St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devo...

Filipino Saints 4. Venerable Isabel Larranaga

Venerable Isabel Larranaga    (1836 - 1899)

Tagapagtatag ng Hermanas Corazonistas

Si Isabel Ramirez Larranaga o Madre Isabel ng Puso ni Hesus ang tagapagtatag ng Congregacion de Hermanas de la Caridad del Sagrado Corazon de Jesus (Congregation of the Sisters of Charity of the Sacred Heart of Jesus) na ngayon ay matatagpuan sa mga bansang Espanya, Portugal, Puerto Rico, Venezuela, Peru at Chile, Angola at Mozambique.

Isinilang siya sa lungsod ng Maynila, Pilipinas noong Nobyembre 19, 1836 kina Juan Andres Ma. de Larranaga na tubong Urnieta at Isabel Ramirez Patino na mula naman sa lungsod ng Lima sa Peru bagama't may dugo ring Espanyol. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid. Tinanggap niya ang sakramento ng binyag, tatlumpung araw matapos siya ipanganak, sa Simbahan ng San Miguel de Arcangel malapit sa Malacanang. 

Si  Don Juan Andres ay nanunungkulan noon bilang Gobernador Militar ng Maynila.  Sa kanyang pagpanaw noong huling bahagi ng 1838, bumalik ang kanyang byuda na si Dona Isable sa Espanya kung saan lumaki at nagkaisip si Isabel sa Madrid at sa Lima.  Siniguro ng kaniyang ina na mabigyan ng pinakamabuting edukasyon si Isabel at natutunan niya ang musika, pagppinta, at ang iba't ibang lenggwahe gaya ng Pranses, Ingles at Italyano.

Sa paglipas ng panahon, at habang siya ay lumalaki, isa-isa namang nangamatay ang kanyang mga kapatid hanggang sa sila na lamang ni Francisco Adrian ang natira.  Noong taong 1855, sinamahan ni Isabel ang kanyang ina at kapatid na si Francisco Adrian patungong Lima, Peru.  Labing walong gulang na si Isabel ng mga panahong iyon at siya ay naging guro at nagsagawa ng iba't ibang uri ng pagtulong sa kapwa gaya ng pagbisita sa mga may sakit sa hospital at pagtuturo ng katesismo sa mga kabataan.  Napakalapit ng kanyang puso sa mga pinakamahihirap at pinaka-nangangailangan. Makalipas ang pitong taon, siya at ang kanyang ina ay nagbalik sa Espanya at sa Madrid na nanirahan.

Musmos pa man si Isabel ay may may matindi na siyang atraksyon at pagnanais sa buhay relihiyoso ngunit ito ay labis na tinututulan ng kanyang ina. Sa kabila ng pagtuol ng kanyang ina, sinunod pa rin ni Isabel ang para sa kanya'y tunay niyang bokasyon, at siyang kaloob din ng Diyos sa kanya.

Noong siya ay 40 taong gulang na, Pebrero 2, 1877, si Isabel, at tatlo pang kasamahan ay nagtalaga ng kanilang sarili sa Diyos at piniling magsamasama sa isang bahay sa Madrid na naglalayong umalalay at magbigay patnubay sa mga taong nagsasagawa ng ispiritwal na pagsasanay. Nang lumaon, unit-unting napunta ang prioridad ng kanilang kumunidad sa pagbibigay edukasyon sa mga kabataan at pagtatayo ng mga paaralan.

Ito ang isa sa mga pangunahing pangangailangan ng Espanya noong ika-19 na siglo lalong lalo na sa mga liblib na lugar na malayo sa sentro sa mga malalaking syudad.  Nagbukas ang grupo ni Madre Isabel ng mga kolehiyo at boarding schools sa Espanya at sa Cuba. At noong taong 1883, inaprubahan ang konstitusyon at kinilala ang grupo ni Madre Isabel na isang Congregation of Diocesan Right na iginawad ng Arsobispo ng Toledo, Monsignor Juan Ignacio Moreno. Simula noon, kinilala na sila bilang Congregacion de Hermanas de la Caridad del Sagrado Corazon de Jesus.

Marami ring hirap na pinagdaanan si Madre Isabel na nagpapatunay ng pamamatnubay ng Diyos sa kanya at sa kongregasyong kanyang itinatag.  Iniwanan siya ng mga nauna niyang mga kasamahan na sinundan pa ng ilan pang mga madre.  Ngunit di nagtagal, marami ring mga madre ang dumating at lumaganap ang kanilang gawain.  Isinagawa ni Madre Isabel at ng kanyang mga kasamahan ang pangangalaga sa mga kabataan sa pagtuturo at paghuhubog sa kanila nang may buong pagmamahal at pagkalinga.

Nong taong 1894, nagpadala si Madre Isabel ng isang grupo ng mga madre sa Cuba sa kabila ng kaguluhan na nagaganap sa bansang iyon. Habang nasa kanyang ikalawang paglalakbay patungo sa Cuba, siya ay nagkaroon ng karamdaman sa puso na pinalala pa ng mga pagdurusang dulot ng digmaan. Pumanaw si Madre Isabel noong Enero 17, 1899 sa Havana, Cuba.

Lumipas ang mga taon at noong 1961, nang nagsimula ang rebolusyon na pinamunuan ni Fidel Castro, ang mga madre na nagtuturo sa mga Kolehiyo sa Cuba ay napwersang iwanan ang kanilang misyon at magbalik sa Espanya.  Humingi sila ng pahintulot sa mga awtoridad na madala nila ang mga labi ni Madre Isabel.  Inilagak nila ang mga labi ni Madre Isabel sa kapilya ng Kolehiyo ng Villaverde Alto sa Madrid.

Noong Disyembre 17, 1982 ang Cause of Beatification ni Madre Isabel Larranaga ay binuksan sa Madrid at ito ay inaprubahan at binigyan ng nihil obstat ni Papa Juan Pablo II.  Makalipas ang 17 taon, sa taon ng sentinaryo ng kanyang kamatayan, nong Marso 26, 1999, ang Servant of God, Madre Isabel ay idineklarang Venerable, muli, ni Papa Juan Pablo II.



Pinagsanggunian:

PCNE Calendar 2019

Venerable Isabel Larranaga Ramirez retrieved from https://hermanas.corazonistas.org/madre-isabel-hermanas-corazonistas/ April 6, 2020.

Comments

Popular posts from this blog

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas