If today you hear his voice (call), harden not your hearts... (Hebrews 3:15)
Kapatid, alam mo ba na naging very productive sa akin ang quarantine period na ito kasi ang dami kong nagawa. Nakapagbasa ako ng mga libro na halos kumain na ng alikabok sa bookshelf, nakapagmunimuni, nakapag-bigay oras sa pananahimik at pagdadasal at bagama't hindi masyadong nakakalabas, nakagawa pa rin ng paraan para makatulong man lang kahit papano sa mga taong dumaranas ng hirap sa ngayon.
At higit sa lahat, nakabalik ako sa pinakagusto kong gawin- ang pagsusulat (Hooray!).
Gaya nang nasabi ko na
somewhere sa mga
posts ko dito, last
8 years pa yung
blog ko at naging
inactive na at di na pwedeng i-edit. So i have to migrate all the contents of that blog (for posterity's and continuity's sake, hehe) dun sa ginawa ko na website na hindi naman masearch sa google (haha). So eto ako, tinransfer ko na naman yung mga
files dito. Hopefully this works already. Pagod na ko kaka-copy paste. haha. Pero at least, at this age, Hindi pa rin ako napapagod mag-explore ng mga bagay na bago, which I think is also very essential if you are considering priesthood or religious life. Huwag kang matakot to do or explore something new, mag-introduce ng innovations or mag-initiate ng mga bagay na bago at hindi pa nasusubukan. There is always a promise awaiting each and every new discovery!
And going back to the website I recently created na pinangalanan kong "Bokasyon Hindi Bukas Yon". Nakaka-frustrate lang kasi naglaan ako ng maraming oras to do it, tapos ganon, invisible sa mga search engines :-( But anyway, iniisip mo siguro what's on the title of the website? So narito ang paliwanag, sisimulan na ang paglilitis. haha.
Naniniwala ako, na ang understanding natin sa mga bagay bagay ay nakadepende sa pagka-experience natin sa kanila. And that explains the title of the website. When I realized that I have a vocation to the priesthood, I did not immediately act on it. Una, I denied it and shelved that idea at the back of my mind. Pero sabi nga ni Celine Dion, "It's all coming back" haha. Kahit ano'ng gawin mong iwas, doon at doon ka din dadalhin ng mga sitwasyon at pagkakataon sa iyong pinakaka-iiwasan. You have to confront it man! Have courage.
Halimbawa nung high school ako, gusto ko sana maging doktor and I wanted sana to take Biology sa La Salle Taft for my pre-med, tapos UST or La Salle Dasma ang Med proper. That was the plan. Pero nung magco-college na ako, I have to take a different course just because suddenly, hindi na kaya ng parents ko na paaralin ako ng medicine. So sumama ang loob ko (tampururot. haha). Sabi nina nanay at tatay, sa UST ka na lang anak mag-aral. So wala naman problema sa UST pero since hindi na ako pwede mag-medicine, bakit pa ako mag-babiology? So I decided to just take Communication Arts in stead. And after graduation, ayan, naging professor tuloy ako sa isang Catholic School that gives so much emphasis on the religious and faith formation of their employees, pagkatapos araw-araw may misa (6 am and 12 nn) at malapit pa sa seminaryo. At true enough, eto si Lord, kahit lumalayo ka, minamagnet ka pa rin palapit nang palapit sa kanya.
Then nangailangan ng mga volunteer teachers sa seminary right next to our school and since marami akong free time dahil nga I am a middle-level manager (yan ang tawag dun sa management cluster where i belong), I decided to do volunteer work. Sabi ko sa sarili ko, since hindi ko kaya mag-respond, ito na lang yon. Gagawa na lang ako ng mabuti at tutulong sa simbahan (I have other Church-involvements during this time). Enough na ito to compensate for my inaction and inattention, sabi ko sa sarili ko.
Pero napagod ako. Masyado naman napasobra ang involvements ko sa simbahan at sa pag-build ng career ko. Then, the realization, napapagod kasi ako because oo, tama yung ginagawa ko. Tama magserve sa simbahan, tumulong sa kapwa at paghusayin ang karera ko. Pero, I'm doing the right thing, for the wrong reason. Siguro kung magsasalita lang talaga sa akin si Lord that time, sasabihin nya, "Loko, kung ano ano pinagkakaabalahan mo, kung ano ano ang pinaggagawa mo, pero hindi mo naman ginagawa yung mas mahalaga - yung pinagagawa ko sa iyo" (Sorry na po, Lord, hehe).
I evaded the "call" yet the circumstances seemed to have connived para lang masiguro na mapupunta ako sa talaga kong bokasyon which I tried to run away from for many years.
Ngayon, going back to the name of the website, sa pagta-try ko nga na masearch si website sa mga search engines, sinubukan ko i-type yung pangalan ng website kay google at kay Yahoo and interestingly, may mga nagsulat ng blog tungkol sa "bokasyon at bukas 'yon." Pero to my amazement, magkaiba kami ng understanding tungkol sa isang bagay. Ibang-iba ang meaning sa akin nung mga salita. We are looking at one thing, pero iba ang pagtingin namin. They (marami kasi sila. haha_ interpreted "bukas 'yon" as openness. Which is also a eureka experience para sa akin. Kasi never did it cross my mind that it could mean that thing - openness - kabukasan sa Diyos. While all the while my understanding was tomorrow or later, or not this time, sometime in the future, not now. Kasi, ganyan ang ginawa ko - ipinag-pabukas nang ipinagpabukas ang pagtugon sa tawag ng Diyos. :-(
Then, reflecting on it, I realized na malaki talaga ang epekto ng experience on how we perceive things around us. Because that was me. I kept ignoring my vocation, not acting on it fearing that I am unworthy, that I will not pass the screening process, what about my career plans, hindi pa ako handa, etc., etc. So many reasons and excuses. Buti na lang umabot pa ako sa late vocation o mas politically correct, late response. Baka interesado ka, kung ikaw ay 25 - 40 years old, pwede mo silipin ang website na ito,
www.hass.com.ph. para yan sa mga late response na katulad ko.
Maniana habit and its metamorphoses: Bukas na lang, mamaya na lang, wait lang
Naalala ko nung nagtatrabaho pa ako at di pa pumapasok sa seminaryo, kung gusto mo uminit ang ulo ko eh sabihan mo ako ng salitang "wait lang". Hindi ko alam, pero allergic talaga ako sa salitang yan. Yan salita na yan ang palagi kong naririnig sa mga pamangkin ko kapag may iniuutos ako. "Wait lang..." at ang lalo mo ikakabwisit, hindi pa makuntento sa isang "wait lang" ang inuutusan mo, kailangan pang masundan ito ng dalawa, hanggang tatlong 'wait lang". Yun na ang maximum kasi pagkatapos ng ikatlo, lalapitan ko na ang pamangkin ko at sasabihin "na talaga bang hindi ka tatayo dyan at gagawin inuutos ko? Baka gusto mo pang hilahin kita palabas dito sa kwarto?" haha. Ayan na, nagalit na si tito. haha. Nagagalit ako sa pamangkin ko, pero come to think of it, ganon din ang ginawa ko kay Lord, "wait lang" ako palagi. Buti, hindi ako kinaladkad ni Lord papasok sa seminaryo! haha. Pero that is what is good with our God, he respects and values so much our freedom at ang lahat ng gusto niya, ang kanyang kalooban, He presents to us as an invitation, paanyaya. Nasa sa atin na kung tayo ay tutugon. Ikaw ba, mahilig ka rin ba "magpa-wait lang sa Diyos?"
Kung meron man daw tayong namana sa mga Kastila (na sumakop sa atin ng halos 400 taon) na hindi maganda, yon ay ang "maniana habit". Mahilig nating ipagpaliban ang ating gagawin para mamaya, para bukas, o para kung kelan na lang natin talaga maisipan. Si "Wait lang" sa palagay ko ay inapo na, o great grand child na ni maniana. Ayaw natin agad kumilos maaring dahil tinatamad tayo, may ginagawa pa tayo at pinagkakaabalahan o hindi pa tayo handa gawin yung dapat nating gawin. Ang pinakamalungkot na bahagi ng pagpapabukas, baka indecisive tayo kasi hindi naman natin talaga alam ang gusto natin, or worse, hindi natin kaya ipaglaban ang magiging desisyon natin. Baka ayaw ng parents natin, ano sasabihin ng ibang tao, baka hindi ko kayanin. Puro "baka".
Ano ang mali sa pagpapa-bukas na lang?
May mali ba o hindi tama sa pagpapabukas na lang? Tingnan natin. Kapag kasi pinag-usapan ang bukas, ibig sabihin ay "kinabukasan" o sa susunod na araw (tomorrow). Pero ito ay pwede ring tumukoy sa mas malawak na hinaharap (anything of the future). Ibig sabihin ang bukas ay walang eksaktong time frame - pwedeng bukas nga (as in the following day) o any time sa hinaharap (infinity). Pangalawa, may mga oportunidad o pagkakataon na dumadaan minsan lang, at hindi na ito muling mangyayari o magdadaan sa susunod. In this case, it becomes a missed opportunity not because you are not capable of achieving it, but because pinagpabukas mo na lang ang paggawa o pagtupad duon. Pangatlo, Since it is bukas na lang, something of the future, we do not really know if bukas will still come. There is this certain uncertainty about the future that makes it certain for you to act now. Walang kasiguruhan ang bukas. Sabi nga sa kanta: "Mahiwaga ang buhay ng tao, ang bukas ay di natin piho..." Oy, kumakanta siya. haha. O siya, bago ka ma LSS dyan, ituloy na natin ang pag-kukuwento.
Yan ngayon ang mahirap sa bukas. Wala siyang specific na time frame, walang nakakatiyak kung kailan, at worst, dadating pa ba ang bukas? Hindi natin alam.
Bukas 'yon at bokasyon
Ano naman ang relasyon ng bukas at bokasyon? Simple lang. Madalas, pag may nararamdaman tayo na tayo ay tinatawag, o may calling sa Diyos, kadalasan ang ating damdamin ay hindi pa ako handa, sigurado ba ako sa nararamdaman ko, o hindi, iniisip ko lang ang lahat ng ito. Walang masama sa mga damdamin na iyan, those are valid emotions. Pinagdaanan ko rin ang mga bagay na iyan. But you know, later on, I realized that these are just worthless anxieties. Bakit naman kaya ako nag-arrive dito sa conclusion na ito? Meron agad akong judgment. Bakit nga ba? Because as I've said, I've gone through all of these in my discernment process. Di ka makatulog, umiiyak ka sa gabi, para bang ayaw mo nang umalis sa simbahan pag nandon ka, ginugulo ng Diyos ang mga plano mo na nakalatag na matagal na, inaalis ka sa iyong comfort zone, at marami pang iba.
The thing is, you don't have to go through all these, pero pwede mo rin naman pagdaanan kasi these could also provide you an opportunity to purify your intention at pagkakataon din for a deeper encounter and relationship with Jesus. But you should not let all these feelings linger. Kaya nga pinagdadaanan di ba? Dadaan ka lang, di ka mananatili duon. Definitely, you have to free yourself from these troubles by acting on them. Kailangan mong kumilos kapatid! You need to validate if your calling is really authentic. Tinatawag ka ba talaga?
At ano ang mga dapat nating gawin if we feel that God is calling us sa pagpapari o buhay relihiyoso? Pwedeng makipag-usap sa isang tao na maaaring may alam sa pinagdadaanan natin at matulungan tayo sa pagunawa sa mga bagay bagay, sa iyong parish priest o sa Vocation Director ng inyong Diocese. Pwede rin tayong mag-inquire at makipag-contact sa mga vocation director/tress ng iba't ibang seminaryo at religous congregations at magparticipate sa mga search-in programs nila. Always remember this, yung calling natin ay hindi pa natin talaga tiyak. What we want to know is if we are really being called towards a particular vocation or way of life. So ibig sabihin hindi porke't umattend ka ng search-in o nag-take ka ng entrance exam sa seminaryo ay talagang para doon ka na talaga. Magiging pari o madre ka na. No! You need not be fixated in just one vocation. You should still possess that openness of heart (bukas yon) and entertain the possibility na ikaw ay tinatawag din sa iba pang bokasyon gaya ng pag-aasawa halimbawa.
Kaya kung hindi ka makapasa sa seminaryo maaring mangahulugan ito ng: una, hindi iyon ang seminaryo na para sa iyo, o hindi ito (pagpapari) ang buhay na nais ng Diyos sa iyo. Remember, you are still in the process of knowing, wala ka pa duon sa mismong alam mo na. Kaya wag kang madevastate. Remember, having a vocation is a continuing process of discernment. And this goes on throughout your lifespan. Hindi porke't nasa seminaryo o natanggap ka na sa seminaryo ay magiging pari ka na.
Vocation to the priesthood is a gift, and we cannot do anything to make us worthy or entitled to that gift. Hindi ito para sa pinaka-matalino, pinakabanal o pinakagwapo. Because it is a gratuitous gift, ang Diyos lamang ang may karapatang magkaloob and that is why we need to be open to go where the Spirit is prompting us.
Naalala ko, dinelay ko nang dinelay ang pag-alam kung talagang may bokasyon ba ako sa pagpapari until such time na parang wala na akong magawa. The question continues to linger.... Ano kaya ang mangyayari if I take action at mag-apply ako sa seminaryo? I was already 34 then. Masaya na ako sa karera ko, sa personal na buhay ko, sa mga accomplishments ko. But still, parang parati pa ring may kulang, I was never contended. There is this void in my heart that cannot be satisfied by anything material. So sabi ko sa sarili ko, ayoko iregret pag dating ng araw na wala akong ginawa sa calling ko. At ayaw ko na manatiling tinatanong ko ang sarili ko na "Ano kayang nangyari if nagtry ako magapply sa seminaryo? So I made the decision to once and for all put an end to this lingering question. I underwent the admission process of the seminary (na kinuwento ko sa Episodes 1 - 10 ng blog na ito) and ayun, nagtuloy tuloy na.
And when I got accepted and finally, gusto ko na talagang pumasok, meron na naman mga apprehensions, anxieties. Papano kung hindi talaga ako sa pagpapari? Paano na ang career ko? hindi pa rin talaga ako handa at marami pang gustong gawin. Then in my prayer, God somehow assured me by telling me, Kung ang hihintayin mo ay ang araw na talagang handang-handa ka na, eh hindi darating ang araw na iyon. Ang nais ko lang sa iyo ay magpaubaya ka at magtiwala sa akin. Ako na ang bahala, Jesus says. Then, ayun, I resigned from work, entered the seminary, kept my self open to what God wanted me to do. At eto nga, pari na ako ngayon. So natapos na ang mga "what if quetions" ko.
Otherwise, had I not acted on it, baka patuloy pa rin akong nag-iisip ngayon ng "ano kaya...?" and that could have been a very sorry and sad experience for me.
Kaya, kapatid, ano pa ang hinihintay mo, kilos na. Magdasal, magtanong, gawin ang nararapat. Pero pag sinabi kong hindi "bukas 'yon" ang bokasyon, hindi ibig sabihin papasok ka na ngayon (wag ka naman masyadong advance mag-isip, kapatid). Ang ibig kong sabihin, simulan mo nang maghanda. Magbasa-basa ka tungkol sa priesthood at buhay relihiyoso, vocation discernment, magdasal ka, magserve ka sa simbahan, makipagkaibigan ka sa mga taong may kapareho mo ring hangarin, humanap ng spiritual director na pwede kang matulungan mag-discern. Yan ay mga paraan na maaari mong gawin sa ngayon para i-clarify kung tinatawag ka nga. At hindi sympre dapat dyan matapos ang lahat, kailangan mo talagang humakbang at mag-try. Tandaan mo, the proof of the pudding is in the eating.
Wag mo rin kalilimutan na vocation is a gift. Ibig sabihin, hindi sa iyo nakadepende ito, kung hindi sa nagkaloob. Ngayon ang kailangan mo lang gawin ay tuklasin kung ano ang bokasyon mo sa buhay at pangalagaan at pahalagahan ito.
If today you hear his voice (call), harden not your heart....
May point po kayo father. Pwede naman pareho yung bukas yon (tomorrow) at bukas yon (openness). Salamat po.
ReplyDelete