Filipino Saints 3: Venerable Francisca del Espiritu Santo Fuentes

Venerable Francisca del Espiritu Santo de Fuentes: Tagapagtatag ng Dominican Sisters of St. Catherine of Siena Si Francisca de Fuentes, anak nina Simon de Fuentes at Ana del Castillo y Tamayo ay isinilang sa Maynila noong taong 1647. Siya ay isang insulares sapagkat siya'y may purong dugong Espanyol subali't sa Pilipinas ipinanganak at nagkaisip. Nang nasa wastong gulang na, siya ay ipinagkasundo ng kanyang mga magulang sa isang maginoo at sila’y nagpakasal. Ngunit halos isang taon lamang ang kanilang naging pagsasama sapagkat maagang binawian ng buhay ang kanyang kabiyak. Nabiyuda sa edad na 20 taon at hindi biniyayaan ng anak, ginugol ni Francisca ang kanyang panahon sa pananalangin at sa pagtulong sa mga mahihirap at mga may sakit. Sa isang pangitain, nagpakita sa kanya si San Francisco at Santo Domingo at nakita niya ang kanyang sarili na nagpatirapa sa harapan ni Sto. Domingo. Itinuring niya itong isang palatandaan mula sa langit kung Kaya ...