St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devotion to him has developed amo

Bro. Richard "Richie" Fernando, SJ: Martir ng Pag-ibig

Bro. Richard "Richie" Fernando, SJ (1970 - 1996): Jesuit Scholastic, Martir ng Pag-ibig


Si Bro. Richard "Richie" Fernando ay isang Jesuit Scholastic na nag-alay ng sariling buhay upang iligtas ang mga estudyante sa nakaakmang pagsabog ng isang granada habang siya'y nakadestino sa bansang Cambodia noong taong 1996. Kamakailan, pinasimulan na ng Kapisanan ni Hesus ang pag-aaral at pangangalap ng mga kailangang dokumento at testimonya para sa pagbubukas ng Cause of Beatification ni Bro. Richie Fernando.

Sa isang sulat na ipinadala sa lahat ng mga kasapi ng Jesuit Philippine Province noong Hulyo 31, 2017, kapistahan ni Si San Ignacio ng Loyola, na siyang tagapagtatag ng Kapisanan, ibinahagi ni Padre Antonio Moreno, SJ, Provincial Superior ng mga Heswita sa Pilipinas, na inaprubahan na ng Superior General ng Kapisanan ang kanyang petisyon upang pormal na simulan ang Cause for Beatification ni Bro. Richie Fernando.

Ang pagkilos na ito ay bunsod ng pagbabago na ipinakilala ni Pope Francis sa mga kailangan para sa proseso ng pagkilala sa mga tatanghaling santo o santa ng Simbahan.  Ito ay nakatuon sa tinatawag na “pag-aalay ng buhay” o offer of life na natutungkol sa mga taong buong kalayaan at kabayanihang inialay ang kanilang buhay dahil sa pag-ibig sa kapwa. Bago ito, may dalawang landas lamang na tinatahak ang mga Cause for Beatification - sa pamamagitan ng Martyrdom o ng Heroic Virtue

Si Richard Fernando ay isinilang noong Pebrero 27, 1970 na bunso sa apat na mga anak nina Antonio at Visitacion Fernando. Nag-aral siya sa Claret High School sa Quezon City at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang kanyang kolehiyo sa Ateneo kung saan nakakuha siya ng degree sa Development Studies. 

Sa Ateneo niya naramdaman na siya ay tinatawag sa isang buhay paglilingkod sa Diyos at sa kapwa bilang isang pari. Sa huling taon ng kanyang pag-aaral sa Ateneo, si Richie ay tumira sa Arvizu, ang pre-novitiate House ng mga Jesuits upang mas kilatisin kung tunay na tinatawag siya sa pagpapari. 

Noong Mayo 30, 1990, pumasok siya sa Sacred Heart Novitiate ng mga Heswita at isinagawa ang kanyang first profession of vows noong taong 1992. Pagkatapos, siya ay lumipat sa Loyola House para sa kanyang Juniorate at sa patuloy na pag-aaral at paghuhubog sa pagpapari. 

Si Richie ay ipinadala sa Cambodia para sa kanyang Regency noong Mayo, taong 1995, sa Banteay Prieb, isang Vocational Training Center na pinamamahalaan ng mga Heswita para sa mga nakaligtas sa mga landmines at tinamaan ng polio at para rin sa mga taong may learning-disabilities. Mabilis siyang natuto ng Khmer, ang lenggwahe ng Cambodia upang makipag-usap sa mga estudyante at siya’y naantig sa kanilang mga kwento at karanasan noong panahon ng rehimeng Pol Pot

Pebrero 20, 1996, sumulat siya sa kanyang kaibigang si Fr. Totet Banaynal, SJ, tungkol sa dahan dahan at unti-unti niyang pagkasangkot sa buhay ng mga tao lalong lalo na ang mga estudyanteng may kapansanan.
“Bigla ko na lamang natagpuan ang aking sarili na may labis na pagmamahal para sa kanila. Kung kaya ko lamang sundan ang pamamaraan ni Kristo. Kung kaya ko lamang tulungan silang lahat kagaya ng Diyos... Nais kong maialay ang aking buhay ng buong buo para sa kanila.”
Noong Oktubre 17, 1996, ipinatawag ng Direktor ng paaralan ang isang may kapansanang estudyante na si Sarom dahilt marami na siyang nagawang pagkakamali sa paaaralan sa kabila ng napakarami nang paalaala na ibinigay sa kanya.  Dahil dito, nagdesisyon ang paaralan na siya ay pauwiin na. Sinabihan siya ng direktor na dahil tapos na ang kanyang sampung buwan ng pag-aaral at may sapat na siyang kasanayan para makahanap ng pagkakakitaan, pwede na siyang umuwi at bumalik na lamang sa araw ng graduation. Nasa pagpupulong ding iyon si Richie na isa sa mga guro sa paaralan.. 

Sa una’y mukhang tinanggap naman ni Sarom ang desisyon ng paaralan ngunit pagkatapos ng pagpupulong, bigla na lamang siyang may dinukot sa bag na hawak hawak niya, at inilabas ang isang granada at nagtungo sa direksyon ng isang classroom na puno ng mga estudyante. 

Marahil sa pag-iisip na hindi makakatakbo ang mga estudyante dahil may mga rehas ang mga bintana ng classroom, kaagad tinalon ni Bro. Richie mula sa likuran si Sarom, niyakap buhat sa likod, at hinawakan sa braso sa aktong pinipigilan ito sa paghahagis ng granada hanggang sa mahulog sa kamay ni Sarom ang granada, tumama sa kanyang artipisyal na paa, at tumalbog patungo sa bandang likuran ni Richie. Kung kaya’t kaagad agad na dumapa si Richie tinakpan ang katawan ni Sarom habang hawak hawak pa rin ang braso nito, upang protektahan siya sa pagsabog. Sa sandaling oras, patay si Richie sa napakabatang edad na 26. 

Apat na araw bago ang kanyang pagkamatay, sa isa pang mahabang sulat sa kanyang kaibigan na si Fr. Totet, sinabi niya: 
“Alam ko kung nasaan ang aking puso. Ito ay nakay Kristo, na ibinigay ang lahat para sa mahihirap, sa mga may karamdaman, sa mga ulila…. Natitiiyak ko na hindi nakakalimot ang Diyos sa kanyang mga anak; ang ating mga kapatid na may kapansanan. At ako’y nasisiyahan na ginagamit ako ng Panginoon upang siguruhin na batid ng ating mga kapatid ang katatotohanang ito. Nasisiguro ko na ito talaga ang aking bokasyon. Naniniwala ako, nang may buong katapatan, na ang mamatay para sa aking mga mahihirap na kaibigan dito ay ang pinakadakilang regalong maaring ipagkaloob ng Diyos para sa akin… at patuloy akong nananalangin para sa biyayang ito araw araw.”
Tatlong araw matapos pumanaw si Richie, idinaos ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang kanyang libing sa Pilipinas samantalang ang mga kaibigan niya sa Cambodia ay inilagay sa isang urno ang kanyang duguang damit at nagsagawa rin ng sarili nilang paglilibing. Sa kanilang pagkabigla, sila ay nanangis at sa kanilang pagtangis, sila ay nagpasalamat kay Bro. Richie na kanilang nakilala at minahal. Sa pagsisisi sa kanyang nagawa, si Sarom ay nanangis din sa loob ng bilangguan. Hindi niya ninais patayin si Richie. Magkaibigan silang dalawa.

Noong Marso 1997, sumulat ang mga magulang ni Richie kay Haring Norodom Sihanouk ng Cambodia humihiling na mabigyan ng pardon si Sarom.

Simula nang siya ay mamatay, may mga debosyon na umusbong at nagpapatuloy hanggang sa ngayon para kay Bro. Richie hindi lamang sa Pilipinas at Cambodia, maging sa iba ring mga lugar. Marmaing mga tao ang humanga at nakahugot ng inspirasyon sa buhay sa kanyang maikli ngunit kalugod-lugod sa Diyos na buhay. Marami ring mga seminarista ang nagsasabi na si Richie ang inspirasyon nila sa pagpapari. 

Ayon kay Fr. Moreno, ang proseso ng pagbuo ng Cause ay nangangahulugan ng masusing pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga tao, pagkuha ng mga salaysay at testimoya sa mga taong nakakakilala sa kanya at pangangalap ng kanyang mga liham at mga sinulat. Isang komisyon ang binuo upang magsagawa ng dokumentasyon tungkol sa buhay at kabanalan ni Bro. Richie Fernando, SJ. 


Pinagsanggunian:

“Beginning the beatification cause of Richie Fernando SJ” retrieved from
https://www.jcapsj.org/2017/08/beginning-beatification-cause-richie-fernando-sj/ on April 21, 2020.

“He Knew where his heart was” retrieved from https://www.jcapsj.org/2016/01/he-knew-where-his-heart-was/ on April 22, 2020.

Comments

Popular posts from this blog

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas