Marian Titles 4: Ang Mapaghimalang Birhen ng Caysasay ng Taal, Batangas

Ang Mahal na Birhen ng Caysasay (Spanish: Nuestra Senora de Caysasay, English: Our Lady of Caysasay) ay isang imahen ng Mahal na Birheng Maria na pinararangalan sa Pang-arkidyosesis na Dambana ng Mahal na Birhen ng Caysasay sa Taal, lalawigan ng Batangas, Pilipinas. Ang imahen na isang representasyon ng Immaculada Concepcion, na nalambat ng isang mangingisda sa ilog ng Pansipit noong taong 1603, ay pinaniniwalaang isa sa pinaka-matandang imahen ng Mahal na Birhen sa bansa. Ang mga sumunod na aparisyon ng Mahal na Birhen na naitala ng mga lider eklesiastiko ng panahong iyon ay masasabing pinakauna sa bansa. Sa kasalukuyan, patuloy na pinupuntahan ng mga deboto ang dambana ng Caysasay dahil sa mga himala na ipinatutungkol sa Mahal na Birhen. Ang imahen ng Caysasay ay pinagkalooban ng koronasyong kanonikal noong 1954 at binigyan ng titulo na Reyna ng Arkidyosesis ng Lipa . Ang kanyang kapistahan ay ginugunita tuwing ika-8 at ika-9 ng Disyembre. Ang imahen na gawa sa kaho...