St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devo...

Filipino Saints 15: Servant of God Fr. Carlo Braga, SDB

Servant of God Fr. Carlo Braga, SDB (1889 - 1971)

Misyonerong Salesian

Si Fr. Carlo Braga ay isinilang sa Tirano, Italya noong Marso 23, 1889 kung saan siya lumaki at nagkaisip. Napakabata pa niya nang mawala ang kanyang mga magulang. Ang kanyang amang si Domenico ay nagpunta sa Argentina noong siya ay dalawang taon pa lamang ngunit hindi na muling nagbalik. Ang kanyang ina namang si Maddalena Mazza ay namatay matapos ng mahabang pagkakasakit habang si Carlo ay anim na taon pa lamang. Sa harap ng ganitong sitwasyon, Si Carlo ay nakahanap ng pag-aaruga ng mga Salesians na siyang kumupkop sa kanya. Una sa Tirano, ng mga Daughters of Mary Help of Christians na siyang gumabay sa kaniya mula kindergarten hanggang sa makatapos siya ng elementarya. Dito niya nakilala si Sr. Giuditta Torelli na itinuring niyang "pangalawang ina."

Hindi naglaon at ang mga Salesians of Don Bosco naman ang nagpatuloy sa kanya sa kanilang paaralan sa San Rocco, Sondrio.  Habang siya ay nasa poder ng mga Salesians ng Sondrio, itinadhana na makilala niya ang humalili kay San Juan Bosco, si Blessed Michael Rua. at sa huli nilang pagkikita, sinabi sa kanya ni Blessed Michael Rua  na "magiging magkaibigan tayo palagi." Nag-iwan ng malalim na impresyon ang pagkikitang iyon kay Carlo. Ang pagkikitang ito ang naging hudyat ng pagsisimula ng kanyang paglalakbay bilang isang Salesian. 

Agosto 1904 nang pumasok siya sa Salesian Novitiate ng Foglizzo at pagkatapos ay isinagawa ang kanyang first profession noong Hulyo 30, 1906.  Ipinadala siya sa Trino Vercellese, ang kanyang kauna-unahang assignment bilang Salesian kung saan rin naganap ang kanyang perpetual profession noong 1909.  Habang nag-aaral ng Theolohiya (1911 - 1914) siya rin ang namahala sa Oratorio ng San Luigi (1912) kung saan ang Superyor ng kumunidad ay si Venerable Vincenzo Cimatti.   Abril 11, 1914 naman noong siya ay maging ganap na pari. 

Isang taon matapos ang kanyang ordinasyon, sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig, Si Fr. Carlo ay ipinatawag upang maglingkod sa Italian Army kung saan naranasan niya ang hirap ng pakikidigma sa loob ng 3 taon na pagiging kabilang sa sandatahang lakas. Matapos ng isang malubhang pagkakasakit, nagdesisyon siya na kung siya ay gagaling, siya ay papasok sa pagmimisyon. Kaya noong Nobyembre 29, 1918, sumama siya sa pangalawang grupo ng mga Salesians na magmimisyon sa Tsina.  Tinanggap niya ang missionary crucifix mula sa Rector Major, Don Paolo Albera sa Valdocco.  Umalis siya sa Italya kasama ang 8 pang ibang Selesians noong Agosto 23, 1919  at dumating sa Tsina noong Setyembre 29, 1919.

Nahahati sa dalawang bahagi ang buhay misyonero ni Fr. Carlo sa Tsina kasama ang Obispong Salesian at martir na si Fr. Luigi Versiglia.  Ang unang bahagi, mula 1919 - 1924 nang siya ay madestino bilang Superyor ng Ampunan ng San Jose sa Ho Sai, at ang ikalawa, mula 1925 - 1929 nang siya ay maging rektor ng Don Bosco College ng Shiu Chow.  Noong 1930, hinalinhan niya si Fr. Ignacio Canazei na itinalaga namang Obispo ng Shiu Chow matapos ang pagkamatay ni Bishop Luigi Versiglia bilang provincial superior ng Tsina. Ang katungkulang hinawakan niya sa loob ng 22 taon (1930 - 1952).  Pinamunuan ni Fr. Carlo ang mga Tsinong Salesian sa panahon ng umiigting na tensyong politikal dala ng pagsiklab na digmaan sa pagitan ng mga kumunista at republikano hanggang sa tuluyan nang magtagumpay ang rehimeng komunista at mapasakamay nila at makontrol ang buong bansang Tsina.

Sa pagitan ng taong 1952 at 1953, Si Fr. Carlo ay binigyan ng pagkakataong makapagpahinga matapos ang napakahabang termino bilang Superyor ng misyon sa Tsina.  Ipinadala siya sa Pilipinas at inatasang maging direktor ng Salesian Technical School sa Victorias, Negros Occidental na dalawang taon pa lamang naitatatag.  Noong 1955, siya ay itinalagang Delegate Superior sa Pilipinas ng Provincial ng Tsina kung saan nakadepende ang delegasyon sa Pilipinas.

Noong 1958 siya ay italagang Visitor ng bagong tatag na Vice-Province ng Pilipinas.  Taong 1963 nang natapos ang termino ni Fr. Carlo bilang Superyor, na hinawakan niya ng mahigit sa tatlumpung taon (1930 - 1963).   Siya ay itinalaga bilang confessor at spiritual director ng mga aspirants na Salesians. 

Sa loob ng 65 taon bilang Salesian at 57 taon bilang pari, Si Fr. Carlo ay direktor 14 na taon, Provincial Superior ng 23 taon at Visitor nang 5 taon.   Pumanaw siya noong umaga ng Enero 3, 1971, Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon sa Don Bosco College, San Fernando, Pampanga. 

Nagsimula ang Diocesan Inquiry para sa Cause of Beatification and Canonizaton ni Fr. Carlo Braga sa isang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa karangalan ni San Juan Bosco, tagapagtatag ng Salesians of Don Bosco noong Enero 30, 2014 sa Katedral ng San Fernando, Pampanga na pinamunuan ng Arsobispo ng Pampanga, Paciano B. Aniceto. Si Fr. Pierluigi Cameroni, SDB ang naatasan bilang postulator ng Cause.  Ito ay matapos matanggap mula sa Vatican Congregation for the Causes of Saints ang nihil obstat para sa nasabing pagsisimula ng Diocesan Inquiry.



Pinagsanggunian:

"Carlo Braga" retrieved from https://www.sdb.org/en/Salesian_Holiness/Servants_of_God/Carlo_Braga#Fotografie on April 26, 2020.

Servant of God, Fr. Charles Braga, Salesian Missionary. Retrieved from https://www.bosco.link/index.php?document_srl=7404&mid=resource. January 18, 2019.

Comments

Popular posts from this blog

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas