Posts

Showing posts with the label Carmel

Filipino Saints 8: Venerable Alfredo A. Obviar

Image
Venerable Alfredo A. Obviar (1889 - 1978) Unang Obispo ng Lucena, Tagapagtatag, Missionary Catechists of St. Therese of the Infant Jesus Ang kasaysayan ng lokal na Simbahan ng  Lipa  ay hindi magiging kumpleto kung walang pagbanggit sa pangalan ng Venerable Alfredo Maria Aranda Obviar, isang tunay na Batangenyo at Lipeno. Siya ang kauna-unahang Batangenyong obispo at una ring Obispo Auxilyar ng noo'y Diyosesis ng Lipa. Si Obispo Obviar din ang pinakaunang paring Pilipino at obispo na kandidato sa pagiging santo.  Ang Kanyang Kabataan Si Alfredo Maria Aranda Obviar ay isinilang noong Agosto 29, 1889 sa Mataas na Lupa, sa bayan ng Lipa kina Telesforo Obviar at Florentina Catalina Aranda. Siya ay naulila sa kanyang ina makaraan lamang ang ilang araw pagkatapos ng pagsisilang nito kung kaya't siya ay lumaki sa piling ng kanyang tiya Martha Aranda na siya nang nagpalaki sa kanya. Una siyang nag-aral sa paaralan ng pamosong gurong si Sebastian Virrey na taga Lipa at pagkatapos ...