nito bagama't kinakitaan rin siya ng katatasan sa pagsasalita ng Bisaya at ginagamit ang wikang ito sa pangangaral ng mabuting balita.

Isinilang Francesco noong Mayo 10, 1612 sa isang mayamang angkan sa Naples, Italya. Pumasok siya sa Kapisanan ni Hesus noong taong 1637 at noong 1644 ay sumama sa ekpedisyon ng may 40 Heswita na naglalayong magsimula ng misyon sa Mindanao. Ang ekspedisyong ito ang nagdala sa kanya sa Dapitan kung saan siya ay naglakbay, nagmisyon at nagtatag ng mga pamayanan sa malalayong dako tulad ng Dipolog, Dicayo at Duhinong. Nang magkaroon siya ng kasamang pari, iniwan niya dito ang mga kumunidad na Bisaya at itinuon ang atensyon sa mga Lumad. Nagtayo siya ng mga visita hanggang sa hangganan ng sa ngayon ay Zamboanga del Norte at Zamboanga del Zur.

Habang bumibisita sa Ponot, isang baryong malapit sa dalampasigan, pinatay siya ni Tampilo, isang lider ng tribung Subanen at kanyang mga kasama. Umaga noon ng Enero 29, 1648 habang hinihikayat niya ang una na magbalik sa Simbahan. Si Tampilo ay tumanggap ng binyag ngunit kalaunan ay nanghinawa siya at nilisan niya ang bagong pananampalatayang tinanggap.

Sa kanyang pag-aagaw buhay, pinatawad ni Pdr. Palliola ang kanyang mga kaaway, at itinagubilin ang sarili niya kay Jesus at kay Maria. Pumanaw siyang hawak hawak ang rosaryo at krusipiyong baon niya buhat sa Europa.

Bagama't maghahalos 400 taon na siyang sumakabilang buhay, nananatiling buhay ang mga alaala niya sa Zamboanga del Norte. Isang kalye sa munisipalidad ng Manukan ang ipinangalan sa kanya. Kasama rin siya sa mga kuwentong bayan ng mga Subanon na itinuturing siyang isang mapagmahal at mapagkalingang ama. Ganoon din, ang lugar kung saan siya pinaslang ay naging isang lugar ng pilgrimage para sa maraming mga debotong dumarayo dito upang magdasal at humingi ng tulong sa Diyos sa pamamagitan ni Pdr. Palliola.

Larawan sa Pagsasara ng Diocesan Inquiry para sa
Servant of God Fr. Francesco Palliola, SJ
Source: CBCP Online

Pinagsanggunian:

Philippines opens sainthood process for Italian Jesuits. Retrieved from https://www.ucanews.com/news/philippines-opens-sainthood-process-for-italian-jesuit/74904. December 4, 2018. 

"Servant of God: Francesco Palliola, SJ: Champion of the Indigenous People" by Fr. Rene B. Javellana, SJ. retrieved from https://www.phjesuits.org/portal/servant-of-god-francesco-palliola-sj-champion-of-the-indigenous-people/ on 06 April 2020.

Comments

Popular posts from this blog

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas