St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devotion to him has developed amo

Episode 5. Ang mga Pine Trees sa Paaralan

Repost (from 2012)

Ngayong madaling araw na ito (oo, inabot na ako ng madaling araw kakalaro ng tetris kanina - haha) magsesenti naman ako nang konti para maiba naman. At ang buhay naman talaga ay di lang puro saya, palagi ring may mga malulungkot na episodes, dahil may mga bagay kang inaalalala, binabalik-balikan at hindi makalimutan lalo na kung mawawala o aalis ka na. Mga bagay na napamahal na sa iyo, naging bahagi na ng buhay mo - mga bagay na mahirap i-let go (buntong hininga). Malungkot talaga ang bawat pagpapaalam. Iniisip mo pa lang, parang nanghihina ka na.  

Siguro pag umalis ako dito sa present work ko (ang paaralang kulay luntian dito sa bahaging ito ng Luzon), marami akong mamimiss at talaga namang laging sasagi sa aking gunita kahit ako ay malayo na. Nariyan ang aking koleksyon ng mga libro, na matagal tagal ko ring pinaglaaan ng oras, pera, at atensyon, nariyan din ang aking vcd/dvd collection ng mga paborito kong pelikula at sympre, ang aking opisina na naging kanlungan ko sa loob ng 9 na taon ng pagiging tagapamuno ng aking departamento (pero 14 taon na ako sa luntiang paaralan kung susumahin lahat lahat).

Ang aking opisina at ang mga kwartong kasama nito, na masasabi kong bahagi na ng aking pagkatao sapagkat ang mga ito ay pawang ekstensyon na ng aking sarili (tumulong ako sa pagdidisenyo ng opisinang ito at ako ang nagdisenyo ng lahat ng mga kagamitan, mula hanging cabinets, shelves, mga lamesa at mga upuang gagamitin ay ako ang pumili). Ako rin ang nagpabili ng lahat ng mga equipment na matatagpuan sa mga katabing laboratoryo - computers, cameras, microphones, consoles, transmitter at marami pang iba.  Ang mga ito ang naging saksi sa aking pagpupunyagi bilang isang guro sa nakalipas na 14 taon (ka-drama laang haha).  Naroon din ang wall of fame kung saan ko inilalagay ang lahat ng mga accomplishments namin sa department sa school, regional, at national levels.   Lalo na sa larangan ng film making kung saan nagsisimulang makilala ang aming department at ang aming mga estudyante. 

Pero higit sa lahat, ang hindi ko makakalimutan at maaring palagi kong hanap-hanapin ay ang mga kabataang nakasalamuha ko sa nakalipas na 14 taon ng paghuhubog. Marami na sila. Siguro'y nasa libo na ang kanilang bilang sa ngayon. Marami sa kanila ay natatandaan ko pa, ngunit mayroon ding ilan-ilan na nakalimutan na (wag kayong magtampo, mahirap magkabisa ng libo-libong pangalan at mukha). Siguro ang kaibahan ng pagiging guro sa ibang mga propesyon at trabaho ay yaong sa propesyong ito, marami kang nakakasalamuhang kabataan na may iba't ibang background, may iba't ibang personality na talaga namang magiiwan ng permanenteng impresyon sa iyo (may estudyanteng sobrang bait, mayroong napakatalino at talented, at sympre, may mga waway pasaway rin - haha at maaalala mo sila dahil sa mga katangian nilang iyan na maaring nagpasaya sa iyo, nagpasakit ng iyong ulo o naging daan para ikaw ay mas ma-challenge at kung ano ano pa). Kaya lang, napakatransient ng mga bagay bagay. Sa propesyon ng pagtuturo, ang lahat ay nagdadaan lamang. Ang mga estudyanteng itinuring mo na halos mga anak, kaibigan at kabarkada na rin (oo naman haha) magpapaalam makalipas ang apat na taon ng paghuhubog at pagsasamahan.

Ngunit tulad ng isang tunay na magulang (pangalawang magulang lang kasi ang mga guro ng mga bata), bagama't may lungkot at agam-agam sa bawat pagpapaalam, hindi mo pipigilan ang mga kabataang ito bagkos ay magkakaroon ka pa ng sense of fulfillment at kaligayahan sapagkat naihanda mo sila at nabigyan ng pakpak upang liparin at abutin ang lawak ng kanilang mga pangarap. Pero, sa pagkakataong ito, iba na.  Hindi na ako ang iiwan. Ako na ang aalis at magpapaalam (haha).

Tanda ko pa, nuong una kong pagdating sa paaralang ito na talagang aking minahal, nasabi ko sa sarili ko, I'm finally home (dito rin kasi ako naghigh school) at naibulong ko rin sa aking sarili na dito na ako aabutin ng retirement. Katatapos ko pa lang sa kolehiyo nuon. Bago pa lamang nade-develop ang paaralan. Naging agresibo ang administrasyon na gawing isa ito sa pinakamahuhusay na kolehiyo sa buong southern tagalog region. Nagkaroon ng massive infrastructure development, maraming mga gusali at pasilidad ang ipinatayo at sympre, kasama ang pagpapaganda sa physical plant sa pamamagitan ng pagpapatayo ng magagandang hardin at pagtatanim ng mga puno at halaman - kasama na riyan ang mga pine trees na nakahilera sa driveway ng paaralan. Nuong ako'y dumating, bagong tamin pa lamang ang mga punong ito at masasabi ko na talagang bata pa base sa mura nilang mga katawan at sanga. Siguro'y mataas taas lamang sa akin ng ilang pulgada ang pinakamalaki sa siguro'y 10 - 12 nakahilerang mga pine trees (di ko kabisado ang eksaktong bilang nila). Ngunit sa nakalipas na 14 taon, sa araw araw kong pagdaan sa driveway, nasaksihan ko rin kung paano nagsilakihan ng mga nasabing puno na ngayon nga'y animo mga higante na nakapila sa driveway sa taas at yabong ng mga dahon. Siguro'y nasa 15 - 20 feet na ang bawat isa. Hindi ko halos maisip na napakatagal ko na palang panahong nagpapabalik-balik sa driveway na iyon na dahil sa nasisiyahan ako sa ginagawa ko ay halos di ko na namalayan ang paglipas ng mga araw at mga taon. Masasabing representayon din ng aking naging pag-unlad at pagyabong ang mga nasabing puno. Sapagkat sa nagdaang panahon, talagang naging focused ako sa aking trabaho at pagpapaganda ng aking karera, at nangarap ng mas malalaki pang bagay sa hinaharap. At ngayon, may posibilidad na iiwan ko na ang lugar na ito na naging bahagi na ng aking buhay. Ang mga punong yaon na wari ba'y bumabati at nagbibigay pugay sa akin tuwing akoy magdaraan doon dahil sa aming nabuong pagkakaibigan o koneksyon sa isa't isa sa nagdaang maraming taon. Ngayon nama'y tatanawin din nila ang aking pag-lisan, ihahatid palabas sa lugar na iyon na tahanan ko sa 14 na taon.

Malungkot man ang bawat pagpapaalam, kinakailangang tanggapin na ganyan talaga. Wala naman talagang constant at hindi nagbabago sa mundong ito. At sympre, nariyan ang anticipation na may mga bagong magagandang bagay, tao at karanasang naghihintay sa iyo. At sa totoo lang, ang aking presensya lang naman ang nawala. Hindi nawala ang mga punong yaon, ang aking opisina, ang aking mga aklat at pelikula. Naririto pa rin sila sa isang sulok ng aking puso bilang mga pinakatatangi-tanging alaala.


Comments

Popular posts from this blog

Lipa City: The Little Rome of the Philippines

Laureana "Ka Luring" Franco: The Holy Catechist of Manila

Popular Religiosity and Festivals: And They Danced with Joy before the Lord: The Subli Festival of Bauan, Batangas