A blog about Filipino Catholicism, the Virgin Mary, Filipino holy men and women, vocation discernment, priesthood, religious life, homilies and reflection. Welcome to The Wise Friar's world.
St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early in January, 2020? St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution. Hence, a devotion to him has developed amo
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
Episode 1. Paano ako naging Guro
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
-
"Lahat ng kwento ay may simula. Dito sa Episode 1, ilalahad ko ang istorya kung bakit ako ay naging isang guro. Oo, tama, dati akong teacher at masasabi ko, marahil ang aking pagiging teacher ay hindi aksidente bagkos ito ay paraan ng paghahanda ng Diyos upang matuklasan ko ang tunay kong bokasyon. Sa pagtingin sa kasaysayan ng buhay ko, na-reallize ko na walang bagay na aksidente. Ang lahat ng pangyayari ay sinadya upang ihanda ako sa kung anong magiging ako. Gusto ko kasi dating maging doktor o abogado, pero naging GURO ako at naging masaya ako dito. Da best experience ito, ika nga. hehe. At dahil sa karanasan kong ito, nadiskubre ko ang tunay kong bokasyon, ang pag-papari! Pero bago tayo dumako sa parteng iyon, mahaba pa ang istorya kapatid. Tiisin mo munang basahin ang bawat Episodes para madiskubre mo kung ano ang naging proseso ng discernment ko, malay mo, pagdaanan mo din ito? haha.
Pahabol pa: Pero gusto kong malaman mo, na kahit na flashback na ito ngayon, sinulat ko ang mga episodes na yan (Episode 1 - 10) habang nagaganap ang mga pangyayari. Blow by blow reporting kung baga, the events as they unfold. Enjoy reading, kapatid!
Repost ( from 2012)
Lumaki ako sa isang pamilya kung saan, halos pagiging guro lamang ang alam na propesyon. Haha. Napakahaba ang magiging listahan kung iisa-isahin ko ang hanay ng mga guro sa aming angkan simula pa sa aking kanunununuan. At ang pinakamalapit, ang aking nanay, ang aking mga tiyahin at oo, may kapatid din akong guro, pano mo nahulaan? haha.
Panoorin mo muna itong trailer ng paborito kong teacher movie "The Emperor's Club" para ma-inspire ka rin. hehe.
Nung maliit pa ako, palagi akong isinasama ni nanay sa school kung saan siya nagtuturo at kinakitaan na ng kabibuhan ang inyong kaibigan bata pa man ako noon. Kagaya nang pag nagfa-flash cards ang nanay ko, ako ang sagot nang sagot kahit na hindi pa ako nagsisimulang pumasok sa formal schooling noon at mas matatanda sa akin ang mga estudyante ni nanay. Teacher si nanay sa Grade 1, at salimpusa ako) haha.
Hanggang sa pumasok na ako sa pag-aaral. Alam kong mainipin ka, kaya fast track na natin ang kwento papuntang high school. haha.
Nung high school, sumali ako bilang volunteer catechist sa aming paaralan. Marami-rami rin akong narating na public schools sa apat na taong pagiging katekista. Sa G.B.L.S. Elementary School, Sa Axx Elementary School, sa Pxxx Elementary School, lahat sa bayan namin sa probinsya at ang last stop ko eh sa Sxxxxx - Mxxxx Elementary School (ito ang pinakamalayo - malapit na ito sa lawa). Napakaraming magagandang experiences at challenges akong na-encounter sa aking pagtuturo sa makukulit at malilikot na mga bagets. Sympre, unang unang problema ay kung paano mo kukunin ang interes ng mga bagets para makinig sa iyo, pangalawa eh kung papaano mo kokontrolin ang kakulitan ng mga bubwit. haha.
Pero bagama't napaka-tasking at kumakain ng maraming oras ang volunteer work, rewarding pa rin ang experience kasi kahit papaano, natuturuan namin yung mga bata ng mga basic prayers, kinukuwentuhan ng bible stories, kumakanta ng mga action songs, (you hearrd it right, eto yung animation na pinapagawa sa iyo ni Father sa simbahan sa harap ng maraming tao) at sympre, walang katapusang palaro (kung gusto mong maging in ka sa mga bata - haha).
Tapos eto na ang turning point sa aking buhay... at ang tunay na naka-motivate sa akin para maging isang titser. Isang araw, habang ako'y nagmamadali papunta sa library para sa ipho-photocoping mga hand-outs, may nakasalubong akong maliit na bata sa walkway (fourth year HS na ako nito). Malayo pa ay nakita ko nang nakangiti sa akin ang batang ito (first year HS siya, pero may kaliitin sa kanyang edad kaya bata ang tawag ko - haha) na masasalubong ko papuntang library. At nung kami ay within talking distance na sa isa't isa, nagsalita ang bata "kuya, kayo po yung teacher namin sa Religion sa Pxxxx." Ako'y nagulat, sabi ko, "Ay, oo nga, natatandaan pa nga kita (kahit hindi na - haha). "Magvo-volunteer din po akong katekista, kuya" dagdag ng bata. Talaga namang nung narinig ko yung sinabing yon ng bata, ewan ko ga, parang may kakaiba akong naramdaman... Ako'y tuwang-tuwa at siguro kahit papano'y na-impluwensyan ko ang batang ito para sundan ang aking mga yapak! (Wag sana maligaw ng landas ang bata - haha). Iba ang pakiramdam ng maka-inspire. Naging mabisa siguro ang ginawa kong pagtuturo kahit papaano at na-engganyo ang batang iyon na maging isang volunteer catechist din.
Tumimo ang bagay na iyan sa aking isip at isa sa mga dahilang madalas kong maibulalas pag ako'y tinatanong kung bakit gusto kong maging guro. Although pagiging doktor talaga ang first choice ko. haha.
Noong ako'y nasa kolehiyo na, bagama't di naman Education ang kursong kinuha ko at communication arts, nagkaroon pa rin ako ng pagkakataon para maisingit ang pagtuturo sa aking schedule. Nag-volunteer ulit akong katekista sa UST Parish (pero sandali lamang ito). Nagturo ako sa Claro M. Recto Elementary School malapit sa Espana St. nakadalawang sessions lang yata ako - haha.
Hanggang sa makagraduate nga ako ng kolehiyo. Pagkatapos ng graduation, umuwi na talaga ako sa bayan namin sa probinsya at duon na nag-apply ng trabaho. Unang aplikasyon ko sa trabaho, sa Kolehiyong Berde agad ako nagapply. At biruin mo, ang aking suwerte, natanggap naman ako! Una ko talagang binalak na mag-apply sa HS department bilang isang English teacher pero sabi sa HR, mas bagay daw ako sa college kasi wala pa naman akong LET noon. Ayon, nagtuloy tuloy na ang aking pagtuturo hanggang sa di ko namalayan, naka-13 taon na pala ako at still counting.... (Sinulat ko ito nuong 2012, habang nag-di-discern pa ako sa pagpasok sa seminaryo.) :-)
"A teacher affects eternity; he can never tell where his influence stops." - Henry E. Adams
Lipa Cathedral interior I was born and grew up in a city where it is not uncommon to see nuns garbed in habits of various shades of blue, grey, brown and white and seminarians and religious brothers garbed in their cassocks, clerical shirts or religious habit, in any given day, attending church services in the different churches, shrines and monasteries in the city and its outskirts. On Sundays, all churches are full to capacity of people coming from all walks of life fulfilling their Sunday obligation. On a typical Wednesday, the Redemptorist shrine of Divino Amor welcomes throngs of devotees of Our Lady of Perpetual Help coming from different places. Every 12th of the month, there is a penitential procession from the Cathedral going to Carmel and there are also liturgical activities in Carmel every first Saturday of the month dedicated to the Blessed Mother. Welcome to the city of my birth, Lipa City, the "Little Rome of the Philippines." With its elevation of 1,025 feet ab
Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila Ka Luring Franco (1936 - 2011) God indeed reveals Himself to the humble in the lowliest of disguises. And Ka Luring was sensitive to that fact - she found God and recognized Him revealing Himself in the faces of the the little children she so loved catechizing and the poor she so selflessly helped and served; that she herself became a reflection of that God she found among God's poor, which she so perfectly radiated with stunning simplicity and overflowing joy. Laureana Franco gave up her job in a government office in order to pursue her true calling and first love, the teaching of catechism to children. From then on, Ka Luring spent the rest of her years pursuing in what for her, was her real vocation and mission in life – that of being a catechist. She has earned the title, "The Legendary Catechist of the Archdiocese of Manila” because of her commitment to the ministry of catechizing children. She knew so
More than a dance form, Subli is a religous ritual that venerates the Holy Cross Dance has always been an essential component of worship of people of various religious and cultural traditions. Man of times past up to the present, uses a variety of movements of his body – hands, hips, arms, legs and head in rhythmic successions and combinations as a form of prayer, to express worship and reverence to God. In the historic town of Bauan, Batangas exists a traditional religious dance form called the “subli” which people perform to venerate the santo patron – the Mahal na Poong Santa Cruz . The ceremonial worship dance is usually presented during the town’s fiesta which is traditionally held every May 3. It has also been tradionally practiced that every May 1 and 2 each year, the towns of Alitagtag and Bauan celebrate the Anubing Sublian Festival to pay homage and reverence to the Mahal na Poong Sta. Cruz . The festival highlights the dancing of the Subli. Short History of the Pari
Comments
Post a Comment