Mga Banal na Pilipino: "Bonus Miles Christi": Maikling Talambuhay ni Bishop Jorge Barlin

Bishop Jorge Imperial Barlin (1850 - 1909) Unang Obispong Pilipino Maaring kapag binanggit ang pangalang Jorge Barlin, malamang hindi siya pamilyar sa marami at malamang wala itong dating sapagkat hindi naman masyadong matunog ang pangalang Jorge Barlin. Parang hindi naman siya masyadong napapag-usapan. Sa katunayan, sa loob ng maraming taon, parang nakalimutan siya ng buong Simbahan sa Pilipinas. Ni walang nakakaalam kung saan inilibing si Bishop Barlin sa matagal na panahon at ngayon na lamang halos nagkakaroon ng interes na kilalanin siya sa kabila ng kanyang nag-iisang pribilehiyo na maging kauna-unahang Obispong Pilipino at sa kanyang malaking kontribusyon sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas. Si Bishop Barlin ay may mahalagang papel na ginampanan sa Simbahang Katolika sa Pilipinas lalung lalu na sa antas ng pagtingin sa mga Pilipinong pari noong kanyang kapanahunan. Dahil din sa kanyang sigasig at pagmamalasakit sa Simbahan, napigil ang...