Posts

Showing posts from January, 2020

St. Expeditus: Patron Saint of Speedy Causes

Image
St. Expeditus:  Patron Saint of Speedy Causes The venerated image of St. Expeditus in  the Lipa Cathedral In the Metropolitan Cathedral of St. Sebastian in Lipa City is a venerated image of a young Roman Centurion saint named Expeditus. Every month of April, a nine day novena in his honor is held in the cathedral that culminates in the celebration of his feast day on the 19th of the month. Who is this saint whose intercession was also invoked in the Oratio Imperata  to avert a catastrophic eruption of Taal Volcano prepared by the Archdiocese of Lipa when the volcano exhibited extra-ordinary activity early  in January, 2020?  St. Expeditus could have found affinity with the Lipenos since the martyr shares a lot of commonality with St. Sebastian, the city’s patron. St. Expeditus, like St. Sebastian was also a young Roman soldier who converted to Christianity and was also martyred as a consequence, during the period of Diocletian persecution.  Hence, a devo...

Homilies and Reflections: Enero 29, 2020, Miyerkules sa Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon

Image
Enero 29, 2020, Miyerkules sa Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Marcos 4: 1-20 Base sa pamamaraan ng pangangaral ni Hesus, masasabi natin na isa talaga siyang mahusay na guro.  Kung sa ating kapanahunan ngayon, napakahusay niyang gumamit ng visual aids. Gumagamit siya ng mga larawan at imahe sa kanyang pagtuturo upang mas madaling maipaliwanag sa kanyang mga tagapakinig ang mga konsepto na hindi madaling mauunawan kung wala ang nasabing mga larawan - isa na sa mga ito ay ang kaharian o paghahari ng Diyos.  Sa ating pagbasa ngayon, ang ginamit na imahe ay yaong isang magsasaka na naghasik ng mga binhi sa iba't ibang lugar o uri ng lupa na naging sanhi ng pagtubo at paglaki ng ilan at ang hindi pagtubo at paglaki ng ilan.  Tanging ang nahulog sa matabang lupa ang tumubo, lumago at namunga ng masagana.  Base sa pagkakwento ng ating Panginoong Hesus, may isang tema na nangingibabaw sa ating mabuting balita sa araw na ito: Ang p...

Homilies and Reflections: Enero 28, 2020, Martes sa ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon

Image
Enero 28, 2020, Martes sa Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon / Paggunita Kay Sto. Tomas de Aquino, Pari at Pantas ng Simbahan Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay SanMarcos 3:31-35 Ang pagiging kabilang sa isang pamilya o grupo ay masasabing mahalaga sapagkat maaari itong magtakda ng direksyon ng buhay ng isang indibidwal. Halimbawa kung nagmula ka sa isang angkan ng mga doktor, malaki ang expectation na magiging doktor ka rin. Kung ikaw naman ay galing sa angkan ng pulitiko, malamang lamang, magiging pulitiko ka rin. Sa lalawigan na aking kinalakhan, napakahalaga ng ugnayan ng magkakamag-anak. May kasabihan kami duon "iisang pisa". Ibig sabihin, iisa ang aming pinagmulan, magkakamag-anak halos ang buong nayon, ang lahat ay magkaka-ugnay, may relasyong namamagitan. Dapat pahalagahan at igalang ang ugnayang ito.  Kapag ikaw ay hindi taal na taga-doon, sasabihin ikaw ay dating o dapo.  Kakaiba ka sa kanila.  Sa ating mabuting balita, binigyang pansin ni Hesus...

Homilies and Reflections: Enero 27, 2020, Lunes sa ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon

Image
Enero 27, 2020, Lunes sa Ika 3 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Marcos 3:22-30 Sa ating mabuting balita, si Hesus ay inaakusahan ng mga guro ng batas na nagpapalayas ng masasamang espiritu sa pamamagitan ni Beelzebul. Sounds familiar? Sa ating sitwasyon ngayon, nakalulungkot na ang mga taong gumagawa ng tama, ang mga taong gumagawa ng kabutihan ay siya pang inaakusahan na masasama kadalasan.  Ang nagiging norm sa kasalukuyan ay "voice of the majority" kung anong sinasabi at ginagawa ng karamihan, siyang nagiging normal, at ang gumagawa ng tama ay abnormal.  Marahil iyan din ang sitwasyon na hinarap ni Hesus sa harap ng mga Pariseo at mga lider na Hudyo. Kahit tama at totoo ang kanyan mga ginagawa at sinasabi, siya pa rin ang masama, siya pa rin ang "Beelzebul" sapagkat sila ang mas nakararami.  Alam nila na tama si Hesus pero hindi nila ito matanggap. Magandang tingnan kung paanong si Hesus ay makagagawa ng mga dakila at mabubu...

Homilies and Reflections: January 26, 2020. 3rd Sunday in Ordinary Time (Cycle A) - Filipino

Image
Enero 26, 2020, Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 4: 12-23 Sa ating mabuting balita sa araw na ito, pumili si Hesus ng apat na mangingisda upang maging Kanyang mga alagad. Naalala ko yung mga commercials sa TV noong bata pa ako.  Yun bang mga wais na mga misis.  Ang wais na ina, pinipili ang pinakamabuti, pinakamahusay para sa kanyang pamilya.  Talagang kikilatisin ang mga items na pinamimili kung kalidad at masarap at masustansya kung pagkain, at matibay at maganda kung gamit naman.  Yan daw ang pagiging wais.  Pero sa ating mabuting balita ngayon, tila hindi yata naging wais si Hesus sa pagpili sa unang apat niyang mga alagad?  Pumili siya ng apat na mangingisda upang maging kanyang mga tagasunod. Pero kung titingnan, maraming mga katangian ang mga mangingisda upang sila ay maging mabuting alagad. Mahaba ang kanilang pasensya sa pagkukumpuni at sa pagsasaayos ng lambat, marunong silang maghintay - kahit...