St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devotion to him has developed amo

Profiles 3. Collegio Filippino: Tahanan ng mga Paring Pilipino sa Roma

Pontificio Collegio Seminario Filippino / Pontificio Collegio Seminario de Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje

Kapatid, sana ay mabuti ang kalagayan mo ngayon. Chill chill ka lang sana. haha.

Sa post na 'to, ipakikilala ko naman sa iyo ang Collegio Filippino o para mas maiksi, Collegio. Ang Collegio ay ang opisyal na tahanan o residence ng mga paring Pilipinong diyosesano na nagpapakadalubhasa sa iba’t ibang Pontipikal na Unibersidad sa Roma Gaya ng Gregorian, Angelicum, Santa Croce, San Anselmo, Marianum, at marami pang iba. Ewan ko kung narinig mo na ito bago pa man natin ito pag-usapan ngayon. Pero marahil, this could start sounding interesting to you lalo na kung maging pari ka in the future, malay mo, ipadala ka rin ng Obispo mo sa Roma to pursue your licentiate o doctorate? Why not, choc nut di ba? Haha. O sige na, eto na ang maikling history ng Collegio para maappreciate mo at malaman kung ano ang lugar na ito. 

Disclaimer:  Hindi po ako mag-aaral o alumus ng Collegio. hehe. Peace. :-) 

Pinasinayaan ni Papa Juan XXIII noong 1961, ang Collegio ay nagsisilbing residence o “tahanan sa Roma” ng mga Pilipinong paring diyosesano na pinadala ng kanilang mga Obispo para magpatuloy ng kanilang mga pag-aaral sa iba’t ibang eklesiastikong sentro o mga Pontipikong Pamantasan sa Roma. 

Facade ng Collegio Filippino
Ang mga pari sa Collegio ay maaring kumuha ng ispesyalisasyon o pagkadabubhasa sa Teolohiya, Pilosopiya. sa Batas ng Simbahan o Canon Law, Sacred Scriptures, Kasaysayan, Social Communications, Patristics at iba pang mga larangan na pwedeng sa Licentiate o sa Doctorate levels  sa loob ng dalawa hanggang apat na taon. 

Nagsimula ang kasaysayan ng Collegio Filippino sa isang pagpupulong ng mga Obispo (wala pang CBCP noon) ng Pilipinas noong Enero 26 – 31, 1959 kung saan naghain ng resolusyon si Rufino Cardinal Santos ng Maynila ukol sa posibilidad ng pagpapatayo ng isang Pontifical Philippine College sa Roma. 

Ang pangunahing layunin ng pagtatayo ng nasabing Philippine College ay “upang makapagbigay ng angkop na pasilidad sa mga paring Pilipino na maingat na pinili at pormal na ipinadala ng kanilang mga Obispo upang magsagawa ng pag-aaral at pagpapakadalubhasa sa iba’t ibang Pamantasang Pontipikal sa Roma, para sa kanilang patuloy na paghuhubog sa pagkapari “sub umbra Petri” (sa ilalim ng anino ni Pedro) at para sa kanilang pagmiministeryo sa kanilang pinaggalingan.” 

Detalye ng Stained Glass sa Chapel
Ang resolusyon ng mga Obispo sa Pilipinas sa pagtatayo ng Collegio Filippino ay ipinadala sa Roma at ang panukala ay binigyan ng nihil obstat ni Guiseppe Cardinal Pizzardo, Prefect ng Sacred Congregation of Seminaries and Universities. 

Dahil mayroon nang go-signal para pasimulan ang proyekto, ang sumunod na hakbang naman ay ang paghahanap ng isang naangkop na lugar na pagtatayuan ng Collegio at ito nga ay ang lupa sa 490 Via Aurelia na may sukat na halos 24,000 metro quadrado na nasa pagitan ng Collegio Pio Brasiliano at Via Pacelli. Sinimulan ni Rufino Cardinal Santos ang pakikipag-usap sa Superyor Heneral ng mga Brothers of the Christian Schools (La Salle Brothers) na siyang may ari ng lupa at ipinagbili ng mga La Salle Brothers ang lupa sa halagang 120,000.00 Italian Lire.    Maganda ang site na ito sapagkat may layo lamang itong 4.7 km sa Vatican City at accessible sa public transportation by sub-way o bus.   

Personal na binasbasan ni Papa Juan XXIII sa kanyang Summer Residence, ang Castel Gandolfo ang panulukang bato ng itatayong Collegio noong Agosto 8, 1959. Kinabukasan, Agosto 9 ay inihugos na ang batong panulukan. Pinamunuan ang seremonya ni Cardinal Pizzardo at dinaluhan ng mga diplomats, Superior General ng iba’t ibang kongregasyon at mga Rektor ng iba’t ibang Unibersidad at Seminaryo sa Roma. 

Noong panahong iyon may 12 pa lamang Collegio na matatagpuan sa Roma kasama na ang sa Pransya at Espanya ganoon din ang sa buong Latin America (na may isang Collegio pa lamang) at ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na magkakaroon ng represantasyon sa lupain ng mga Santo Papa at mga martir ng pananampalataya. 

Retablo sa Crypt
Ang istruktura, na nahahati sa tatlong palapag at mayroon ding basement, ay dinisenyo ni Engineer Edoardo Cherubini at ang proyekto ay may kabuuang halaga na USD 800,000. Upang maipatayo ang gusali, nag-ambag ang bawat diyosesis sa Pilipinas upang matustusan ang pinansyal na pangangailan para sa konstruksyon. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at kagandahang loob ng mga Pilipino, isang istrukturang hugis bangka na yari sa marmol ang tumayo sa 490 Via Aurelia sa loob lamang ng halos isang taong konsruksyon. 

Ang Collegio-Seminario ay regalo ng sambayanang Pilipino sa Simbahan sa Pilipinas at siya rin namang regalo ng Simbahan sa Pilipinas sa Holy See. Si Papa XXIII ay pormal na binigyang pagkilala ang pagsisimula ng Collegio sa pamamagitan ng kanyang Apostolic Letter na Mater Ecclesia. Siya ang nagdagdag ng titulong Pontificium sa pangalan ng Collegio kung kaya’t ang Collegio-Seminario ay kinilala mula noon na Pontificio Collegio Seminario Filippino

Collegio Filippino Chapel
Habang bumubuhos ang malakas na ulan, pinasinayaan ni Papa Juan XXIII ang Collegio noong Oktubre 7, 1961, Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario at itinalaga ito sa maka-Inang pangangalaga at pamamatnubay ng Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje

Sa pagtatapos ng seremonya ng pagpapasinaya, ipinagkaloob ng Santo Papa sa Collegio ang isang istola, ang insigna ng rektor, at tatlong commemorative coins na gold, silver at bronze ng kanyang pagiging Santo Papa. Ang mga ito ay inilagay sa bubog na kwadro at isinabit sa opisina ng Rektor bilang tahimik na saksi sa maraming taon ng pagpupunyagi ng Collegio. 

Noong Oktubre 7, 1961, pormal na ngang nagbukas ang Collegio sa pagtanggap ng labing-walong paring mag-aaral at 4 na seminarista. Si Fr. Reginald Arliss, isang Amerikanong misyonerong Passionist na naka-destino sa Pilipinas ang naatasang maging kauna-unahang rektor nito. Sa kasalukuyan, si Fr. Gregory Ramon D. Gaston, S.Th.D. mula sa Arkidyosesis ng Maynila ang tumatayong rektor ng Collegio.


Mga Pinagsanggunian:

"A Short History of Pontificio Collegio Filippino (1961 - 2001) Ruperto C. Santos in Philippiniana Sacra. Retrieved from https://pcfroma.org/wp-content/uploads/101112-Santos-R-Short-History-PCF.pdf on April 25, 2020. 

"Our Institution" retrieved from https://pcfroma.org/ on April 24, 2020.

Photo credits:  https://www.arcer.it/collegi-arcer/pontificio-collegio-filippino.html

Comments

Popular posts from this blog

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas