St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devotion to him has developed amo

Filipino Saints 9: Blessed Justo Takayama Ukon

Blessed Justo Takayama Ukon (1552 - 1615)

Samurai ni Kristo

Si Hikogoro Shigetomo ay isang Samurai na yinakap ang pagiging Kristiyano noong kapanahunan ng paamamayani ng Sengoku sa bansang Hapon.

Isinilang si Hikogoro Shigetomo bilang  panganay (na nangangahulugan na siya ang tagapagmana) sa anim na magkakapatid noong 1552. Ang kanyang ama ay Si Takayama Tomoteru na siyang panginoon ng palasyo ng Sawa, sa probinsya ng Yamato, Japan.  Noong taong 1564, niyakap ng kanyang ama ang pananampalatayang Katoliko at si Hikogoro, sa edad na labin dalawa ay bininyagan din at pinangalanang Justo.  

Bagama't bininyagang Katoliko, hindi niya binigyan ng malaking pagpapahalaga ito dahil sa kanyang pagiging isang Samurai. Magiging maalab lamang ang kanyang pagmamahal sa kanyang pananampalataya noong siya ay sumapit sa kanyang ika-20 taon.   Taong 1571, si Justo ay pumasok sa isang mahalagang pakikipaglaban, bahagi ng kanyang pagiging Samurai at sa kanyang pakikipagbuno, napatay niya ang isa niyang kasamahan.  Nagtamo rin ng malalalang tama si Justo sa kanyang katawan at habang siya ay nagpapagaling sa mga tinamong sugat, napagtanto niya kung gaano niya pinabayaan at hindi binigyang halaga ang pananampalatayang tinanggap niya.

Siya ay nagpakasal noong 1574 at biniyayayaan ng tatlong anak na lalaki (2 ang namatay habang sila ay sanggol pa lamang) at isang anak na babae.  Nakipaglaban si Justo at ang kanyang ama sa panahong iyon ng kaguluhan upang masiguro at pangalagaan ang kanilang pagiging daimyo at kanilang nakuha ang palasyo ng Takatsuki sa ilalim ni Oda Nobunaga at ng daimyong Toyotomi Hideyoshi.  Nakipaglaban sila sa ilalim sa pamumuno ni Hideyoshi noong mga unang bahagi ng kanyang pamumuno.

Pinamahalaan nila ang rehiyon ng Takatsuki bilang mga Kirishitan daimyos (Katolikong daimyos) at marami rin silang naakay na mga tagasunod upang maging Kristiyano. Nakilala rin siya bilang isang natatanging Kristiyano, mahusay na heneral militar at dalubhasa sa pakikidigma. Siya rin ay kilalang master ng chanoyu, isang klasikong iskolar at marangal na tao.

Ngunit noong taong 1587, naging marahas si Hideyoshi sa pananampalatayang Kristiyano at iniutos ang pagpapatalsik sa lahat ng mga misyonero at ang mga Kristiyanong daimyo naman ay kinakailangang talikuran ang kanilang pananampalataya.  Samantalang sinunod ng ibang daimyo ang kautusan ni Hideyoshi, buong tapang namang ipinahayag ni Justo na hindi niya tatalikuran ang kanyang pananampalataya at nakahanda siyang isuko ang kanyang mga lupain at lahat ng kanyang pag-aari para dito.

Hindi siya nag-alinlangan na piliin ang kanyang pagiging Kristiyano higit sa kanyang posisyon sa hindi iilang pagkakataon at napakaraming beses na muntik na niyang ialay ang kanyang buhay para sa pananampalataya, na kanyang tunay na ninais, ngunit hindi nangyari sapagkat iba ang plano ng Diyos para sa kanya.

Namuhay si Justo sa proteksyon ng kanyang mga kaibigan sa maraming taon ngunit noong taong 1614, si Tokugawa Ieyasu na siyang namumuno noong panahong iyon ay ipinagbawal ang pananampalatayang Kristiyano.

Kaya't noong Nobyembre 11, 1614 nilisan niya ang kanyang bayan at mula Nagazaki, naglayag at nakarating sa Maynila noong Disyembre 21, 1614 kasama ang 300 pang Kristiyanong Hapones ngunit pumanaw rin siya noong Pebrero 4, 1615, apat na pung araw pa lamang buhat nang siya ay dumating sa malayong lupain ng Pilipinas, matapos na siya ay ipatapon dahil sa kanyang pagtanggi na itakwil ang kanyang pananampalataya. Sa kasalukuyan, mayroong monumento si Dom Justo Takayama sa Plaza Dilao, Paco, Maynila upang alalahanin ang katapatapan at kapatapangan ng Kristiyanong Sumarai.  

Noong taong 1630, ang Arkidyosesis ng Maynila ay nagpadala ng petisyon sa Vaticano tungo sa beatification ni Justo Takayama ngunit hindi ito umusad dahil sa ilang teknikalidad kabilang na dito ay ang kahirapan sa pagkalap ng datos at testimonya ukol kay Takayama sa bansang Hapon noong panahong iyon. Makalipas ang tatlong daang taon, ito ay binuhay muli ng ng mga obispong Hapones at ipinanukala nila na kilalanin si Justo Takayama Ukon bilang isang martir sapagkat hinubad niya ang karangalan ng pagiging Samurai at inialay ang kanyang buhay sa pagyakap sa kanyang pananampalataya.

Noong Pebrero 7, 2017, si  Dom Justo Takayama Ukon ay na-beatify bilang Samurai ni Kristo sa seremonya na isinagawa sa Osaka - Japan sa pangunguna ni Cardinal Angelo Amato ng Congregation for the Causes of Saints na siyang kumatawan kay Papa Francisco.

Masasabing ekstra-ordinaryo ang kaso ni Blessed Justo Takayama Ukon sa kasaysayan ng mga causes of beatification and canonization sa bansang Hapon sapakat sa 42 santo at at santa at 394 na blessed, ang Cause for beatification lamang ni Blessed Takayama Ukon ang isinumite at i-prinoseso nang nag-iisa. Lahat ng mga Hapones na santo, santa at mga blessed ay pawang mga grupo ng mga martir na tinaggap at prinoseso ng Vaticano sa apat na grupo. Hindi kabilang si Blessed Justo, mayroong 393 na Hapon na blessed at 42 naman ang kinilalang Santo ng Simbahang Katoliko. 

Para sa mga updates sa Cause of Canonization ni Blessed Justo Takayama Ukon, maaring bisitahin ang sumusunod na website: www.takayamaukon.com 


Mga Pinagsanggunian: 

"Blessed Takayama Ukon." Retrieved from https://takayamaukon.com/ blessed justo takayama ukon. January 9, 2019.

"Dom Justo Takayama" retrieved from https://en.wikipedia.org/wiki/Dom_Justo_Takayama on April 25, 2020.

Clarke, Francis. Asian Saints, p. 106.

PCNE Calendar 2019.

Comments

Popular posts from this blog

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas