A blog about Filipino Catholicism, the Virgin Mary, Filipino holy men and women, vocation discernment, priesthood, religious life, homilies and reflection. Welcome to The Wise Friar's world.
St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early in January, 2020? St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution. Hence, a devotion to him has developed amo
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
Episode 9. Live-in Vocation Seminar
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
-
Repost (from 2012)
Medyo natagalan din bago ako makasulat ng bagong post dito sa blog. Masyado akong nabugbog sa trabaho at sa mga deliverables na dapat tapusin matapos ng halos dalawang linggong pagkawala sa opisina. Pero, at least, nagawa ko naman lahat ng mga trabahong iyon at ngayon nga ay nagpupuyat na naman at nilalamay ang schedule ng klase para sa darating na 1st semester. Haaayyy. Balik tayo sa Live-in Vocation Seminar na naganap noong Feb. 24 - 26 sa Seminaryo.
February 23. Bisperas ng Live-in seminar. Papaalis na ako ng opisina para sa emergency meeting ng aking kinabibilangang Professional Org. Sa UST ang meeting para i-finalize ang mga detalye ng National Conference na aming ino-organisa sa unang linggo ng Marso, eh isang katutak na paper works galing sa iba't ibang tao at opisina ang tumambad sa akin. Nariyan ang schedule na dapat tapusin, ang quarterly report na dapat ipasa, thesis na dapat i-edit, etc. Parang ayaw ko nang umalis sa dami ng aking maiiwang trabaho. Pero wala akong choice. That's the problem in wearing so many hats. You have to juggle with all the responsibilities na nakakabit sa bawat trabahong pinasok mo. Alas 6 ng hapon ang meeting kaya't kailangan kong umalis nang maaga-aga sa opisina dahil mga 2 oras din ang biyahe mula dito sa amin hanggang UST. Nakaalis ako past 1 pm na. Medyo napaaga ang dating ko. Nasa UST na ako mga 5:15 ng hapon kaya nagpunta muna ako sa chapel para magdasal. Tama namang may misa, kaya lang huli na ako. Ang maganda eh merong confession, kaya sinamantala ko nang mangumpisal (nagkataon nabosesan ko ang pari, si Fr. Rodel Aligan, dating regent namin sa Faculty of Arts and Letters - sympre, di ko na i-sheshare ang kinumpisal ko - sa amin na lang yon ni father. Ano? haha).
Pumunta na ako sa Yellow Cab sa may Lacson street (dating Gov. Forbes) kung saan naghihintay ang aking mga ka-meeting. Medyo natagalan ang meeting, inabot ng hanggang mga lampas alas otso. Buti na lang at may dalang sasakyan yung isa naming kasamahan at naki-hitch na lang ako at yung isa pa naming kasama na madre papuntang Buendia kung saan ako sasakay ng bus pabalik sa probinsya. Nakarating ako sa bahay before 11 pm.
11 pm. Nag-online muna ako para tapusin at i-email ang dalawa sa mga deliverables ko 1) ang thesis ng mga estudyante na kailangang i-edit at 2) ang quarterly accomplishment report para sa Dean. Inabot ako ng alas dos ng umaga kakatype. Kailangan kong tapusin mga yon kasi nga naka-leave ako bukas para sa 3-day Live-in Vocation Seminar. Pagkatapos, plinancha ko pa ang mga damit na gagamitin ko for three days. Halos alas 3 na ako nakatulog.
4:30 am. Ako'y gumising. Di masyado maganda pakiramdam ko at di na nga ako masyadong sanay magpuyat. At around 5:30 am, nakasakay na ako ng bus papuntang Makati. 7:30 am, dumating ako sa seminaryo. May misa sa chapel kaya't sa labas na lang muna ako naghintay habang nakikinig sa misa na nagaganap sa loob. 8:00 a.m., registration tapos breakfast tapos itinuro na sa amin ang mga kwarto kung saan kami mag-stay for 3 days. Pagkatapos interview naman sa human formator, masakit talaga ang ulo ko buti na lang nakasagot pa rin ako nang maayos. Tapos may interview din sa isang priest formator, etc. etc. Hindi ko na i-dedetalye ang lahat ng mga naganap at masyadong mahaba. Ikukuwento ko na lang ang aking mga naramdaman habang ako'y nasa loob ng seminaryo.
Marami kaming ginawa the whole three days para ma-experience namin talaga ang buhay seminaryo. Pero ang di ko talaga makakalimutan eh tuwing oras ng dasal. Talagang hindi ko maipaliwanag ang kapayapaan ng damdamin at ang lubos na kagalakan na nag-uumapaw sa aking puso sa mga oras na iyon ng pakiipagniig sa Diyos. Laging mangilid-ngilid ang luha ko tuwing nagdadasal at may kagaanan ang aking kalooban kaya't tila ako'y lumilipad sa alapaap; lalu na sa oras ng komunyon at sa eksposisyon ng Blessed Sacrament.
Na-appreciate ko rin ang community life ng mga seminarista. Para talagang isang pamilya, lahat pantay pantay, at masasayang naglilingkod sa Diyos. Lahat halos ng mga ginawa namin ay naging memorable para sa akin kahit na ang manualia at laborandum (saka mo na alamin kung ano mga yon. haha).
Tapos yung pinakafinale ng programa bale, third day na yon eh yung oras na kinakailangan naming sabihin sa konteksto ng panalangin, kung kami ba ay tutuloy o hindi sa aming bokasyon sa pagpapari. Sa mga oras na iyon, talaga namang marami sa aming mga aplikante ang nagsimula nang umiyak. Di ko na rin napigil ang sarili ko sa pagluha. Grabe ang experience na ito.... Napakaheavy sa puso (buti di ako inatake - haha). Tapos nung turn ko na, nagsindi ako nang kandila, at eto lang ang aking nasabi...
"I have searched for the Lord and I think I found Him here.... And if it is His will that I become a priest, then, here I am Lord to do Your will..."
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga sinabing ito, pero yun talaga ang naramdaman ko nung mga oras na iyon. Pagkatapos ng programa, kami ay kumain na ng tanghalian at sumunod naman dito ang closing liturgy sa harapan ng seminaryo at kaming mga aplikante ay nangagsiuwi na. Bago kami umuwi ay kumanta ang mga seminarista ng "Pagkakaibigan" (eto yung video sa taas - hehe). Grabe ang ganda ng kantang ito damang dama ko ang presensya ni Kristo sa aking buhay, lalu na dun sa mga lines na "Pinili ka't hinirang, upang mahalin... nang mamunga't bunga mo'y panatilihin... Humayo ka't mamunga ng masagana... Kagalakang walang hanggang ipamamana..." parang send-off papunta sa isang missionary work ih. Baga ma't may damdamin ng panliliit, at pakiramdam ng di pagiging karapat-dapat, nakaramdam ako ng kaligayahan sa aking puso - na sa aking maliit na pamamaraan ay sinubukan kong tugunin ang kanyang tawag.
Dito natapos ang napakamemorable na 3 araw ko sa seminaryo. Padadalhan na lang daw kami ng sulat within the week kung kami ay nag-qualify para sa psychological exam. At ako'y umuwi na at halos tulog na tulog sa buong biyahe sa bus pabalik ng probinsya dahil sa pagod.
Lunes, Feb.27, 3:06 nang hapon, nakatanggap ako ng isang text message at ito ang laman...
"Congrats! Pls report at xxx Seminary dis Sunday, Mar 4, 8 am for your psychological test. Prepare 1,500 for testing fee. Thank u. -Ate xxx."
Napalundag ako sa saya! Luluwas na naman ako sa Linggo para malaman ang kalooban ng Diyos para sa akin.
Lipa Cathedral interior I was born and grew up in a city where it is not uncommon to see nuns garbed in habits of various shades of blue, grey, brown and white and seminarians and religious brothers garbed in their cassocks, clerical shirts or religious habit, in any given day, attending church services in the different churches, shrines and monasteries in the city and its outskirts. On Sundays, all churches are full to capacity of people coming from all walks of life fulfilling their Sunday obligation. On a typical Wednesday, the Redemptorist shrine of Divino Amor welcomes throngs of devotees of Our Lady of Perpetual Help coming from different places. Every 12th of the month, there is a penitential procession from the Cathedral going to Carmel and there are also liturgical activities in Carmel every first Saturday of the month dedicated to the Blessed Mother. Welcome to the city of my birth, Lipa City, the "Little Rome of the Philippines." With its elevation of 1,025 feet ab
Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila Ka Luring Franco (1936 - 2011) God indeed reveals Himself to the humble in the lowliest of disguises. And Ka Luring was sensitive to that fact - she found God and recognized Him revealing Himself in the faces of the the little children she so loved catechizing and the poor she so selflessly helped and served; that she herself became a reflection of that God she found among God's poor, which she so perfectly radiated with stunning simplicity and overflowing joy. Laureana Franco gave up her job in a government office in order to pursue her true calling and first love, the teaching of catechism to children. From then on, Ka Luring spent the rest of her years pursuing in what for her, was her real vocation and mission in life – that of being a catechist. She has earned the title, "The Legendary Catechist of the Archdiocese of Manila” because of her commitment to the ministry of catechizing children. She knew so
More than a dance form, Subli is a religous ritual that venerates the Holy Cross Dance has always been an essential component of worship of people of various religious and cultural traditions. Man of times past up to the present, uses a variety of movements of his body – hands, hips, arms, legs and head in rhythmic successions and combinations as a form of prayer, to express worship and reverence to God. In the historic town of Bauan, Batangas exists a traditional religious dance form called the “subli” which people perform to venerate the santo patron – the Mahal na Poong Santa Cruz . The ceremonial worship dance is usually presented during the town’s fiesta which is traditionally held every May 3. It has also been tradionally practiced that every May 1 and 2 each year, the towns of Alitagtag and Bauan celebrate the Anubing Sublian Festival to pay homage and reverence to the Mahal na Poong Sta. Cruz . The festival highlights the dancing of the Subli. Short History of the Pari
Comments
Post a Comment