St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devo...

Filipino Saints 19: Servant of God Bishop Alfredo F. Verzosa

Servant of God Bishop Alfredo F. Verzosa (1877 - 1954)

Unang Pilipinong Obispo ng Diyosesis ng Lipa. Tagapagtatag ng Missionary Catechists of the Sacred Heart

Ang Servant of God Alfredo Florentin Verzosa ay umukit ng pangalan sa kasaysayan ng Simbahan sa Pilipinas bilang ika-4 na Pilipinong obispo at kauna-unahan buhat sa Ilocandia. Siya rin ang unang obispong Pilipino ng dati'y Diyosesis ng Lipa at ang unang Pilipinong Obispo na nagtatag ng kongregasyon ng mga madre ang Congregacion de la Enzenanza de la Doctrina Christiana na kilala na ngayong Missionary Catechists of the Sacred Heart sa pakikipagtuungan kay Madre Laura Mendoza, isang biyuda na tubong-Lipa. 

Isinilang si Alfredo noong Disyembre 9, 1877 sa makasaysayang bayan ng Vigan, Ilocos Sur. Siya ang pangalawa sa pitong anak nina Don Alejandro Verzosa at si Dona Micaela Florentin. Ang pamilya Verzosa ay kilalang maka-Diyos at palaging nakikitang nagsisimba at isa sa mga tagapagtaguyod ng simbahan sa kanilang lugar. Si Alfredo ay lumaking mabait at sa batang gulang ay nagpakita na ng interes sa bokasyon ng pagpapari. Kung kaya't nang makapagtapos sa mababang paaralan, siya ay pumasok sa Konsilyar na Seminaryo ng Nueva Segovia kung saan siya ay nanatili ng tatlong taon. Dahil hindi pa gaanong malinaw ang kanyang bokasyon, pinili niyang lumabas ng seminaryo at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila kung saan niya natapos ang kanyang "Segunda Enzenanza" o edukasyong sekundarya. Ang panahong ito ay panahon ng pag-aapuhap at paghahanap ng kahulugan para sa batang si Alfredo at sa pamamagitan ng tulong ng isang paring Dominiko, naging maliwanag ang nais ng Diyos para sa kanya at siya'y nagtungo sa Unibersidad ng Santo Tomas upang ipagpatuloy ang kanyang Teolohiya. 

Inordinahan siyang pari noong Disyembre 24, 1904. Bilang Kura paroko ng Bantay, buong sigasig at tapang niyang sinupil ang paglaganap ng Aglipayanismo sa nasabing bayan. Siniguro niyang palakasin at buhayin muli ang pananampalatayang Katoliko saan man siya madestino. Pinapanumbalik niya sa pananampalataya ang mga tao sa baryo kahit na malagay sa panganib ang sarili niyang buhay. 

Noong taong 1916, sa batang edad na 38, siya ay inordenahang obispo at noong sumunod na taon, Enero 16, ay itinalagang kauna-unahang Pilipinong Obispo ng Diyosesis ng Lipa at una ring obispong mula sa Ilocandia. Kabilang siya sa unang henerasyon ng mga Pilipinong obispo. Hinalinhan niya si Obispo Jose Petrelli, unang obispo ng halos bagong tatag pa lamang ding Dyosesis ng Lipa na noo'y tumatayo ring Apostolic Legate sa bansa.

Panoorin ang AVP na ito para sa maikling Timeline ni Bishop Alfredo F. Verzosa.


Bilang obispo, pangunahin sa kanyang mga programa ang paghuhubog sa mga kaparian sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga seminaryo. Sa kanyang kapanahunan natayo ang konsilyar na Seminaryo ng San Francisco de Sales na unang pinamahalaan ng mga Padres Paules at nang naglaon, naging kauna-unahang seminaryo sa bansa na pinamamahalaan ng mga purong Pilipinong paring tagapaghubog. 

Kinilala rin siyang mahusay na tagapagtayo ng mga simbahan at paaralan at nag-anyaya ng mga relihiyosong pari at madre upang tumulong at maglingkod sa kanyang diyosesis. Naglaan din siya ng pinansyal na tulong sa mga misyonero para sa kanilang mga gawaing pastoral at sa pagpapatayo ng kanilang mga kumbento, kahit madalas ay sa sarili na niyang bulsa nanggagaling ang kanyang ipinantutulong.

Ang Eskudo ni Bishop Verzosa
Nagtayo rin siya ng mga sentro ng pagtuturo ng katesismo sa malalayong bayan at baryo ng diyosesis at sa tulong ni Madre Laura Mendoza, ay itinatag niya ang Congregacion de Maria de la EnseƱanza Cristiana sa bayan ng Bauan, Batangas na ang pangunahing gawain ay ang pagtuturo ng katesismo at ang pagtuturo sa mga kabataang babae.

Isa sa mga magandang katangian ng batang obispo ay ang pamumuno sa pamamagitan ng halimbawa. Siya ay banal at ang kanyang mga kapwa obispo at mga kaparian ay hinahangaan siya dahil sa kanyang kababaang loob, kasimplehan at kadalisayan ng kanyang bokasyon. 

Ginamit niya ang war damage reparation fund na natanggap ng Simbahan upang muling ipatayo at isaayos ang mga simbahang nasira ng digmaan.  Sa kanyang kagustuhan na kaagad matapos ang pagpapagawa ng mga simbahan, inilaan niya ang pondo ng diyosesis sa ganitong layunin kasama na rin ang kanyang sariling pera na minana niya sa kanyang mga magulang. 

Noong taong 1946, dumating ang mga madreng Carmelita sa imbitasyon ng butihing obispo at itinayo ang isang monasteryo sa dating kinatatayuan ng Seminaryo ng San Francisco de Sales kung saan napakaraming mga taga-Lipa ang pinatay ng mga sundalong Hapones.  Sa pook ding ito, na diniligan ng napakaraming dugo, naganap ang sinasabing mga aparisyon ng mahal na birhen na nagpakilala bilang Maria, tagapamagitan ng lahat ng mga Biyaya.  Hindi man naniniwala at desididong ipatigil ang lumalaganap na debosyon sa mahal na birhen at paniniwala sa himila ng pag-ulan ng mga rosas, siya mismo ay nakumbinsi ng personal niyang masaksihan ang himala.  Bagama't kumbinsido sa katotohanan ng aparisyon, iginalang niya ang desisyon ng mga Obispo na naatasang magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa aparisyon nang maglabas sila ng negatibong desisyon tungkol sa katotohanan ng aparisyon.  

Bagama't buong husay niyang ginampanan ang pamamahala ng diyosesis, siya ay inakusahan pa rin ng hindi maayos na pamamalakad at pinaretiro bilang obispo ng diyosesis pagkatapos lumabas ang desisyon ng binuong komisyon ukol sa aparisyon.  Siya ay tahimik at may buong kasunurang nagbalik sa kanyang bayang sinilangan, ang Vigan upang doon mamatay at makalimutan.

Sa kanyang pagpanaw noong Hunyo 27, 1954, masasabing siya ay namatay na dukha sapagkat naubos ang kanyang mana dahil sa kanyang ministeryo bilang obispo ng Lipa. Namatay man siyang pobre, mayaman naman siya sa simpatiya at sa paghanga ng tanan. Siya ay inilibing sa crypt ng Katedral ng Vigan, Ilocos Sur. 

Noong Hunyo 2, 2017, ang Congregation for the Causes of Saints ay naglabas ng Decree of Validity na may protocol number 3070-6/16 na kumikilala sa mga dokumento at panamayam na tinipon tungkol sa kanyang Heroic Virtues and Fame of Sanctity.  Ito ay isang positibong hudyat sa pagsisimula ng pagsusulat ng positio na pangungunahan ni Padre Samson Silloriquez, OAR, ang postulator ng Cause sa pamamatnubay at gabay ni Monsignor Paul Pallath, ang itinalagang Relator ng Cause ng Congregation for the Causes of Saints.


Pinagsanggunian:


Josue, Ericson. Alfredo Verzosa, Obispo. Lipa City: Missionary Catechists of the Sacred Heart.

"Our Founders" retrieved from https://mcsh.webnode.com/our-founders/ on April 19, 2020.

"Decree of Validity issued by the Congregation for the Causes of Saints" copy e-mailed to the author. December 16, 2018.

Comments

Popular posts from this blog

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas