St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devo...

Episode 18. Simula ng Bagong Buhay sa Seminaryo

Sa harap ni Hesus, isinuko ko ang aking sarili upang yakapin
ang isang panibagong buhay... Seminarista na ako.
Naisip ko, bagama't pari na ako sa ngayon, mas mabuti siguro kung ituloy ko na muna ang mga Episodes sa series na ito na pinamagatang "Wise Friar Series" (Season 1. Si Wise Friar bago pumasok sa seminaryo). para may continuity di ba?  At dahil tapos na ang season 1, pupunta naman tayo sa season 2 na magiging "Wise Friar Season 2" (si Wise Friar bilang isang seminarista) at abangan mo rin sana ang Ang Wise Friar Season 3 (si Wise Friar bilang isang pari) Wow, trilogy pala ito. haha.  Sige, simulan ko na ulit ang pagkukuwento.

May 20, 2012.  Alalang alala ko pa ang araw na iyon Ate Charo.. haha.  It was a Sunday, Solemnity of the Ascension, at World Communication Sunday.  Alam ko ang pagdiriwang na ito kasi dati akong professor ng communication at aktibo rin sa field ng social communication (ang termino na ginagamit ng Simbahan para tumukoy sa mga makabagong paraan ng pakikipagtalastasan, mapa-elektroniko man o virtual). Sa katunayan, isa ako sa mga delegates ng FABC - OSC Bishops' Institute on Social Communication VII (Biscomm VII) na ginanap sa Assumption University, Thailand noong 2008 yata iyon. haha. 

Balik na tayo sa kuwento. Eto rin ang Entrance Day namin sa seminaryo.   Ibig sabihin ito ang.araw na ihahatid kami ng aming mga mahal sa buhay sa seminaryo at pagkatapos noon, officially from that day on, seminarista na kami.  Flashback muna ulit tayo.  Naalala ko, the week before Entrance Day, toxic na toxic ang schedules ko.  Kaya naman dumating ako sa seminaryo na parang ngarag na ngarag.  Hirap na hirap.  Pagoda Philippines ika nga... haha.  Bakit kamo, dahil nga biglaan ang pagre-resign ko sa work, I filed my resignation letter early April yata. Eh kaso mo, meron akong summer load sa department eh ako lang ang nagtuturo nung major subject na yon, so no choice ako but to teach that summer.  Pero matatapos pa ang summer end of May pa yata.  Eh aalis na ako ng May 20 at dahil Sunday ito, May 18 last day ko sa work, which is a Friday.  So Friday na, nagtuturo pa rin ako. Submission ng mga proposals ng mga estudyante (thesis / special project writing class kasi ito).  Natapos ang klase before lunch.  Nagcheck ako ng ilang proposals noong hapon, tapos, nag-ayos ng mga dokumento for endorsement sa susunod na chair.  Nag-entertain ng mga estudyante na gustong mag-good bye, at marami pang iba.  Sa makatuwid, nakauwi ako sa bahay mga mag a-alas 8 na ng gabi.

Kinabukasan, Sabado, bumalik ako sa opisina, tinapos ang pagchecheck ng mga special project proposals tapos nagcompute ng grades, nagsubmit ng grades around 2 pm (buti na lang online ang submission).  Nag-ayos ayos ng ilan pang natitirang kalat sa opisina.  Inikot ang opsina at mga laboratories sa huling pagkakataon, tinitigan ang shelves ng mga libro at DVDs na inipon ko for the past 14 years na i-dinonate ko na sa department at pagkatapos nagpatay ng ilaw, lumabas sa pintong iyon na nagbukas ng maraming masasayang alala at karanasan.  Ni-lock ang pintuan.  Kadiliman.  Halos alas sais na iyon ng hapon.   Bukas, papasok ako sa isang bagong pinto.  Bagong mga karanasan.  Bagong mga alaala.  Lord, kayo na po ang bahala, wika ko sa sarili ko.

So madaling araw, gising na.  Umalis kami sa bahay around 8 am siguro pagkatapos ng breakfast na inihanda ni nanay habang lumuluha sya. haha.  Tulog na tulog ako sa biyahe sa pagod ko.  Nag-ayos pa rin kasi ako ng mga dadalhin kong damit the previous night.  Dumating kami sa seminaryo mga 11 am.  Medyo nakakahiya kasi sa takot kong malate para sa 2 o'clock na schedule ng Entrance Day Mass eh masyado naman napaaga ang dating namin. So doon na kami sa seminaryo naglunch ng pamilya ko at ilang mga kamag-anak.  Napaka-welcoming ng mga brothers.  Wala pa man ako sa seminaryo officially, feeling ko talaga, they are a family to me already. haha. Hinatid ako ng ilang seminarista sa magiging kwarto ko.  Hindi gaano kalakihan, tamang -tama lang.  May sarili siyang lababo sa loob at may veranda kaya lampasan ang hangin.  Kaya lang, may katabing creek ang seminaryo at yang amoy na yan ng creek, mabaho lang sa una. Pero pag nagtagal, mabango na rin. haha.

Alas dos. Nagsimula na ang misa.  Tapos meryenda. Lima nga pala kaming natanggap na magkakabatch.  Then pagkatapos, yung closing liturgy kung saan officially magpapaalam na ang aming mga mahal sa buhay at iiwan na nila kami sa seminaryo.  Napaka-dramatic ng araw na iyon... Ayaw ko sanang umiyak pero wala ka talagang magagawa. Natural na papatak ang luha mo pag nakita mo ang iyong ina na umiiyak ganoon din ang mga kapatid mo at iba pang mga kamag-anak.  Ganun din ang iba pang mga nanay at kamag-anak ng mga kabatch mo.

Pagkatapos ng mga paalaman, lumabas na sila sa seminaryo, kami naman, kasama ng iba pang seminarista ay pumasok na sa Chapel upang simulan ang pagdadasal ng rosaryo, at ang evening prayer.  Dahil Linggo noong araw na iyon, may Benediction.  Sa harap ni Hesus, sa oras na iyon ng pagpapaalam at pangungulila sa iyong mga mahal sa buhay, at pagtalikod sa dati mong buhay upang yakapin ang bagong buhay na ipino-propose sa iyo ng Diyos, wala kang gagawin kundi ipagkatiwala ang iyong sarili sa Kanya at hingin ang lakas upang mapanindigan mo ang ginawa mong desisyon na sundan Siya.  Isinuko ko sa Diyos ang lahat... Ang aking muling dasal na nausal, "Panginoon, kayo na po ang bahala..."

Comments

Popular posts from this blog

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas