Posts

Showing posts with the label martyrs of faith

Martyr of the Faith and Peace: The Life of Fr. Rhoel Gallardo, CMF

Image
Source: Servant of God Fr. Rhoel Gallardo, CMF FB Page Martyrdom often conjures images of a bygone era of saints and distant persecutions, of Christians being burnt at stake, of men, women and children being fed to lions.  Something that seemed very distant and unreal, or even surreal, in this day and time of technological advancement and the world wide web.   The story of Fr. Rhoel Gallardo, CMF brings this profound witness into the contemporary world, where unfortunately, martyrdom has also taken a derogatory meaning and has been used to refer to people who uselessly and foolishly suffer (Tagalog: martir). Fr. Rhoel's life and death serve as a testament to the enduring relevance of service, sacrifice, compassion and resolute faith amidst modern forms of persecution and oppression.  His story transcends the tragic circumstances of his death, offering a compelling narrative of courage and conviction that continues to inspire and challenge us today. Early Life: Founda...

Filipino Saints 16; Servant of God Fr. Francesco Palliola, SJ

Image
Servant of God Fr. Francesco Palliola, SJ (1612 - 1648):  Martir at Kampeon ng mga Katutubo Ang  Diocesan Inquiry  para sa  Cause of Martyrdom  ni Padre Francesco Palliola ay inilunsad noong Enero 6, 2016 sa Diyosesis ng Dipolog upang simulan ang mahabang proseso ng pangangalap ng mga dokumento tungkol sa buhay at pagkamartir ni Padre Palliola.   At dahil siya ay isang martir ng pananampalataya, medyo iba ang proseso ng kanyang  cause of beatification  sapagkat ang kinakailangang patunayan ay pinatay siya  in odium fide, uti fertur  (dahil sa pagkasuklam o galit sa pananampalatayang Kristiyano). (Para sa proseso ng Simbahan basahin sa link na ito: Proseso ng beatification at canonization .) Si Pdr. Palliola, SJ ay isang Italyanong paring kasapi ng Kapisanan ni Jesus na nagpamalas ng pag-ibig sa Diyos at malaking pagpapahalaga sa kanyang misyon at pangangalaga sa kapakanan ng mga taong kabilang sa tribung Subanen. Dahil sa pagmamala...

Bro. Richard "Richie" Fernando, SJ: Martir ng Pag-ibig

Image
Bro. Richard "Richie" Fernando, SJ (1970 - 1996):  Jesuit Scholastic, Martir ng Pag-ibig Si Bro. Richard "Richie" Fernando ay isang Jesuit Scholastic na nag-alay ng sariling buhay upang iligtas ang mga estudyante sa nakaakmang pagsabog ng isang granada habang siya'y nakadestino sa bansang Cambodia noong taong 1996. Kamakailan, pinasimulan na ng Kapisanan ni Hesus ang pag-aaral at pangangalap ng mga kailangang dokumento at testimonya para sa pagbubukas ng Cause of Beatification ni Bro. Richie Fernando. Sa isang sulat na ipinadala sa lahat ng mga kasapi ng Jesuit Philippine Province noong Hulyo 31, 2017, kapistahan ni Si San Ignacio ng Loyola, na siyang tagapagtatag ng Kapisanan, ibinahagi ni Padre Antonio Moreno, SJ, Provincial Superior ng mga Heswita sa Pilipinas, na inaprubahan na ng Superior General ng Kapisanan ang kanyang petisyon upang pormal na simulan ang Cause for Beatification ni Bro. Richie Fernando. Ang pagkilos na ito ay bunsod ng pagbabago na ...

Filipino Saints 10: Blessed Eugenio del Saz - Orosco

Image
Blessed Eugenio del Saz - Orozco, OFM Cap. (1880 -1936) Capuchinong Pari, Martir ng Digmaang Sibil sa Espanya Source: Wanted Filipino Saints FB Page Si Jose Maria de Manila (Eugenio del Saz-Orozco Mortera) ay ipinanganak noong Setyembre 5, 1880 sa Maynila, Pilipinas.  Ang kanyang mga magulang ay sina Don Eugenio del Saz-Orozco de la Oz, ang   kahuli-hulihang Espanyol na Punong Lungsod ng Maynila at Dona Felisa Mortera y Camacho. Si Padre Jose ay hinubog sa mga pangunahing Katolikong paaralan noong panahong iyon; Sa Pamantasang Ateneo, Colegio de San Juan de Letran at sa Pamantasan ng Santo Tomas. Lumaki at nanatili siya sa Pilipinas hanggang sa siya ay labing-anim na taong gulang bago siya nagpatuloy ng mas mataas na pag-aaral sa Espanya. Taliwas sa pagnanais ng kanyang ama na siya ay kumuha ng Abugasya, ninanais ng batang si Eugenio ang maging isang paring Capuchino. Ngunit gaya ng isang masunuring anak, sinunod pa rin niya ang kagustuhan ng kanyang ama at tinapos ang ku...