St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devotion to him has developed amo

Episode 3. Masarap Maglakbay kung may Baon Kang Cheetos!


Maging Akin Muli (Song) 


Repost (from 2012)

Kapag ako'y naglalakbay (jetsetter oh! haha) lalu na't sa bus (ngek, bus lang pala eh) pabalik sa probinsya galing sa Maynila, kinaugalian ko nang bumili ng chichirya (di na mahalaga kung ano mang brand yan - pero cheetos talaga paborito ko - hehe). Dahil sa kinakain kong cheetos, na sasabayan ko pa ng lag-ok ng paborito kong mountain dew o minute made (ung isang litro, repa, promise!) eh parang bumibilis at mas nagiging kaaya-aya ang biyahe (kahit di kaayaaya ang tanawin sa tabi o sa harap ko paminsan-minsan hehe).

Kagaya ng paborito kong chichiryang cheetos (panuorin mo muna ang commercial ng paborito kong chichirya kung may oras ka haha)


at panulak na mountain dew, pinagagaan din ng kantang 'to ang aking biyahe tungo sa paglilingkod kay Kristo (nag-segue, haha). Kinilabutan talaga ako (gapang sa buong katawan ko ih) nang una kong napakinggan at di ko talaga napigil ang pagpatak ng luha sa mga mata ko (kasama na ang sipon na sympre sa ilong ko naman tumulo, alangan namang sa mata din? haha). Ang kantang "Maging Akin Muli" ganun din ang pelikulang may ganito ring pamagat (ang mga footage sa videong ito ay galing sa pelikulang iyon ni Marilou Diaz-Abaya starring Marvin Agustin). 
Nagsasalita dito ang Diyos, inaanyayahan ako, na magbalik sa kanya.  Sapagkat ako naman ay talagang kanya.  Kaso mo, dahil sa mga pagpili ko sa buhay, nakalimutan ko yoong katotohanan na iyon.  May mga pagkakataon talaga na nagtampo, natakot at lumayo ako sa kanya.  Pero sa kabila nito, may isang Diyosp a rin na walang sawang naghihintay, nanabik at nagagalak sa aking pagbabalik. Kaya ang sabi nya manahimik ako at makinig, at doon ko tunay na maririnig ang kanyang pagtawag at imbitisyon na ako ay magbalik sa kanya na tunay na may ari sa akin.    
Pinalakas lalo nito ang aking intensyon na maglingkod sa Kanya. Sana maibigan mo rin ito. At dahil nasabi ko na ang gusto kong sabihin, tatanungin naman kita ngayon kaibigan. Ikaw na kagaya kong naglalakbay (may reflection pa? haha) Ano ang "baon" mo sa biyahe? Sana makatulong din ang "baon" kong ito sa iyong discernment. God bless, repa!
P.S. pwede rin pala ito sa mga kumare, di lang sa mga kumpare ko. hihi.

Comments

Popular posts from this blog

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas