St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devotion to him has developed amo

Homilies and Reflections: May 26, 2020. Tuesday. Memorial of St. Philip Neri, Priest (Filipino)

Ika- 26 ng Mayo, 2020, Martes, Paggunita kay San Felipe Neri, Pari

Pagninilay sa Mabuting Balita - Juan 17: 1-11a

"Be iba."


Sa Mabuting Balita ating natunghayan ang panalangin ni Hesus para sa lahat sa atin. Si Hesus ay nananalangin sa Ama para sa kanyang iniwang kawan. Mission accomplished na si Hesus at babalik na SIya sa Ama.

At ang hamon ng panalangin ni Hesus para sa atin; tayo ay maging naiiba sa mundo sa pagtulad sa Kanya at sa pagsunod sa kalooban ng Ama. Ang pagtulad kay Hesus ay pagiging naiiba, iyan ang katotohanan at kabalintunaan ng pagiging alagad.

Bagama't nasa mundo, hindi tayo para sa mundo. Kung kaya't kailangan nating magmahal, magpatawad, magbigay, magbahagi. Kabaligtaran sa idinidikta ng mundo na maging sakim, magkamkam, maging makasarili, isipin lamang ang sarili, bahala na ang iba. 

Sa pagiging iba sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, nawawala ang kaibahan sapagkat ang tao na dati ang tingin mo ay iba, hindi mo kilala, malayo sa iyo, walang koneksyon sa iyo, nakikita mo na at nakakaharap ng malapitan, nakikilala mo, nagiging kapwa at kapatid mo kay Kristo.

Sa pagsunod kay Hesus, nagiging magkapareho ang magkaiba, may nabubuong ugnayan, nagiging kaisa ang bawat isa. Binubuklod ng pag-ibig ng nag-iisang Ama. 

Harinawa na matupad natin ang Panalangin ni Hesus na tayo ay maging isa. Iisang bayan na naglalakbay. Isang simbahan na ginagabayan ng Espiritu Santo sa ilalim ng iisang Diyos. Amen.

Ikaw kapatid, handa ka bang maging iba para sa iba?



photo: ctto


Comments

Popular posts from this blog

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas