A blog about Filipino Catholicism, the Virgin Mary, Filipino holy men and women, vocation discernment, priesthood, religious life, homilies and reflection. Welcome to The Wise Friar's world.
St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early in January, 2020? St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution. Hence, a devo...
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
Marian Titles 1: Ang Birhen ng Antipolo: Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
-
Ang Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Spanish: Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje, English: Our Lady of Peace and Good Voyage) o mas kilala sa taguring Birhen ng Antipolo ay isang imahe ng Mahal na Birhen na pinararangalan sa lungsod ng Antipolo, probinsya ng Rizal sa Pilpinas. Ang kayumangging imahe ng Mahal na Birhen ng Immaculada Concepcion ay nakaluklok sa Pambansang Dambanang itinalaga sa kanyang karangalan na kilala ring Katedral ng Immaculada Concepcion sa kabundukan ng Sierra Madre, sa dakong silangan ng Kamaynilaan.
Ang imahe ay naglakbay at tumawid sa Dagat Pasipiko mula sa Mexico patungong Pilipinas lulan ng galyong El Almirante at nakarating sa Pilipinas noong 1626 sa kagandahang loob ng Gobernador Heneral Juan Nino de Tabora.
Ang mapayapa at ligtas na paglalakbay ng El Almirante ay kanilang ipinatungkol sa imahe ng Mahal na Ina, na pinangalanang Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje. Ito ay lalong pinatunayan ng marami pang sumunod na matagumpay na paglalayag ng mga galyon na tumatahak sa rutang Maynila – Acapulco lulan ang imahe na itinuring nilang pintakasi at tagapamatnubay ng kanilang paglalakbay.
Sinasabing may masigla nang debosyon sa Birhen ng Antipolo, na isa sa mga pinakakilalang imahe ng Mahal na Birheng Maria sa Pilipinas noon kalagitnaan ng ika-19 na siglo na binaggit ng pambansang bayaning si Jose Rizal sa kanyang mga sulatin. Mula buwan ng Mayo hanggang Hulyo, taon-taon, ang imahe ay dinarayo ng libo-libong mga deboto mula sa iba’t ibang panig ng bansa at gayon din ng mundo. Sa bisa ng pahintulot ni Papa Pio XI, iginawad sa Mahal na Ina ng Kapayaan at Mabuting Paglalakbay ang Koronasyong Kanonikal noong Nobyembre 28, 1926.
Maikling Kasaysayan
Noong Marso 25, 1626, naglayag ang galyong El Almirante mula Acapulco, Mexico lulan ang bagong hirang na Gobernador Heneral ng Pilipinas na si Don Juan Nino de Tabora na dinala kasama niya, ang imahe ng Mahal na Birheng Maria. Ang imahe ay nililok sa Mexico sa kahoy na kung tawagin ay Corazon de mesquite, isang uri ng punong kahoy na mas lalong umiitim paglipas ng panahon. Sa loob ng halos apat na buwan na paglalayag, mapayapang nalampasan ng El Almirante ang mga unos sa karagatan at ang isang sunog na naganap sa loob ng nasabing sasakyang pandagat at ligtas at mapayapang dumaong sa pantalan ng Maynila noong Hulyo 18, 1626. Ang imahe ay inihatid sa simbahan ng San Ignacio sa Intramuros na pinamamahalaan ng mga Heswita sa isang maringal na prusisyon na dinaluhan ng gobernador heneral, mga lider sibil at eklesiastiko at ng mga mamayan habang sinasalubong ng pagputok ng mga kanyon at kwitis at pagpapatunog ng mga kampana. Sa simbahan ng San Ignacio pansamantalang nanatili ang imahe.
Nang pumanaw ang gobernador heneral, ang imahe ay ipinagkaloob niya sa mga Heswita na noong panahong iyon ay nagsasagawa ng ebanghelisasyon sa bulubunduking bahagi sa silangan ng Maynila. Doon sila'y nagpapatayo ng isang simbahang yari sa bato sa lugar na kung tawagin ngayo'y Boso-boso, bahagi ng distrito ng Sta. Cruz. Ninais nilang gawin itong isang parokya. Sa simbahang ito dinala ng tanyag na Heswitang Historyador na si Padre Pedro Chirino ang "Birheng Kayumanggi" nang siya ay nahirang bilang kura paroko ng Antipolo, Taytay at mga kalapit na bayan.
Lumang Simbahan ng Antipolo c. 1898
Habang nakadambana sa simbahan ng Boso-boso, ang imahe ay makailang ulit na misteryosong nawala sa kanyang kinaluluklukan at palagi namang natatagpuan sa isang mas mataas na lugar, sa itaas ng punong Tipulo (Artocarpus incisa). Itinuring ito na isang tanda mula sa langit kung kaya’t ang lokasyon ng simbahan ay inilipat sa kung saan nakatayo ang puno ng Tipolo. Ang pedestal na kinatutuntungan ng imahe ay sinasabing yari sa kahoy na tinistis mula sa punong iyon ng Tipolo kung saan ang imahe ay ilang ulit na natagpuan. Sa punong Tipolo rin hinango ang pangalan ng ngayon ay lungsod ng Antipolo. Ang imahe ay permanente nang idinambana sa bagong simbahan noong 1632.
Taong 1639 nang mag-aklas ang mga Tsino sa Calamba at sa kanilang pag-atras ay may malaking pulutong na nakarating hanggang sa dako ng Antipolo. Sinunog nila ang kabayanan maging ang simbahan kasama na ang imahen ngunit himalang naisalba ito na walang ni ano mang pinsala maliban sa isang maliit na hiwa sa kanyang kanang pisngi at leeg na sanhi ng pagsaksak ng mga hindi naniniwalang mga Tsino. Mababanaagan pa rin ang pilat sa kanang pisngi at leeg ng Mahal na Birhen hanggang sa kasalukuyan.
Mahal na Birhen sa puno ng Tipulo
Nangangamba sa kaligtasan ng imahe, ipinag-utos ni Gobernador Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera ang paglilipat sa imahe sa Cavite kung saan ito pansamantalang iniluklok at nanatili nang ilang taon.
Taong 1648 nang muling ipag-utos ni Gobernador Heneral Hurtado de Corcuera ang pag-aalis ng imahe sa kanyang pansamantalang dambana sa Cavite at ito ay ibinalik sa Mexico lulan ng galyong San Luis. Nang panahong iyon, ang imahe ng santo na lulan ng galyon ay nagsisilbing patron ng ekspedisyon at tagapagtanggol ng nasabing paglalakbay sampu ng mga tripulante nito na tumatahak sa rutang Maynila – Acapulco. Mula noo’y nagparoo’t parito na ang imahen sa Acapulco at Maynila lulan ng mga galyon na nagbunga ng masagang kalakalan sa pagitan ng Mexico at malayong silangan.
Sa pamamagitan ng isang dikreto ni Gobernador Heneral Sabiano Manrique, ang titulong Nuestra Senora de la Paz y Buenviaje ay pormal na iginawad sa Bihen ng Antipolo noong Setyembre 8, 1653 at isang misa sa pangunguna ng Arsobispo ng Maynila Miguel Poblete ang ipinagdiwang sa simbahan ng San Ignacio kaugnay ng nasabing pormal na paggagawad ng titulo.
Patuloy pa ring naglakbay ang Birhen ng Antipolo lulan ng mga galyon. Tumawid ang imahe ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa Dagat Pasiko ng makailang ulit lulan ng mga sumusunod na galyon ang San Luis (1648 – 1649), Encarnacion (1650), San Diego (1651 – 1653), San Francisco Javier (1659 – 1662), Nuestra Senora del Pilar (1663) at San Jose (1746 – 1748).
Pag-aaklas ng mga Tsino
Sa kanyang huling paglalakbay sa ibayong dagat, ang Birhen ay mabunying sinalubong sa kaniyang pagbabalik sa Maynila noong 1748. Mula sa palasyo ng Arsobispo ng Maynila ay umuwi patungong Antipolo noong Pebrero 18 - 20, hatid ng mga awiting Salve, serenata, indak at sayawan, pagrorosaryo at mga panalangin ng pasaalamat, habang naglalayag sa ilog Pasig hanggang sa sumapit sa Simbahan ng Antipolo upang doo'y pirmihan nang idambana.
Lumipas ang mga taon at Isang dikreto mula sa Reyna Isabela II ng Espanya noong Mayo 19, 1864 ang nagtakda na ang simbahan ng San Nicolas de Tolentino ay ilipat sa pangangalaga ng mga Heswita kapalit ang mga simbahan ng Antipolo, Taytay at Morong na ipinagkaloob naman sa mga Rekoletos. Simula noon, nasa pangangalaga na ng mga Rekoletos ang imahe.
Ang Birhen ng Antipolo at si San Pedro Calungsod
May mga nagsasabi na sa isa sa mga paglalayag ng galyong San Diego noong taong 1667, sina Beato Luis de San Vitores at San Pedro Calungsod, at ang iba pa nilang mga kasamahang katekista na magtutungo sa Guam upang doon ay magmisyon ay lumulan dito upang dumaan sumandali sa Mexico upang kumuha ng mga kinakailangang pantustos sa kanilang misyon at magsama rin ng iba pang mga kasamahan para sa kanilang gawaing ebanghelisasyon. Dahil sa ang Mahal na Birhen ay lulan din ng galyon, pinaniniwalaan na marahil, si San Pedro Calungsod at Beato Diego ay nanalangin din at humingi ng patnubay sa Mahal na Ina na sila ay tulungan sa kanilang misyon.
Ang Birhen ng Antipolo at ang Birhen ng Caysasay
Noong taong 1732, ang bayan ng Taal ay siyang ginawang kabisera ng lalawigan ng Batangas. Ang sentro ng bayan noon ay matatagpuan sa dalampasigan ng lawa ng Taal (na noo’y tinatawag na lawa ng Bombon). Ang pag-unlad ng bayan ay naka-ugnay sa pagbibigay probisyon sa mga nagdadaang mga galyon mula sa Maynila na naglalayag sa rutang Maynila-Acapulco. Ang mga galyong ito ay sumisilong din sa lawa ng Taal kapag may bagyo. Ang lawa ng Taal noong panahong iyon ay tubig alat at nakakonekta sa karagatan sa pamamagitan ng ilog ng Pansipit. May sapat na lalim ang ilog noon at maaari itong daanan ng mga galyon. Binibigyang parangal ng mga nagdaraang galyon lulan-lulan ang kanilang patron, ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, ang Birhen ng Caysasay sa pamamagitan ng pagpapaputok ng kanyon habang sila ay tumatapat sa kanyang dambana na nakatayo malapit sa ilog.
Isang napakalakas na pagsabog ng bulkang Taal ang naganap noong 1754 na nagtagal ng lampas walong buwan. Dahil sa pagsabog, nabarahan ang pasukan ng ilog Pansipit na nagpataas sa tubig ng lawa ng Taal. Ang Lawa ng Taal na dati'y tubig alat ay unti-unting naging tubig-tabang dahil dito.
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Paglikas patungong Colaique
Paglikas patungong Colaique
Noong taong 1944, pinasok ng mga sundalong Hapones ang bayan ng Antipolo at ginawa itong garison samantalang ginawa namang imbakan ng mga bala at baril ang simbahan. Upang iligtas ang imahe, binalot ito ng sacristan mayor na si Procopio Angeles sa isang makapal na kumot at isinilid sa isang drum at saka ibinaon sa may gawing kusina ng ng kumbento.
Ang salpukan sa pagitan ng mga hukbong Hapones at ng pinagsamang pwersa ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo ay nag-udyok kay Angeles at iba pang mga deboto upang hukayin ang imahe at lumikas patungo sa kaburulan ng Colaique malapit sa hangganan ng bayan sa Angono. Mula doon, ang imahe ay inilikas tungo sa barangay Santolan sa Pasig at sa mismong poblacion at pagkatapos ay itinago ito ni Rosario Ocampo Alejandro sa kanilang tahanan sa Kalye Hidalgo, sa Quiapo bago ito iniluklok sa Simbahan ng Quiapo hanggang sa katapusan ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Noong Oktubre 15, 1945, isinagawa ang traslacion ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay mula sa Simbahan ng Quiapo pabalik sa kanyang Dambana, kung saan ito ay nanatili hanggang sa kasalukuyan.
Bago ito, ang imahe ay pinutungan ng koronang kanonikal ng Arsobispo ng Maynila, Michael J. O’Doherty noong Nobyembre 28, 1926 sa seremonya na isinigawa sa Luneta na ngayo’y Rizal Park, sa lungsod ng Maynila na sinaksihan ng libo-libong mga deboto.
Mga Himala
Noong panahon ng mga Kastila, isang epidemya ng kolera ang kumalat sa buong bansa at maraming tao na ang namatay dahil sa epidemya. Hindi rin nakaligtas ang bayan ng Antipolo sa epidemyang ito. Nabalot ng takot ang mga mamamayan at sa kanilang pangamba, bumaling sila sa Birhen ng Antipolo upang sila ay tulungan at ipanalangin ang pagwawakas ng epidemya. Nagprusisyon ang mga tao patungo sa isang burol, na mataas na lugar sa bayan. Nang nailay ang misa, naglaho ang epidemya. Simula noon, naging tradisyon na na dalhin ang Birhen ng Antipolo sa burol sa mga panahon ng matitinding pangangailangan. Bahagyang nakalimutan ang tradisyong ito sa paglipas ng mga taon kung kaya’t noong Mayo 3, 1947, sa panunungkulan ni Monsignor Francisco Avendano bilang kura paroko ng Antipolo, ay muli itong binuhay sa pamamagitan ng isang maringal na pagmimisa at mula noon, naging taon taon na muli ang paggunita sa himalang iyon.
Ang burol ay tinatawag na ngayong “Pinagmisahan” at sa kasalukuyang panahon, sa unang Martes ng buwan ng Mayo, dinadala ang imahe sa Pinagmisahan sa isang prusisyon upang pasimulan ang taunang pilgrimage season.
Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay / Antipolo Cathedral
Ang Pambansang Dambana at Katedral ng Antipolo
Ang mga naunang misyonero na nagsagawa ng ebanghelisasyon sa Antipolo ay ang mga Pransiskano na dumating noong 1578. Ang pamamahala ng simbaan ay nalipat sa mga Heswita simula taong 1591 hanggang Mayo 1768 nang makarating sa Pilipinas ang dikreto ng pagpapaalis sa mga Heswita sa lahat ng mga teritoryo ng bansang Espanya kabilang ang Pilipinas.
Ang simbahan ay labis na napinsala sa pagaaklas ng mga Tsino noong taong 1639, ng lindol sa isla ng Luzon noong 1645 at ng mga paglindol noong 1824 at 1883. Ang mga Heswitang historyador na sina Pedro Chirino at Murillo Velarde ay ilan lamang sa mga misyoneryong naglingkod sa simbahan ng Antipolo.
Ang Diyosesis ng Antipolo ay binuo noong Enero 24, 1983 at opisyal na itinayo at pinasinayaan noong Hunyo 25, 1983. Itinalaga ang luklukan ng Obispo sa simbahan ng Antipolo na kilala rin sa tawag na Pambansang Dambana ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay – Parokya ng Immaculada Concepcion. Hinirang na kauna-unahang obispo ng Diyosesis si Bishop Protacio Gungon.
Taunang Pamamanata at Pilgrimage
Taunang Alay Lakad patungo sa Simbahan ng Antipolo
Ang taunang pilgrimage sa dambana ng Birhen ng Antipolo ay nagsisimula sa buwan ng Mayo na itinalaga ng Simbahang Katolika bilang buwan ng Mahal na Birhen.
Sa gabi ng ika-30 ng Abril, libo libong mga deboto mula sa Kamaynilaan ang nagsasagawa ng tradisyonal na Alay Lakad patungo sa Pambansang Dambana kung saan sila ay makikiisa sa pagdiriwang ng misa ng madaling araw ng unang araw ng Mayo.
Nagsisimula ang paglalakad ng mga deboto sa Simbahan ng Quiapo bilang pag-alaala sa traslacion ng imahe mula sa Basilica ng Itim na Nazareno sa Quiapo pabalik sa kanyang Dambana noong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang tradisyon ng pagbisita sa simbahan ng Antipolo tuwing buwan ng Mayo ay isang matandang kaugalian na naitala simula pa noong ika-19 na siglo. Noong Hunyo 6, 1868, ang noo’y bata pang si Jose Rizal kasama ang kanyang ama na si Don Francisco Mercado ay nagtungo sa simbahan ng Antipolo upang magpasalamat sa ligtas na panganganak ng kanyang ina, si DonaTeodora Alonso na namiligro ang buhay sa panganganak sa batang si Rizal na isinilang noong Hunyo 19, 1861.
Sa patuloy na pagsigla ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Antipolo, at sa patuloy na pagdami ng mga deboto sa pagdaan ng mga taon, ipinanukala na magkaroon ng sariling kapistahan ang Birhen ng Antipolo bukod pa sa Dakilang Kapistahan ng Immaculada Concepcion tuwing ika- 8 ng Disyembre.
Kaya’t noong Mayo 22, 2018, Kapistahan ni Maria, Ina ng Simbahan, Sa isang dikreto, itinakda ni Bishop Francisco de Leon, obsipo ng Diyosesis ng Antipolo na ang dakilang kapistahan ng Birhen ng Antipolo, patrona ng Diyosesis ay ipagdiriwang tuwing unang Martes ng Mayo, na nakabase sa isang sinulat ng Historyador na Heswitang si Padre Murillo Velarde na ang unang Martes ng Mayo ang hudyat ng pasimula ng pilgrimage season sa Antipolo maging noong kapanahunan ng mga Kastila.
Awit sa Birheng Maria ng Antipolo
Ang Oratoryo ng Birhen ng Antipolo sa Basilica ng Immaculada Concepcion, Washington, D.C.
Ang simbolo ng pananampalatayang Katoliko at debosyon sa Mahal na Ina ng mga Filipino – Americans sa Estados Unidos ay kinilala sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang Oratoryo sa Karangalan ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Birhen ng Antipolo) sa pinakamalaking simbahang Katoliko sa buong Estados Unidos, ang Basilica at Pambansang Dambana ng Immaculada Concepcion sa Washington, D.C.
Ang oratoryo ay itinilaga noong Hunyo 7, 1997 ng yumaong James Cardinal Hickey ng Arkidyosesis ng Washington at ng namayapa na ring Obispo Protacio Gungon ng Diyosesis ng Antipolo. Ang pagtatalaga ay bunga ng anim na taong pagpapagod ng mga kasapi ng Filipino - American Catholic Community sa Estados Unidos na makahingi ng pahintulot sa pagpapatayo ng Oratoryo at upang mapunan ang kinakailangang gastusin para sa pagpapagawa.
Ang Oratoryo ng Birhen ng Antipolo, Basilica ng Immaculada Concepcion, Washington, D.C.
Ang architectural firm na Leo A. Daily, sa pakikipagtulungan sa mga Pilipinong arkitekto na sina Bobby Manosa at Chelo Hofilena, ang gumawa ng disenyo ng Oratoryo na matatagpuan sa gawing hilagang silangang bahagi ng crypt ng Basilica.
Ang 125 taong gulang na imahe ng Birhen ng Antipolo na nakadambana sa Oratoryo ay eksaktong replica ng orihinal na imahe na matatagpuan sa Pambansang Dambana ng Birhen ng Antipolo sa Antipolo, Rizal. Ang imahe, na gawa sa kahoy na dark mahogany ay ipinagkaloob sa Filipino-American Catholic community ng magkapatid na Pacita at Socorro Mota ng Makati. Ito ang imahe na ginamit sa pagdiriwang ng World Youth Day sa Maynila noong 1995 at nakuhanan ng larawan kasama si Pope John Paul II.
Sa magkabilang bahagi ng oratoryo ay matatagpuan ang dalawang mural na obra ng pamosong pamilya ng mga Blanco ng Angono, Rizal. Ang “Pagdating” sa kaliwang bahagi ay nagpapahayag ng pagdating sa Pilipinas ng imahe ng Birhen noong 1626. Ang mural naman sa kanan, “Ang Paglikas” ay nagpapakita sa imahe at mga taga Antipolo habang lumilikas sila palayo sa kabayanan upang tumakas sa mga puwersang Hapones noong 1945.
Kapilya ng Collegio Filippino, Roma
Simula nang ito ay maitalaga noong 1997, ang Oratoryo ay naging paborito nang puntahan ng mga Pilipinong bumibisita sa Washington, D.C. Isang National Pilgrimage ang isinasagawa taon taon bilang tugon sa panawagan ng mga Filipino – American Catholics na palakasin ang debosyon sa Mahal na Ina. Kabilang dito ay ang pagdiriwang ng Misa tuwing huling Sabado ng buwan para sa mga deboto ng Birhen ng Antipolo.
Una nang ipinangalan sa karangalan ng Birhen ng Antipolo ang Collegio Filippino sa Roma na may opisyal na pangalang Pontificio Collegio Seminario de Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje nang ito ay pasinayaan noong Oktubre 7, 1961. Makikita ring nakadambana ang imahe ng Birhen ng Antipolo sa sanktwaryo ng kapilya ng Collegio. Ang Collegio Filipino ang nagsisilbing opisyal na tirahan ng mga paring Pilipinong nagpapakadalubhasa sa iba't ibang mga Pontipikong unibersidad sa Roma.
Ang Pambansang Dambana at Basilica ng Immaculada Concepcion, Washington, D.C.
Mga Pinagsanggunian:
At Naglakbay ng Birhen ng Antipolo retrieved from https://sjbptaytayrizal.wordpress.com/2015/05/16/at-naglakbay-ang-birhen-ng-antipolo/ on May 13, 2020.
Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje: The Lady on top of a Tree retrieved from http://pintakasi1521.blogspot.com/2016/09/nuestra-senora-de-la-paz-y-buen-viaje.html on May 14, 2020.
Our Lady of Antipolo (Birhen ng Antipolo) retrieved from https://web.archive.org/web/20140808055416/http://home.catholicweb.com/mfod/index.cfm/NewsItem?ID=143894&From=Home on May 14, 2020.
Patroness of the Diocese of Antipolo retrieved from https://antipolodiocese.org/the-patroness-of-the-diocese/ on May 13, 2020.
Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila Ka Luring Franco (1936 - 2011) God indeed reveals Himself to the humble in the lowliest of disguises. And Ka Luring was sensitive to that fact - she found God and recognized Him revealing Himself in the faces of the the little children she so loved catechizing and the poor she so selflessly helped and served; that she herself became a reflection of that God she found among God's poor, which she so perfectly radiated with stunning simplicity and overflowing joy. Laureana Franco gave up her job in a government office in order to pursue her true calling and first love, the teaching of catechism to children. From then on, Ka Luring spent the rest of her years pursuing in what for her, was her real vocation and mission in life – that of being a catechist. She has earned the title, "The Legendary Catechist of the Archdiocese of Manila” because of her commitment to the ministry of catechizing children. She knew so ...
Lipa Cathedral interior I was born and grew up in a city where it is not uncommon to see nuns garbed in habits of various shades of blue, grey, brown and white and seminarians and religious brothers garbed in their cassocks, clerical shirts or religious habit, in any given day, attending church services in the different churches, shrines and monasteries in the city and its outskirts. On Sundays, all churches are full to capacity of people coming from all walks of life fulfilling their Sunday obligation. On a typical Wednesday, the Redemptorist shrine of Divino Amor welcomes throngs of devotees of Our Lady of Perpetual Help coming from different places. Every 12th of the month, there is a penitential procession from the Cathedral going to Carmel and there are also liturgical activities in Carmel every first Saturday of the month dedicated to the Blessed Mother. Welcome to the city of my birth, Lipa City, the "Little Rome of the Philippines." With its elevation of 1,025 feet ab...
More than a dance form, Subli is a religous ritual that venerates the Holy Cross Dance has always been an essential component of worship of people of various religious and cultural traditions. Man of times past up to the present, uses a variety of movements of his body – hands, hips, arms, legs and head in rhythmic successions and combinations as a form of prayer, to express worship and reverence to God. In the historic town of Bauan, Batangas exists a traditional religious dance form called the “subli” which people perform to venerate the santo patron – the Mahal na Poong Santa Cruz . The ceremonial worship dance is usually presented during the town’s fiesta which is traditionally held every May 3. It has also been tradionally practiced that every May 1 and 2 each year, the towns of Alitagtag and Bauan celebrate the Anubing Sublian Festival to pay homage and reverence to the Mahal na Poong Sta. Cruz . The festival highlights the dancing of the Subli. Short ...
Comments
Post a Comment