St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devotion to him has developed amo

Filipino Saints 5: Madre Jeronima de la Asuncion de la Fuente

Madre Jeronima de la Asuncion de Fuente (1556 - 1630)

Nagpasimula ng Monasteryo ng mga Monghang Clarisas sa Pilipinas

Si Jeronima de la Fuente ay isinilang sa Toledo, Espanya noong Mayo 9, 1556. Ang kanyang mga magulang na sina Pedro Garcia Yanez at Catalina de la Fuente, na pawang mga tubong Toledo din, ay buhat sa kilalang angkan sa kanilang bayan.

Noong siya ay edad 14, nakilala niya si Sta. Teresa ng Avila sa Toledo at pagkatapos ng kanilang pagkikita, naramdaman niya ang pagtawag sa kanya sa buhay relihiyoso. Labis din siyang naantig ng talambuhay ni Sta. Clara ng Asisi. 

Kung kaya’t makalipas ang isang taon, noong Enero 15, 1571, noong siya ay maglalabin-limang taon pa lamang, ay pumasok siya sa monasteryo ng mga monghang Clarisas (Poor Clares) sa Toledo, ang Monasterio de Santa Isabel la Real de Toledo at tinanggap ang pangalang Jeronima de la Asuncion. Sa monasteryong ito nakasama niya ang kanyang dalawang tiyahin na pawang mga mongha rin.

Nang malaman ni Madre Jeronima ang intensyon ng kanyang Orden na magtayo ng pundasyon sa Maynila, siya ay nagboluntaryo na makasama sa mga madreng ipadadala upang itatag ang monasteryo ng Maynila. Noong Oktubre 21, 1619, natanggap niya ang abiso na tinatanggap ang kanyang pagnanais. Si Padre Jose de Santa Maria, OFM ang naasahang prokurador na siyang magsasaayos ng mga kinakailangang permiso at mga salaping gugugulin sa pagsisimula ng pundasyon samantalang si Madre Jeronima naman ang naatasan bilang pundadora at unang superyora ng monasteryo sa Pilipinas. 

Sa edad na 66, siya ay naglayag patungong Pilipinas kasama ang lima pang mga kasamahan upang pasimulan ang kauna-unahang monasteryo ng mga mongha sa Pilipinas. Lumisan sila sa Espanya noong buwan ng Abril 1620. Mula Toledo, naglakbay sila sa dagat patungong Sevilla kung saan, sila ay sinamahan ng dalawa pang mongha at ang grupo ay tumulak patungong Cadiz. Mula rito, sila ay naglayag at tumawid sa Karagatang Atlantiko. Noong huling bahagi ng Setyembre 1620, nakarating sila sa Mexico at nanatili roon ng halos anim na buwan. May dalawa pa uling mongha na nadagdag sa grupo.

Pananda  sa lugar kung saan dumaong
sina Madre Jeronima at mga kasama
 sa Bolinao, Pangasinan
Miyerkules ng Abo, taong 1621, lumisan sina Madre Jeronima patulong Acapulco kung saan sila ay lumulan sa galyong San Andres na magdadala sa kanila sa Pilipinas noong Abril 21. Naitala ng mga mongha ang kanilang paglalakbay mula Toledo hanggang Maynila. Isa sa mga mongha ang namatay habang tumatawid ang San Andres ng Pasipiko, malapit sa isla ng Marianas. Ang mga mongha ay dumaong sa Pilipinas sa pantalan ng Bolinao noong Hulyo 24, 1621. Narating nila ang Intramuros noong Agosto 5, 1621 matapos ang isang taon, 3 buwan at siyam na araw na paglalakbay upang itayo ang kauna-unahang monasteryong Clarisas sa Pilipinas at sa malayong Silangan. Sa pagtatayo ng unang monasteryo ng mga mongha sa Maynila, kinilala si Madre Jeronima bilang tagapagpasimula ng pagkakaroon ng mga babaeng relihiyosa sa Pilipinas.

Monasterio de la Immaculada Concepcion - Intramuros
Source: Historia de Manila
Itinayo niya ang Real Monasterio de la Immaculada Concepcion ng mga yapak na monghang Clarisas. Ito ay may titulong Real na nangangahulugan na ito ay may proteksyon ng Hari ng Espanya. Hindi naglaon, napatanyag ang kanyang kabanalan at ang kakayahan niyang magsagawa ng mga himala ay lumaganap sa buong Maynila at siya'y nagkaroon ng reputasyon bilang "buhay na santa". Bagama't hindi Pilipino siya ay naging inspirasyon at huwaran sa maraming Katoliko. 

Sapagakat pawang mga dugong Espanyol lamang ang maaring tanggapin sa Real Monasterio ng Santa Clara, sinubukan niyang kumbinsihin ang mga awtoridad sibil at eklesiastiko na ipahintulot ang pagtanggap ng katutubong Pilipina ngunit ito ay hindi napagbigyan sa kabila ng kanyang pagiging isang Peninsulares, sa mataas na estado niya sa lipunan, sa katanyagan ng kanyang kabanalaan at sa impluwensya ng mga may sinasabing kaibigan, nabigo pa rin siyang buksan ang pinto ng Sta. Clara sa mga katutubong Pilipina. Ninais rin niyang magpatayo ng isang monasteryo para sa mga Pilipinang bokasyon sa Pandacan ngunit hindi rin ito nagtagumpay.  Tinanggap na lamang ang mga Pilipinang nagnanais pumasok sa monasterio bilang mga hermanas de obediencia

Sa loob ng huling tatlumpung taon ng kanyang buhay, si Madre Jeronima ay nakipaglaban sa karamdaman sapagkat palagi siyang nagkakasaki. At noong pasimula ng Setymebre 1630, humina ang kanyang pangangatawan at iginupo siya ng karamandaman noong medaling araw ng Oktubre 22, 1630 sa edad na 75 matapos ang matagal na pakikipaglaban sa karamdaman at pagsusumikap na maisabuhay nang may katapatan ang kanyang pagtatalaga ng sarili bilang kabiyak ni Kristo. Siya ay iniibing sa loob ng monasteryong kanyang itinatag. Sa ngayon, ang kanyang mga labi ay nakalagak sa Monasterio de Sta. Clara sa lungsod ng Quezon kung saan inilipat ang monasterio sa Intramuros matapos ng Ikalawang digmaang pandaigdig. 

May mga hakbang na isinagawa na tungo sa kanyang beatification noon pa mang taong 1630. Ngunit sa kabila ng mga himala na ipinatutungkol sa pagdadasal sa kanya, gaya ng paggaling sa karamdaman ng ina ng magkapatid na Talagpaz nang ilagay ang isang relikya niya sa tabi ng nakaratay na may sakit, ay bigla itong lumakas at gumaling sa kanyang karamdaman. Walang masyadong naging pag-usad sa kanyang Cause for beatification hanggang sa ngayon na lamang nang muli itong binuhay. At noon ngang October 4, 1991, si Madre Jeronima de la Asuncion ay idineklarang Servant of God na may protocol number 1720. Kinikillala na siya ngayong Venerable ng Simbahan.


Ang Monasterio de Sta. Clara ngayon na matatagpuan
sa Katipunan, Lungsod ng Quezon kung saan nakalagak ang
mga labi ni Madre Jeronima


Mga Pinagsanggunian:

Jeronima de la Asuncion retrieved from https://enacademic.com/dic.nsf/enwiki/6464893 on April 20, 2020.

"Venerable Madre Jeronima de la Asuncion: The Pioneer of Women's Religious in the Philippines." Retrieved from https://pintakasi1521.blogspot.com/search?q=jeronima+de+la+asuncion. December 27, 2018.

PCNE Calendar 2019.

Comments

Popular posts from this blog

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas