St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devo...

Episode 12. 8 Years After...

Hello kapatid! Ako'y nagbabalik after 8 years of hybernation sa blogging, I'm back. haha. This is a resurrection of my former blog. As you would see, nag-didiscern pa lang ako na pumasok sa seminaryo noong panahong yon, at ngayon, sa awa at pagmamahal ng Diyos, pari na ako! Di ba? Ang galing talaga ni Lord. God bless kapatid!


About the title, parang reminiscent lang nung paborito naming gimik place nung college, 10 Years After. Pero wala na yata iyon eh. At tinigilan ko na rin ang pag-gimik many years ago. hehe.. That is one thing that I have to give up to embrace a new lifestyle that God has presented to me, and  has invited me to pursue.

Napakarami talagang pwedeng mangyari in 8 years. Kung hindi ako umalis sa pagtuturo, ibig sabihin twenty two years na pala dapat ako in service, at in 3 years, magce-celebrate na ako ng aking 25 years bilang isang guro. (haayy, nabibisto ang edad ko! haha) It is such a noble idea, pero di nga yon ang nagyari eh, dahil may ibang plano sa akin si Lord. Mas maganda, mas malaki, at mas kapanapanabik kaysa sa mga plano ko sa sarili ko noon. Salamat at winelcome ko ang sudden shift sa buhay ko na iyon. Naging open ako na-ientertain ang invitation ni Lord, and that decision I made 8 years ago made all the difference in my life. 

At ngayon, ako nga ay nagbabalik sa pagbo-blog. Matapos ang 8 taon na hybernation at pagtulog sa pansitan! haha. Pero di naman talaga ako natulog sa pansitan,  Nagbibiro lang ako. Kinukuha ko lang ang kiliti mo gaya nang kung paano ako kinili ni Lord sa nakaraang walong taon. hihi.  Those 8 years were really years of intensification. Kumbaga "sharpening the saw" sabi nga ni Steven Covey. Para lang akong isang establishment that was closed "for renovation" to prepare for the "grand opening soon." haha.  

After 8 years, ayan na nga ang grand opening na pinakahihintay ko. haha.  Pari na ako! Salamat sa Diyos. Parang kailan lang ay sinusulat ko ang pinakahuling episode na nasulat ko bago ako pumasok sa seminaryo. Episode 11: Ang Pagpapaalam. At ngayon nga, ako ay pari na, Ang bilis ano? At naging pari ako hindi dahil sa sarili kong galing o ano pa man, kundi tanging sa awa at pagmamahal ng Diyos na talagang nag-uumapaw na ipinadama nya sa loob ng nakaraang walong taon.  The sharpening that I had was really a sharpening of my spiritual saw.  At malinaw sa akin, instrumento lamang ako, Jesus is still the one in control. 

Flashback muna tayo sa araw na iyon, May 20, 2012, Linggo iyon. Ascension Sunday. Naghahanda si nanay ng almusal sa kusina. Maaga kaming aalis sapagkat sa Maynila nga naroroon ang Seminaryo. Habang naghihiwa siya ng lulutuin niya, tumutulo ang luha niya. Nagtaka ako dahil sa hindi naman sibuyas ang hinihiwa niya pero panay ang patak ng luha mula sa mga mata niya. Tanong ko "Ma, umiiyak ka ba?" at doon, tuluyan na nga siyang humagulgol ng iyak, "Iiwan mo na ako... Wala na akong kasama..." ilan lamang yan sa mga natatandaan kong mga salitang inusal niya. Dahil close naman kami ng nanay ko, kayang kaya ko siyang biruin kahit sa ganoong sitwasyon. Kaya't sinabi ko sa kanya, "O, eh papano? Hindi na lang ako aalis, dito na lang ako? Umiiyak ka eh." may kasamang hawak sa balikat niya at pang-aalo. Pero kaagad-agad niyang pinahid ng kanyang braso ang kanyang mata at sinabing "Hindi, tumuloy ka... Huwag mo akong alalahanin."

Ang mga nanay talaga. Nakahandang sarilinin ang sakit na nararamdaman para sa kaligayahan ng mga anak na minamahal. Handang magsakripisyo para sa minamahal. Kitang kita ko iyan sa nanay ko nung umagang iyon. Nung umagang nilisan ko ang aming tahanan upang magbakasali na masasagot ng aking pagpasok sa seminaryo ang mga tanong sa isip ko at ang tila kakulangang damang dama ko sa puso ko. At sariwang sariwa pa rin  ang mga alaala ng araw na iyon.... At ngayon nga, walong taon na pala. Parang kaylan lang....

Kapatid, madali lang ang 8 taon, 10 taon, 12 taon. Lalo na't tinutupad mo ang magpupuno sa iyong pagkatao at higit sa lahat, ang kalooban ng tumawag sa iyo.





Comments

Popular posts from this blog

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas